MEMOIR RULE#3: PEACE

20 2 0
                                    

Chapter 3: Peace





"WHAT is a person?" panimulang tanong ni ma'am Jean sa buong klase. Masiglang nagtaas si Samuel, as always.

"A person is able to reach out and interact with other." stupid. Marahan na tumango si ma'am Jean, pabalik balik sa harapan.

She's been like that one minute ago since she start the class.

"Very good. Then, Can anyone tell what's the difference between original and reflection?" panibago na naman niyang tanong.

Tahimik pa rin ang klase hanggang sa magtaas muli si Samuel.

"Wala na bang iba? Lagi na lang si Samuel?"

Sa totoo lang naninibago pa rin kami sa presensya niya. Dalawang araw na ang nakakalipas ng magpakilala siya sa'min na siya na ang magiging advicer and new philosophy teacher dito sa senior high.

Sa dalawang araw na 'yun, wala kaming alam tungkol sa kanya. Hindi namin alam kung ano ang ugali niya. She's serious and joyful at the same time. Mahirap siyang i-predict.

"Kung titignan mo ang sarili mo sa isang salamin, makikita mo ang sarili mo." malamang

"Pero, it's not your original self. It's the reflection of your original self. Nakikita mo lang ang panlabas mong katayuan pero hindi nakikita ng iba ang pangloob mong katayuan." kagaya mo ma'am Jean. Nakikita ka naming laging masaya pero bakit parang may ibig sabihin ang malulumay mong mata.

Naglakad muli siya, pabalik-balik. She never give an eye contact with us kapag ginagawa niya 'yan.

"Can anyone tell what's behind those mirrors?"panibagong tanong na alam naming may malalim pang kahulugan.

Wala na namang sumagot hanggang sa....

"Your other self." mahinahon at confident na sagot ni Espera mula sa kanyang upuan. Huminto sa paglalakad si ma'am Jean, akala ko itatapat niya ang kanyang mata kay Espera but I was wrong.

She was staring at.....

"Mister Samuel, can you tell me what's the difference between your real self and your other self ?" tamang tama para kay Samuel ang tanong.

Kung wierd si Samuel, mas wierd si ma'am Jean. Hindi mo alam kung ano ang nasa likod ng kanyang malulumay na mata. I almost believe na may super natural powers siya. That she can manipulate and read others mind.

"Tama ka Samuel, it's hidden self. Things we know about ourselves that others do not know." kahit pa hindi nakasagot si Samuel sa tanong niya ay pinagpatuloy pa rin niya ang disscussion.

Natulala ng ilang segundo si Samuel at napabalik na lang sa pagkakaupo.

x~x~x

"Joharis Window. 'Wag niyong kakalimutan. Review and review. Magkakaroon tayo ng long quiz bukas." paalala sa'min ni ma'am Jean habang kinukuha ang kanyang mga gamit sa lamesa.

Tinulongan siya ng mga pa-humble kong mga kaklase. Kinuha ng isa ang projector habang 'yung isa laptop. Lumabas na sila pero hindi pa rin ako mapanatag sa mga agam-agam ko.

Rules of MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon