ii

8 1 0
                                    

"Gorl, ampogi ni Clarence!"
"Crush ko na yan si Clarence"
"Tangak may jowa yon"
"Sino?"
"Bakit yung mag asawa nga nag hihiwalay eh"

Sunod sunod ang chats na narereceive ko sa GC naming magkakaibigan. Last week pa noong huling club meeting namin at na stalk o should I say "naimbestigahan" na nila ang dalawang bagong recruit sa team.

"Uy Jes sino mas gusto mo sa dalawa?"
"Wala" sagot ko agad.
"Dali na parang tungak naman to"
"Ewan ko. Si Dusk siguro. Mukhang g*go yung Clarence eh. Mukhang babaero hahahaha" reply ko.
"Huy sobra ka. Nakakatext ko na kaya yon 😍🤭"
"HUY TOTOOO?!"
"lande mo kelan pa!!!!!!"

Halata sa mga sagot namin ang gulat sa sinabi ni Mikhyla na yon. Si Mikhyla ang pinaka malapit kong kaibigan sa lahat. Siya ang aking partner in crime. Kahit sa totoo ay ako lang ang may posibilidad na makulong pag dating ng araw.

Matalik kaming magkaibigan pero hindi kagaya ng ibang mag kakaibigan na nagiging magkamukha na halos, kami ay kabaliktaran. Si Mikhyla ay maputi, mahinhin, kikay at mahilig sa mga cute na bagay. Ako naman ay di gaanong kaputian, boyish at tarantad*. In other words, barasubas ako at si Mikhyla ay dalagang pilipina. Pero kahit ganoon ang pagkakaiba namin ay di parin mapag kakaila ang mga bagay na pareho naming gusto. Katulad na lang ng pagkain, believes, dreams at paningin sa mundo. At dahil don, I will do everything for her. I just f*cking love my friends. Lalo na tong ulupong na ito.

"Simula nung last meeting natin. Ibinigay ko kasi sakanya yung number natin para kung may mga tanong sya pwede nya itanong." paliwanag saamin ni Mikhyla.
"Nating lahat?"
"Oo."
"Bat di ako tinext?"
"Ewan. Ako kasi pinaka maganda satin eh hahahaha"
"Parang nag dilim paningin ko sa nabasa ko."

Hindi na halos ako makaabot sa pinaguusapan sa bilis ng palitan nila. Basta talaga usapang lalaki ay ambibilis nila. Pero kapag tungkol sa mga schoolworks, mga pahirapan macontact.

"Sige na mga impakta. Matutulog na ko." pag papaalam ko sa mga ito.

"Si antukin naman"
"Aga mo matulog, tanghali ka na magising"
"Good night bit*h!!"

Mga loko loko talaga. Kailangan ko talaga ng kompletong tulog dahil sa club day nanaman bukas at mag sisimula na ng practice ang team namin.

-

Nasa classroom parin kami at iniintay ang bell bago makalabas at makalipat ng gym para sa club practice namin. Kalat kalat kaming lahat, ako ay nakatapat sa aircon. Si mikhyla ay nakaupo sa teacher's table habang nag tetext. Ang iba pa naming mga kaibigan ay nag lalaro ng ML. Ang iba ay may kanya kanyang mundo.

Kasalukuyang nakapikit ako habang may earphones na nakapasok sa mga tengga. Patulog na ako nang tumunog ito. Pinindot ko lamang ang button sa earphone na gamit ko para masagot ang tawag at tamad na tamad akong dumilat dahil sa antok.

"Hello"
"Oy" sagot ko rito at nakapikit parin.
"May practice ba?" tanong nito saakin at doon ko lamang napag tanto ang boses ng kausap ko sa kabilang telepono. Rinig ko pa ang ibang mga kasama nito at tila inaasar sya sa kausap nito sa telepono. Akala siguro ay girlfriend nito ang kausap niya.

expectedly unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon