KABANATA 5

16 2 0
                                    


Babalik ka pa ba kahit alam mong wala ka nang babalikan?



Napaliwanag sa akin ni lola ang lahat. Masyado akong naguguluhan. Ibig sabihin, buhay pa ang mga magulang ko?...dapat ba akong matuwa? Wala sila sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko, tapos ngayon kukunin nila ako ng ganon ganon lang? Ang galing lang.



"Isang, hanapin mo ang nanay mo, tiyak akong tinatago lang siya ng Ama mo. Huwag mo na ako isipin." Yan lang ang huling sinabi sa akin ni lola bago kami lumabas.



Iniisip ko din kung gaano kasama ang tatay ko para gawin yon sa tanging nag alaga sa akin ng labingwalong taon. Tunay kaya na tinatago niya lang si mama?.  Kailangan kong mahanap ang nanay ko para kay lola, pero hindi ko gustong iwan dito ang lola ko.



Tiniyak ko munang maayos na ang mukha ko bago ako lumabas ng bahay at humarap sakanila, ganon din ang ginawa ni lola. Namamaga ang mata niya dahil sa matagal na pag-iyak. Mabuti nalang ay nakasalamin ako. Kahit naman papaano eh hindi nila mapapansin na umiyak ako.



"Uy teh! Napuwing ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Kath. "Ah HAHA oo, kase madami palang alikabok sa kuwarto ni lola kaya yon hehe." Ngumiti ako sakanya at alam kong plastik na ngiti na iyon.



"Amira, Happy Birthday!" Sabay na bati ni Eunis at Chelsea.


"Kulot! Happy Birthday!" Bati naman ni Nikko.


"Crush! Happy birthday ah!" Makwelang bati naman ni Alex.


Nginitian ko nalang silang lahat bilang tugon.


"Hoy Alex! Anong crush crush ka dyan!, umupo ka nga dito." Pagsuway ni Kath kay Alex, natawa naman ako dahil sa ginawa niya.



"Magandang hapon sainyong lahat!!" Masiglang wika ni Lola Amelia. Alam kong malungkot siya ngunit pinilit niyang maging masaya para sa akin.


"Kumain lang kayo ahh, pasensya na at hindi ito katulad ng ibang birthday party. Hindi kami nakapaghanda ng programa." Wika pa ni lola sa mga ito, ngunit mukhang masaya naman ang mga bisita.


Kararating lang pala ni mang Ruben kasama ang kaniyang asawa at sanggol na babae. "Isang!! Dalaga na ang kulot namin ahh!. Happy 18th Birthday sayo, oh ito kunin mo." Nakangiting bungad sa akin ni mang Ruben at inabot sa akin ang asul na kahon.


"Salamat mang Ruben!" Ngiti ko dito. "Nako Isang, pagpasensyahan mo na ang regalo namin ahh, ngayon lang namin nabili iyan sa bayan." Wika ng asawa ni mang Ruben. Hawak nito ang anak nila.


"Okay lang po ate Lita, kain na po kayo. Nandiyan lang po si lola kausap yung mga kaklase ko." tumango naman si ate Lita at tumuloy na sila papunta kay lola.

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now