Alas otso nang magising ako sa sakit ng ulo at buong katawan ko. Kagabi ay nakatulog ako sa bigat ng iyak at di na namalayan kung anong oras na ng ako'y dalawin ng antok.
Sinubukan kong mag salita pero walang lumabas na boses dito. Parang pinipiga ang magkabilang sintido ko at hindi makagalaw sa sakit ng mga braso, likod at hita ko. Ramdam ko na mainit ako kaya naman hindi na ko nag balak gumalaw pa dahil nanghihina parin ako.
"Oh ano, nag paulan ka siguro kaya ang taas ng lagnat mo." Sermon saakin ni Mama habang nilalapag ang pagkain at gamot sa gilid ng kama ko.
Di na ako pumalag at tama naman ang sinabi nito. Bukod don ay wala parin akong lakas dahil sa feeling ko ay nawalan ako ng matatalik na kaibigan at higit sa lahat ay hindi ako crush ng crush ko. Putangina.
"Aba, mukhang may sakit ka talaga ha. Tahimik ka eh. Hala sige. Kumain ka, inumin mo tong gamot tas mag pahinga ka ulit. Huwag ka na pumasok."
Parang kahit wala akong sakit ay ayoko talagang pumasok. Napag isip isip ko na bibigyan ko pa ng chance ang cupid namin ni Dusk ng isang linggo pa. Kung sa isang linggo na iyom ay hindi nag first move si Dusk ay iiwasan ko na ito. Hindi ko narin aasahan si Clarence na kausapin o lingunin ako. Siguro ay hindi nya na ako gustong maging kaibigan kaya he stood me up. So, go.
Buong araw lang ako nagtulog at nakahiga. Pakiramdam ko ay binabawi ng katawan ako ang mga puyat na pinag gagawa ko para lamang makausap si Dusk.
Kinabukasan naman ay gumising na ako ng maaga para makapasok dahil sa umayos naman na ang pakiramdam ko pero pinigilan ako ni Mama dahil baka mabinat ako. Kaya nan ito ako at nakahilata sa sala at walang magawa sa buhay. I was checking my sns when Dusk's chathead popped up.
Para akong batiryang nasa 10% na biglang nag 100% at napaupo. Nang pipindutin ko na ito para maseen ay naisip ko na pag intayin din sya gaya ng pag iintay ko. Kaya naman nag intay ako na mag 2 minutes bago ko ito sineen.
"Hindi ka ata pumapasok?"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang gusto kong sapakin yung cupid namin ni Dusk at ngayon lang sya nag trabaho ng tama at timing pa na may sakit ako.
"Ah oo nilalagnat ako e hehe." Reply ko dito.
"Ah nilalagnat ka pala. Pagaling kana haha. Uso nagkakasakit ngayon e haha"PIKACHU PWEDE PASAMPAL? HINDI NA NAWAWALA YUNG "hahahaha" KO SA MGA REPLY KO SAKANYA SA KILIG KO WALA PA 30 SECONDS MAY REPLY NA KO! Pero syempre as usual, mabagal sya sumagot. Pero ngayon eh nasa klase sya kaya naman mas matagal bago sya makapag reply. Hapon na nung nareplyan nya ulit ako. Malamang ay pauwi na sya nito.
"Nga pala may sinat kapa?"
"Oo eh. Nilagnat ulit ako kanina. Anlameg kase. Pero sinat nalang ngayon."
"Ah haha iinom mo lang yan ng gamot tas pahinga. Wala namng pasok bukas e"Tanga na kung tanga pero nabuo ang araw ko sa pagiisip na baka nag aalala saakin si Dusk. Biyernes ngayon kaya dumaan ang sabado linggo at oo. Nag kachat kami ulit ni Dusk at gaya ng dati. Matagal parin bago sya sumagot, kung minsan ay isang oras ang pagitan bawat chat namin kaya naman sa buong araw ay halos tatlong palitan lang ang nagagawa namin kaya hindi gaanong nag kausap at linggo ng gabi ay hindi na sya nag reply sa chat ko.
