Chapter 10.2: Crumple paper
"I TOLD you, ako ang dahilan kung bakit tayo nanalo."
"The only thing you've done was to scream, Moron!"
"Stupid, ikaw rin naman,"
It's been five minutes ago. Napagdesisyunan namin na dito kami mag lunch sa rooftop dahil mas tahimik at malayo sa ingay. And it's been five minutes na nakatunganga ako sa aking harapan habang pinapakinggan ang bangayan nila Samuel at Espera.
"Hey, ano bang tinitignan mo?" hindi na rin natiis ni Samuel ang katahimikan ko at gumaya na rin sa'kin. Nakita ko sa gilid ng mata na gumaya rin si Espera. Tatlo kaming parang sirang nakatingala at nakatitig sa kawalan.
Nothing special. Isang malawak na asul na kalangitan at mga ulap na hindi mo maintindihan.
Wala akong nararamdaman. Walang pumapasok sa utak ko na mga agam-agam. My mind is so peaceful na sobrang bago para sa'kin.
Why am I feeling like this? Kanina lang para akong binagsakan ng langit at lupa. Kanina lang ang dami kong gustong itanong kay ma'am Jean. Bakit ngayon parang wala akong iniisip na kahit ano.
"It's so peaceful," Espera stated sakto namang kumawala ang malakas at preskong hangin sa buong rooftop.
Napapikit ako ng walang kung ano-ano. She was right. It was so peaceful. Hindi ko aakalain na makakasama ko sila sa pagkakataon na ito.
For some reason, parang napawi ang lahat ng pressure na ibinigay sa'min. Para kaming sirang tatlo dito pero anong magagawa ko. Anong magagawa ng memoir rules kung gusto naming tumakas sa magulong mundo.
x~x~x
"SINADYA mo talaga yun 'no? Sumagot ka!" ilang beses na ba niya tong tinanong. Nakakarindi na ang boses niya. Inerapan ko siya at humakbang paalis pero naharangan niya ako dahil siya ang nasa harap ko.
"Are you playing hard to get?" hindi ko alam kung bakit gan'to ang laki ng galit sa'kin ni Lauren, ang binansagang pet teacher ng section namin. I've never done wrong. I'm just a normal—I forgot rank 1 na pala ako.
Iyon kaya ang pinaghihimutok niya? Na natalo siya ng isang normal student!? Gusto ko pa sana siyang inisin pero wala akong oras para sa mga gano'n. I am desperate here. Tumingin ako sa likuran niya at nakitang huminto si ma'am Jean sa labas ng isang silid. Someone is talking to her and it's my fifth chance para makausap siya.
"Hoy, hindi ka ba talaga sasagot?" hindi ko na pinansin si Lauren kahit pa mahigh-blood siya d'yan. Wala ako sa mood, okay?
Palakad na sana ako kay ma'am Jean hanggang sa may sumagi sa'kin.
"Oh~your here?" wala sa boses niya na nagalak siya ng makita ako. She was more disgusted. Ano nga bang gusto kong pagsalubong niya?
Ibebeso niya ako tapos yayakapin. That makes it more wierder, baka masapak ko na siya 'di oras.
"What a small word ika nga." matinas na sabi ni Christine kasama ang mga kaibigan niya. Yeah, dito rin s'ya nagaaral. Same year, Same track. As much as I want her to be gone, wala akong magagawa dahil dito s'ya pinaaral ng mga magulang niya.
Yeah, what a small world para makita siya rito sa third floor. Napakunot na lang ako ng noo, bakit kung saan nagmamadali ako ay dito sila magaalasahan. Andami ko na ba talagang haters!? Argh.
"Wala akong oras sayo," hindi na ako nagabala pang kausapin siya. May sasabihin pa sana siya when I cut her at lumayas sa harapan niya.
Ano bang ginagawa niya dito? Hindi ba nasa 4th floor siya. Ampake ko naman!
BINABASA MO ANG
Rules of Memoir
Mystery / ThrillerNo one knows our past, until we were force to be competitive with each other-they mandatory used the stupid MEMOIR RULE-in order to neutralize us, change us, and destroy us. ✴✴✴ Thirty students, the Humss lll, they're under the memoir rule. Amity is...