xi

6 1 0
                                    

"Tara dito guys, picture tayo!" tawag saamin ng ibang kaklase namin nang makababa kaming lahat sa bus.

Andito na kami sa tutuluyan namin. two storey lang ito pero parang hospital sa haba. Ang kabuuan nito ay halos puro puti, siguro kung gabi kami dumating dito ay bibigyan ako ng takot na pakiramdam pagkakita ko rito. Pero dahil sa mga berdeng mga damo at mga puno sa harap at gilid nito ay para bang naamoy ko ang sariwang hangin na nabibigay nito hindi kagaya saamin na panay usok at pollution ang malalanghap mo.

Buong byahe ay nag patugtog lang ako at kumain ng bahagya. Hindi kami makapag ingay dahil sa tourguide na nakatoka sa bus namin. Tinawanan pa ako ng mga kaklase ko ng mamali ko ang salitang "wawang" imbes na "wangwang". Si Mikhyla naman ay natulog sa balikat ko nang maingayan sa tourguide namin.

Mahilig ako sa roadtrip, gustong gusto ko ang pag babyahe lalong lalo na kapag may kasabay itong masarap na tugtog. Pwera nalang kapag may aircon ang sinasakyan ko. Mabuti nalang at hindi gaanong malamig at naenjoy ko ang tatlong oras na byahe.

Habang nakikinig sa kanta ng LANY, hindi ko naiwasan na mag gala ang isip. Nauna ang pag iisip ko ng pasalubong sa aking pamilya, sinong katabi sa kama, magkano ang budget ko sa souvenirs nila at kung ano ano pa.

"Jes, tara na. Pasok na daw tayo!" pag kuha ng atensyon saakin ni Mikhyla.

Nginitian ko ito at sumunod sakanila, masaya ako na magkakaroon kami ng oras na makapag samasama ng ganito. Dahil noon pa man ay gusto ko na makasama sila sa ganitong set up. Kaya naman hindi ko maitago ang excite ko at ang kulit na kanina pa gustong kumawala sa katawan ko.

Pagkapasok ay sinalubong kaming agad ng apat na madre. Ang isa dito ay makikitaan mo na agad ng aura na siya ang head sakanilang apat na naririto. Kinausap sya ng mga prof at pagkatapos nito ay nag lakad na kaming lahat at sinundan ang mga ito habang ipinapakita saamin ang mga lugar na meron dito. Mayroong hall kung saan magaganap ang seminars, ang kusina na may mahabang lamesa, ang banyo, ang mga lugar na maaari naming puntahan sa free time namin at ang huli ay hinati na kaming mga babae at lalaki at ipinakita ang magiging kwarto namin.

Pagpasok sa isang pintuan ay napa nganga ako sa laki at haba ng kwarto na aming tutuluyan. Kasya ang 25 na tao sa kwartong ito, mag kaharap at magkatabi ang mga kama. Puro puti ang mga kobre nito mula sa unan, kumot at cover ng kama at malamig ang hangin na pumapasok sa mga bintana na andito. Hardwood ang matiryales ng interior nito kaya sobrang comfortable ang vibes na nabibigay nito. Lahat kami ay pumili ng kama at ilan saamin ay napag desisyonan na magtatabi nalang sa isang kama dahil walang may gustong mahiwalay dahil sobra sa 25 kaming mga babae. Sa kabilang kwarto ay ang mga lalaki at rinig namin ang mga hiyawan ng mga ito at tila nag iislaman na roon.

Kami ni Mikhyla ang magkatabi sa iisang kama, nang maayos namin ang kama at mga gamit namin ay agad kaming nag aya lumabas upang makapag lakad lakad. Buong araw ay peace of mind ang nakuha ko..

Pagkatapos namin maglunch ay nagseminar kami at nang mag bandang hapon ay binigyan na kami ng oras upang makaligo at makapag handa sa hapunan..

Nang makaligo kami nila Mikhyla ng sabay sabay at may halong kalokohan ay nag suot kami ng aming mga pantulog. Lahat kami ay nakapajama na sobrang comfortable.

"Jes, labas mo phone mo. Picture tayo"

Tuwang tuwa na mahinang sabi nito saakin. Kinuha ko naman ito sa loob ng maliit kong maleta at nang mabawasan ang tao sa kwarto ay nag picturan na kami rito.

