KABANATA 4

26 4 4
                                    



Kung kaya ko lamang pigilan ang nakatakdang mangyari, pipigilan ko ito. 


________________________________________________


THIRD PERSON'S P.O.V



Hindi maiwasan ni lola Amelia na lumuha habang pinagmamasdan ang kaniyang apo, mahimbing na itong natutulog ngayon sa kaniyang mga bisig.


Labingwalong taon. Labingwalong taon na ang lumipas nang mangulila siya sa kaniyang anak na babae na si Isabelle.



18 YEARS AGO.


Alas dose na ng gabi noon at umaasang uuwi din ang kaniyang anak na si Isabelle dahil siyam na buwan nang hindi nagpaparamdam ito at tanging liham lamang ang iniwan nito sakanya. Na nagsasabing;


Babalik ako, ina.


Yan lamang ang tanging salita na nakalagay sa liham ni Isabelle.


Papasok na sana si Amelia ng kanilang bahay upang kumuha ng balabal dahil sa malamig ang simoy ng hangin, ngunit napatigil siya sa pag lalakad nang makarinig siya ng malakas na iyak ng sanggol.


Walang tigil ito, kaya naman hinanap niya kung saan nagmumula iyon. Natagpuan niya sa baba ng punong kalachuchi ang sanggol. 


Nakalagay ito sa basket at naka balot ang sanggol sa kulay pulang tela na parang kakapanganak palamang. Ngunit malinis na ang bata, wala na ding bahid ng dugo rito.


Kinuha niya ang bata at laking gulat niya ng mahulog ang isang liham.


Mahamog na sa labas at delikado yon para sa sanggol, kaya minarapat niya munang pumasok sa kaniyang bahay dala ang sanggol at basket na kinalalagyan nito.


Napansin niya naman na may mga bulaklak ng kalachuchi ang basket na pinaglagyan sa sanggol. Naghanap siya ng gatas para ipainom dito ngunit bigo siya dahil kape lang at tsaa nandodoon sa kusina, madaling araw na din kaya't sarado na ang bilihan ng ganoong oras.


Sinubukan ni Amelia na bigyan ng bulaklak ang bata para tumigil ito sa kakaiyak. Maya-maya lang ay tumigil na sa pagiyak ang sanggol.


Dahan-dahang binuksan ni Amelia ang liham at laking gulat niya nang mapagtanto kung kanino galing ang liham na iyon... Sakaniyang Unica Ija, kay Isabelle.


Inay,

Pasensya na kung hindi ako nakapag paalam sayo, alam kong galit ka sa akin dahil sa hindi ko pagsunod sa iyong mga utos. Patawarin mo po ako sa aking kasalanan. Siya ang sanggol na isinilang ko, nawa'y mabuhay siya ng malusog at may mabuting kalooban. Sana ay hindi niya manahin ang sumpa na mayroon ako. At nawa'y ilayo niyo po siya sa kapahamakan. Hanggang sa muli inay, alam ko na siya ay lalaki bilang isang mabuting tao kagaya ng pagpapalaki mo sa akin.

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now