It's already 4:30 am, and we're still in the middle of nowhere. Feeling ko namamanhid na yung pwet ko sa kakaupo dito sa loob ng taxi.Napatingin ako sa mga kasama ko na natutulog, buti pa sila nakatulog na, samantalang ako iniisip parin ang mga posibilidad na mangyari. Di pa kami nag uumpisa pero nai-stress nako agad.
*BZZK BZZK*
Naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko, kaya naman kinuha ko ito mula sa bag ko, may nag text.
From: +639*********
Ate nasan ka? Si tintin to, naki text lang ako. Txtback.
Si Athena pala. Hayss. Alam kong mangungulit lang sya kapag nag reply ako, kaya naman tinanggal ko nalang yung simcard ko at tinago. Di nila pwedeng malaman kung nasaan ako. Ayokong bumalik sa pamilya ko hangga't wala pa akong napapatunayan sa kanila.
Binalik ko na yung cellphone ko sa bag ko at muling tumingin sa bintana. May halos kalahating oras na akong nakatingin sa bintana ng taxi at medyo nagliliwanag na, napatingin naman ako sa wristwatch ko, 5:18 na pala.
Napatingin ako sa mga kasama ko na ang himbing parin ng tulog, napalingon naman ako kay Fatima. Grabe, di parin ako makapaniwala na kasama din namin sya.
Naputol naman ang pag mumuni-muni ko ng huminto ang taxi.
"Nandito na po tayo sa address na binigay nyo, mga Miss." Sabi ng driver.
"Ayy sige po kuya, wait lang po gigisingin ko lang sila." tumango naman si kuya sa sinabi ko.
Ginalaw galaw ko ang balikat kong namanhid na yata dahil kay Vienn, napaingit naman sya.
"Guys nandito na tayo!" medyo malakas na sabi ko dahil alam kong tulog mantika tong mga to. Effective naman kasi dumilat silang tatlo. Inalis na din ni Vienn yung ulo nya sa balikat ko at grabeeee talaga napaka laking ginhawa sakin.
Nang mahimasmasan na yung mga kasama ko, binuksan ko na yung pinto sa gilid ko tsaka ako bumaba sumunod naman yung tatlo. Kinuha din namin yung mga gamit namin sa compartment tinulugan kami ni kuyang driver sa pagbababa non.
"Ah kuya eto po bayad namin. Maraming salamat po sa serbisyo nyo." sabi ni Ann sabay bigay ng 1,500. Akmang isasauli ni kuyang driver yung sobra pero pinigilan sya ni Ann, "Keep the change po kuya hehehe." Nagpasalamat naman samin yung driver bago umalis.
"What now?" sabi ko.
"Ann?" sabi ni Vienn kaya naman napatingin kami ni Fatima kay Ann na busy sa pagpindot sa cell phone nya at tila may hinahanap.
"Wait lang naman. Excited?" - Ann
"Make it faster. Gusto ko ng matulog." - Ako
"Wait lang palabas na daw yung may ari sa bahay nya. Sunduin nya daw tayo dito." wala naman ng umangal samin siguro dahil sa antok.
Hindi nagtagal at may babaeng lumpit samin. Siguro nasa mid 50's na sya. Kita na rin kasi yung mga wrinkles nya. Naka ngiti syang lumapit samin.
"Kayo na ba yung mga lilipat sa apartment ko?"
"Opo. Ako po si Camille, yung ka chat nyo po. Ikaw po si Mrs. San Jose?" nagulat ako sa pakilala ni Ann, Camille? Yun yung pangalan nya sa Role Player Accout nya e. Napatingin din si Fatima at Vienn sa kanya, maybe they're confused too.
"Ikaw pala yan," napatingin sya saming tatlo. "Sila din siguro yung mga kaibigan mo." nakangiti niyang sambit. Kaya ngumiti nalang din kami sa kanya.
"Ah opo, halina kayo sundan nyo ako. Dadalhin ko kayo sa apartment. Hindi naman kalayuan yon dito."
Saglit kaming naglakad at huminto kami sa isang two story apartment. Bale tatlo sya na magkakadikit pero may harang sa bawat pagitan at may sariling gate.
"Its cute. Not bad." komento ni Fatima.
"Nagustohan nyo ba? Mayroon ng ilang gamit dito," binuksan nya ang gate at pumasok sa loob, "Halina kayo at nang makita nyo."
Pagpasok namin sa bahay nakita namin ang ilang mga gamit sa sala, may isang set na ng sofa pero magkakaiba ang kulay, may wooden coffee table na din. "Oh ayan. May mga upuan at lamesita na r'yan. Mga lumang gamit namin yan pero wag kayong mag alala matitino pa naman ang mga yan." Lumakad sya paakyat sa hagdan. "Mayroong isang kwarto rito sa baba at dalawa naman ang kwarto sa taas. May isang kwarto sa itaas na may double deck. Kumpleto din ang mga ilaw at bago lahat." paliwanag ng landlady.
"Nice," pabulong na sabi ni Vienn sa tabi ko.
"0.0 balance ang ilaw at tubig. Hindi barado ang cr at lababo. Walang sira ang mga electricity outlets. Sa madaling salita walang problema dito sa apartment ko." nakangiti nyang paliwanag. Kaya naman nginitian din namin sya.
"Maraming salamat po Mrs. San Jose, malaking tulong po samin ang mga gamit na to." nakangiting sabi ni Fatima.
"Wala yon iha. Sya nga pala, magpapaalam na ako at magluluto pa ako ng almusal ng mga apo ko. Kung may kailangan kayong gamit tulad ng mga gamit sa pagluluto e sabihin nyo lang sakin at pahihiramin ko kayo."
"Nako maraming thank you po talaga Mrs. San Jose. Napakabait nyo po talaga!" Vienn joyfully said.
"Nakakatuwa naman kayong mga bata kayo. Sige mauuna na ako ha."
"Bye po Mrs. San Jose!" sabay sabay na sabi naming apat.
"Sara ko lang yung door ah," sabi ni Fatima.
Pagkasara ni Fatima ng pinto yun na ang naging cue para mag unahan kami sa pag upo sa sofa. Good thing nauna ako sa pinaka mahabang sofa kaya naman agad akong nahiga.
"Paupo ako Xyyy!" reklamo ni Vienn.
"Fine." simpleng sagot ko naman habang binibigyan sya ng pwesto sa bandang paanan ko.
"Thankiee."
"Tulog muna tayo ulit, nakakapagod yung byahe." suhestiyon ni Ann na sinang ayunan naman namin agad.
"Paggising natin mamaya, saka nalang tayo bumili ng mga basic needs natin para dito sa bahay. Okay?" Sabi ko sa kanila habang naka takip ang braso ko sa mukha ko.
"Okayyy." they said in chorus.
And with that, we all fell asleep~~~
-
-
-
-
-
-
-

YOU ARE READING
Rebels
Genç KurguThey are intelligent. They are beautiful. They are strong. They believes in their self. BUT- She's cold. She has a trust issues. She's very fragile inside. She's a troublesome. AND- They are REBELS.