"Kain na!" Rinig naming tawag samin kaya naman agad ko tinago ang phone at nag una unahan na sa pag labas.

Papunta sa kwarto na kakainan namin ay nakakapit si Mikhyla sa braso ko, madilim na sa labas kahit na ang buong lugar namin ay may ilaw ang pag pasok ng liwanag na nanggagaling sa buwan ay kita parin.

"Twelve per table guys. Kaya na bahala kumuha ng dinner nyo. May vending machine sa labas."

Paalala saamin ng teacher namin. Kami naman ay mga nag si upo na. Di kalaunan ay napuno din ang table namin. Di na rin namin namalayan na nag bibigayan na kami ng mga pagkain.

"Kanin pa Jes, Mikhy." alok saamin ng kaklase naming si Kim.
"Hu alukin mo pa yan, mamaya tambay ng banyo yang mga yan." asar saamin.

Mahina at tago ang mura ko rito na kinatawa namin. Napuno lang ng kwentuhan ang hapag kainan namin hanggang sa matapos kami.

"Kape?" nag iintay nalang ako kila Mikhyla dahil nauna akong natapos kumain sakanila nang ayain ako ni Kim.
"Shet, g." Tinawag ko narin sila Mikhyla para makasama saamin dahil sa labas pa ang vending machine at ang coffee machine.

Nang makalabas kami ay napayakap ako sa aking mga braso sa lamig ng hangin na pumalo saakin. Madilim at kitang kita ang buwan sa pwesto namin. Bilang lang rin ang mga poste ng ilaw na makikita at maaninag mo lamang ay ang mga puno at ang malawak na damuhan dito.

"Creepy naman dito." panimulang panakot ng mga kaibigan ko.

"Asan na yung kape?" di ko pinansin ang mga ito at walang ibang nasa isip kundi ang mag kape. Kape ang pinaka solid na combo sa malamig na simoy ng hangin na to.

Lumipas ang limang minuto na takutan ang naririnig ko sa kanila at nag aaya na silang bumalik sa loob ng makita ni Kim ang sign na iyon ang daan.

Takot man ang mga kasama ko dumaan ay nag lakad na kami ni Kim at wala silang nagawa kundi ang sumunod. Hindi gaanong kalayo kaya't naka punta at naka kuha din kami ng kape ni Kim.

"Tang*na walang katapusang kape Jes ah."
"Kape is layp." sagot ko dito habang hinihipan ang kape na iniinom ko.

"Tara na Kim, baka kung ano pa makita natin dito."
"Ang matatakutin nyo naman." sagot ni Kim at nag simula na maglakad.

"Huy put*ngina g*go"

Hindi pa kami nakalalayo sa vending machine ay nag patay sindi na ang ilaw ron kaya naman napa mura kami agad.

Takot na takot sila Mikhyla at ang iba pa saamin. Maging ilan sa mga lalaki na kasama namin ay kunyaring tumatawa pero halatang natatakot din. Si Mikhyla ay napakapit sa damit ni Kim, habang ang ilan ay halos yumakap na sa isa't isa. Ako naman ay di ko maikaiilang nagulat pero sa palagay ko sa mga ganitong sitwasyon ay ako ang inaasahan ng marami saamin.

"Wag kayong tatakbo." Hindi mahina at hindi ring malakas na sabi ko sa mga ito habang umiiyak na ang ilan saamin ng pigil.

Pero bago pa man sila maka react ay ako ang naunang tumakbo saamin kaya naman lumakas na ang iyak nila habang sabay na hinahabol at minumura ako. Tawa lang ako ng tawa hanggang sa makapasok kami at walang humpay na palo at mura ang natanggap ko sakanila.

Pabalik sa mga kwarto ay nag hiwalay na kami dahil iba ang kwarto ng mga lalaki sa babae. Pero pag balik namin ay gulat kami na ang phone na itinago ko sa maleta ko ay hawak ng teacher namin na kasama naming matutulog sa kwarto.

Walang nag sasalita maging ang mga kaklase namin.

"Ma'am, hindi naman po namin ginagami--"

Bago pa ako makapag rason ay hinarap na saakin ng teacher ko ang phone at pinakita ang kuha naming magkakaibigan bago kumain..

Maganda ang kuha naming groupie bukod nalang sa nasamang kumot na itim na nakalutang sa pinaka gilid ng litrato.

expectedly unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon