Braige ' s Pov
Naalipungutan ako sa ingay ng paligid. At bigla naman sumakit ang ulo ko at parang nahihilo ako. Dahan dahan ko namang minulat ang mga mata ko. Pikit mulat ang ginawa ko hanggang sa maglinaw na ang paningin ko.
Nakarinig ako ng mga pamilyar na boses pwera nalang sa dalawang boses lalake, at sa mga pananalita nila kunti nalang ay gegyera na.
Tangina bat ba kasi ako na tulog? Ang sakit tuloy ng ulo ko..
Pilit kong inaalala kong anu ang nangyare kanina bago ako matahantong dito.. Lintek Bat niya ginawa yun? Inano ko ba siya?..
Mas lalong sumakit ang ulo ko kakaisip. Mukhang hindi ako makakasayaw sa linggo dahil sa lagay ko 'to..
Ayuss hehehe
Nilibot ko ang paniningin ko sa kanila na hindi nila napapansin na gising na ako.. Ang mamanhid naman ng mga kasama ko pwera sa lalakeng toh.
Walang ganang tinignan ko ito, habang siya ay sinusuri ako. Akmang mag sasalita ng pigilan ko siya gamit ang titig ko, mabuti nalang good boy si nerd.. Naka glasses kasi pero di naman siya gaano ka nerd..
Mabuti nalang hindi siya napansin ng iba ng makipagtitigan siya sakin... Inaalam ko naman kung saan ko siya nakita dahil parang pamilyar ang mga titig at pigura niya sakin...
Nahiwalay lang ang titig niya sakin ng biglang tanungin siya ng mga kaibigan ko.. Mahinahon naman niyang sinagot ito.. Nakakabilib ang kanyang pagiging mahinahon sa pagiging walang reaksyon niya...
Weird ang gago..
Bumaling naman ang atensyon ko kay Flaze na nasatabi ko ng may binubulong.. Kumunoot ang noo kung tinignan siya...
"Anu naman kaya ang ginawa nito?" Mahinang bulong nito, pero rinig na rinig ko naman...
Bumulong kapa rinig naman ang gagi mo talaga..
"wag munang isipin" tipid kong ani rito... Halos matawa ako sa naging reaksyon niya.. Halos mahulog na siya sa kinauupuan niya ng dahil sa gulat, at tumingin sakin na parang nakalimutan na natutulog pala ako kanina..
"Tangina Braige ginu— BRAIGE GISING KANA" sumigaw ito ng malalang nakatulog pala ako...Sinamaan ko siya ng tingin dahil ang sakit sa tenga ang sigaw niya.
Kung makasigaw naman 'to akala mo megaphone ang kinakain parati, ang sakit sa tenga.. parang na bulabog ang mga tutuli ko..
"Oo at ang ingay mo kaya lumabas kana" iritang singhal ko dito, napasimangot naman siya. Diko na siya pinansin ng masilapitan naman ang iba sakin, lalong lalo na si Miria.
"Hoi baliw di pa ako patay kung makaiyak ka parang ninalamayan an ako dito" inis kong sabi sakanya. Kahit kailan ang OA OA Talaga nito.
"Pakyu mabuti nalang talaga na gumising dahil pag hahandahan na talaga kita ng libingan tangina mo!"
"Aba't!....kung ikaw ang unahin ko ha!"
" ' To naman joke lang eh"
" lamunin mo yang joke mong lang kwenta!"
Natawa naman yung lalakeng kasama ni nerd boy. Taas kilay ko naman siyang tinignan, kaya ng mapansin niya iyon ay napatigil siya agad at kunwaring uubo ubo sa tabi..
YOU ARE READING
Waves Of Past
RandomHer life changes when an incident happened in her Eight years of existence... She's been living with the past,and never tried to move on well she tried, pero ika nga nila 'mahirap kalimutan ang nakaraan lalo na't iyun ang pinakamasakit na nangyare s...