KABANATA 7

7 2 0
                                    



Napatigil ako sa pag-iyak dahil sa malakas na tunog ng trumpeta. "Maligayang pagdating sa kaharian ng Plumeria, Prinsesa Amira." Sigaw ng isang lalaki na may hawak ng trumpeta. Masayang nagpalakpakan naman ang mga tao at nakatingin sa akin ngayon. Bumitaw na sa pagkakayakap sa akin ang tatay ko at agad niyang pinunasan ang mga luha sa mata ko.


"Maligayang kaarawan at pagbabalik dito sa Plumeria anak. Nagagalak akong makita ka. Huwag ka nang umiyak dahil ang pagdiriwang na ito ay para sayo." Saad pa nito habang pinapatahan ako. Tumigil na din ako sa pag-iyak at pinilit na ngumiti.



Nakakahiya sa mga taong nakatingin sa akin ngayon. "Magandang araw sa inyong lahat. Siya ang aking anak. Marahil siya ay lumaki sa mundo ng mga tao ngunit hindi pa din maitatanggi na siya ang prinsesa ng Plumeria." Anunsyo pa ng tatay ko, habang ako?, nakatayo lang naman sa gilid at pinipilit na maging masaya.


Nagpalakpakan muli ang mga tao. Gusto ko na agad matapos 'to. "Amira anak..." Tawag pa sa akin ng tatay ko at sinenyasan akong tumabi sakaniya. Lumapit naman ako dito. "Bumati ka sa kanila." Mahinahong utos nito habang nakangiti.


Tumingin naman akong muli sa harap ng madaming tao at ngumiti ng pilit. "G-Good day po." Utal ko pang bati dito dahil sa paghikbi ko. Feeling ko mukha akong wasted sa harap nila. Kasalanan nila yon, biglaan ba naman akong papuntahin dito eh. Hindi ako prepared.


"Hindi nila naiintindihan ang wikang iyan anak." Bulong pa ni ama at natawa pa ng marahan. "O-Oh, Ah... Eh... Magandang araw po sainyong lahat. Ako po si Amira Isabelle a-at nagagalak po akong makilala kayo, sana kayo din po. Thankyou." Saad ko pa at ngumiti. Matapos ang ilang segundo ay napuno muli ang buong lugar ng palakpakan. Nagsimula na din tumugtog ang mga musilero na siyang nagpasaya pa lalo sa mood ng mga taong naririto.


"Simulan na ang kasiyahan!" Sigaw pa ng lalaking may hawak ng trumpeta at tumugtog na din. Maya-maya pa ay inilabas na ng mga serbidora ang pagkain. Sobrang dami non.


May lechon manok, hindi ko nga sure kung manok yon dahil halos 3× ang laki non sa normal na manok. May mga veagetable salad, pasta at kung ano-ano pang pagkain na ngayon ko lang nakita. Mas malala pa to sa piesta. Nagsimula nang magkwentuhan ang mga tao at ang iba naman ay nanatiling nakatingin sa akin.


Nakita ko naman ang tatay ko na nakatingin din sa akin. "B-Bakit po?" Tanong ko dito dahil mukhang kinakabisado niya ang mukha ko. "Kuhang-kuha mo talaga ang wangis ng iyong ina, anak." Saad pa nito at marahang natawa. Sa tingin ko ay edad 40 pataas na ito ngunit hindi padin maitatanggi ang matikas na tindig nito at ang kagwapuhan ng mukha niya.


Nakasuot din siya ng korona at may tatlong diyamante. samantala, kulay puti at ginto naman ang kulay ng damit niya.


"N-Nasaan po siya?." Tanong ko pa, agad namang nagbago ang ekspresyon niya. "Ang totoo niyan. Matagal ko na siyang hinahanap pero hanggang ngayon wala padin akong balita sakaniya." Saad nito. Nakaramdam naman ako ng poot dahil naalala ko ang sinabi ni lola sa akin na baka tinatago lang niya si mama.


Pero ngayon hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko. Hindi din ako pwedeng magalit sa isang tao nang wala namang dahilan. I don't want to be unreasonable. Kahit papaano, hindi ko maitatanggi na nangungulila ako sa tunay kong ama. Ngayon na nasa harap ko na siya, maari naman siguro akong maging masaya.

The World Behind Grandma's Amulet (On going)Where stories live. Discover now