Kaya naman nag browse nalang ako sa facebook. Kung ano ano, scroll lang ng scroll. Biglang tumunog ang notif ko at lumabas na tinag ako ni Mikhyla sa isang meme.
"When your bestfriend is absent and you need to attend the class alone."
Tapos umiiyak ang picture na kasama nito. Hindi ko kayang magalit kay Mikhyla kaya kahit alam kong may sikreto sya saakin. Kinalimutan ko na ito. Rerespetuhin ko nalang na hindi na ako kaibigan ni Clarence at wala na syang tiwala magsabi saakin. :))
"@Jescyka Keanna IMISSUNA!!" comment pa ni Mikhyla. Natawa naman ako at may naalala.
-
Kakauwi ko lang galing practice, natapos na namin pag planuhan ang freestyle sa transition at napag planuhan namin mag fistbump ni Clarence. Sa practice ay nag gaguhan lang kami. Karamihan sa oras namin ay puro kalokohan at buti nalang ay naayos namin bago mag alas sais.
Nag tatanggal ako ng strap ng bra ng mag text si Clarence saakin.
"Babe andyan ka?" Tuwing magkikita kami ay inaasar nya ako ng Babe, at tuwing magkikita kami ay nakakatanggap sya saakin ng mura.
"Gag*. Bakit?" Mabilis na sagot ko dito at napadapa sa kama pag katanggal ko ng mortal enemy ng mga babae pag pagod at hirap huminga. Ang bra.
"Wala lang, miss lang kita."
Masasabi ko na kinilig ako ng 00.02 seconds pero alam ng ikabuturan ng balunbalunan ko na nang aasar lang ito. Kaya naman biniro ko ito at sinagot sya na.
"Hi. Si Mikhyla to."
Maya maya pa ay sumagot ito. Nakonsensya naman ako kaya nireplyan ko din agad.
"Ah ok sige."
"Joke lang, namiss din kita ano ka ba hahaha"Pagkareply ko ay tumawag agad ito at pinag aaway ako sa pangloloko ko sakanya.
-
"Bwiset ka Clarence. I hate you. Namimiss na kita saka mga kalokohan mo. Chinat na ako ni Dusk. Sabi nya mag pagaling na daw ako. Maging masaya ka naman. May sakit ako pero di mo man lang ako kinamusta. Magaling na nga ko eh. Gag* ka talaga. Ingat ka nalang. Sana okay ka lang." Pakikipag usap ko sa kisame ng kwarto ko.
Pero desidido na ako. Hindi ko na kakausapin si Clarence. Baka yun ang gusto nya, baka nag kaproblema sila ng girlfriend nya kasi masyado kami malapit.. baka nga.. kaya mula ngayon. Wala ng Clarence Leo Gallero.
"My bestfriend totga. Totgago. Kung alam mo lang kung gano ka kahalaga sakin. Tangina ka. Pero kung yun yung desisyon mo. Kahit hindi ko naiintindihan. Kahit hindi mo ako binigyan ng pagkakataon intindihin. Iintindihin nalang kita. Kasi, ikaw yan eh. Saka ako to. Ako lang to. Ilang buwan lang tayo naging mag tropa pero yung chemistry nating dalawa. Gago, tayo boy eh. We are meant to be with each other's side. Sandalan. Makikinig at makakaintindi sa isat isa. Siguro ako lang nakakaramdam non boy. Kasi satin, ako parin yung hindi ka nakakalimutan. Satin, ako boy yung nakakapit pa sa friendship natin. I will always treasure our bond and will always glad to hear you out. Kasi yun lang yung pinanghawakan ko nung iniwasan mo ako. "Mamimiss nya rin ako." Sana sa pag iwas ko din sayo. Gaya ng ginawa mo. Sana mamiss mo rin ako."
201522016