xii

7 2 0
                                    

Nag kumpulan kaming magkakaibigan habang tinitignan ang litrato na kuha namin para lamang sana makunan ang saya at ang cute naming mga pajamas. Agad napakapit si Mikhyla saakin nang ituro ng teacher namin ang nahagip na kumot na itim.

"Luh ma'am ano yun?"
"Pano nangyare yun puro white mga kumot dito"
"Uwi na ko"
"Hala may mumu ba dito" Maiyak iyak na tanong nila.

Sumabat narin ang iba pa naming mg kaklase. Marami dito ang natatakot at nag kukumpulan sa isang kama. Pero mayroon din na naexcite lalo sa pangyayari na ito at nag takutan pa lalo.

"Hindi natin alam Anak, pero for now. Wag nyo na muna isipin yon at maaga tayong gigising bukas."

Sumangayon na kami dito pero dikit dikit parin kaming tumungo sa mga kama namin.

"Jescyka Baltisoto kung mag pupuslit ka ng phone ay siguraduhin mong naka silent yan. Tagong tago pero ang lakas ng ringtone mo."

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaliwa't kanan sa sinabi ni Ma'am dahil yun ang unang unang naisip ko nang makita ko itong hawak ang phone ko.

"Hehe sorry po ma'am."

Ngiti ko rito na sinundan nya rin ng warning na turo saakin. Mabuti nalang at mababait ang mga guro sa pinapasukan naming paaralan. Marami sa mga guro namin ang kasundo namin, kapag may problema sa subjects at grades namin ay nalalapitan namin ang mga ito. Kapag naman sila ang nababastos ng ibang mga estudyante ay kami naman ang napag sasabihan nila kaya naman kahit sabihan nila kami na huwag na itong pansinin ay kami parin ang nag kukusang suwayin ang mga estudyante na yon.

Nakahiga na kami lahat pero hindi parin kami makatulog. Kaya naman nag earphones kami ni Mikhyla at nag patugtog mostly ay Lo-Fi remix. Ito kasi ang pampatulog ko.

"Buti nalang hindi nagalit si ma'am no."

Nagulat ako nang magsalita si Mikhyla dahil nakukuha ko na sana ang tulog ko.

"Oo naman. Lakas tayo kay Ma'am eh."

Sagot ko rito pero nakapikit parin. Nang maramdaman ko ang pag harap saakin ni Mikhyla at tinanggal ang earphone na nakasaksak sa tenga ko.

"Jes.." iminulat ko ang mata ko at tinignan sya ng masama. Pero sya naman ay binalot ang sarili sa kumot at ngiting ngiti.

"Tulog na sila oh." Parang kinikilig sya habang tinuturo gamit ang nguso nya ang mga kaibigan namin na katabi lamang namin ng kama.

"Ano ibig mo sabihin?" Natatawa na tanong ko at may nakakalokong ngiti.

Tawa lang ito ng tawa kaya naman mas niloko ko ito at kunwaring inaabot ang kamay nya sa ilalim ng kumot.

"Gag* ka Jes" tawang tawa kami sa pinag gagawa namin.

Nang makalma kami sa harutan ay pareho lang kaming nakatingin sa kisame at nakabalot sa iisang kumot.

"Multo nga kaya talaga yung nasa picture natin Jes?" Tanong ng mahina ni Mikhyla habang nakatingin parin sa kisame.

"Ewan, bakit natatakot ka?"
"Oo naman baka mamaya kuhanin ako nun pag natulog na ko."
"Hindi yan baliw."
"Pano mo nalaman?"
"Hangga't andito ko walang mumu makakapalag sayo gaga"

Yabang kong sagot dito. Eversince naman handa ako sumangga ng bala para kay Mikhyla. Parang kapatid ko na tong ulupong na to, hindi ako papayag may manakit sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

expectedly unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon