"Jes? Okay ka lang? Di ka pa ata magaling." nag aalalang tanong saakin ni Mikhyla.
Lunes ngayon at dahil sa teenager ako at pakiramdam ko ay pasan ko ang problema ng mundo ay hindi ako nakatulog ni katiting. Nakapila kami ngayon para sa flag ceremony.
Kung nagulat sila Mikhyla sa itsura ko, ay mas nagulat sila na andito ako. Madalas akong hindi nakaka attend ng flag ceremony dahil late akong palagi. 15 minutes lang ang layo ng bahay namin sa school kaya naman alas syete ang pasok namin ay alas syete rin ang gising ko.
"Okay lang ako baliw. Magaling na ko. Kaya ko na nga sumayaw ulit eh. Puyat lang ako. Nag movie marathon kasi ako kagabi" pag papalusot ko.
"Kaya naman pala eh." kita ko ang pag kawala ng pag aalala ni Mikhyla saakin at naniwala ito sa sinabi ko.
Napangiti ako sa pag aalala nya. Si Mikhyla lang ang mahalaga saakin. Kaya naman mula kagabi ay walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang suportahan sya sa kung anong mayroon sakanila ni Clarence at Ako? Hindi na ako aasa na babalik kami sa dati. Hahayaan ko nalang na yung mga alaala namin ang mag stay sakin at tatanggapin na ito na yon. Ito na yung kami.
Nag kukwentuhan kami ng iba pa saaming kaklase ng ang katabi naming pila ay may biglang nagtulakan.
"Kanina ka pa pre, nakakarindi ka na"
Pasigaw na sabi ng isang lalaki na halos katabi lang namin. Kung siguro ay walang announcement na nagaganap ay siguradong maririnig ng marami ang singhal nito.
Kami naman ay nag bubulungan at nag chichismisan. Ilan pa nga saaming mga kaklaseng lalaki ay tumabi saaming pila para lamang marinig ang away sa tabi namin.
Nang bigla nalang ay may nakita akong nanuntok. Sa pagkakagulo at tulakan ay duon nakapukaw ng atensyon ang mga estudyante na ito. Puro mura ang naririnig ko at may mga kasamang suntok.
Nasagi kami ng lalaking kanina ay narinig naming nag amok at tinignan nito si Mikhyla. Parang nag dilim ang paningin ko nang makita ko iyon.
"Hindi ka ba marunong tumabi?" Hindi sigaw pero may gigil sa pag sasalita ito at nilapitan pa lalo si Mikhyla. Hindi nakapag salita si Mikhyla at kitang kita ko ang takot sa mga mata nito.
"Ma'am si Kris po nakikipag away"
"Wag nyo awatin! Wag nyo awatin!"Iba iba ang naririnig ko sa mga taong nanunuod saamin pero galit lang ang nasa loob ko sa ginawa nya kay Mikhyla.
Itinulak ko sa dibdib nito ang lalaki gamit ang kanang kamay ko at hinatak ko sa braso si Mikhyla at itinago sa likod ko. Ramdam ko ang nginig at hikbi nya.
"Jes.. Jes.. Natatakot ako."
Mas lalo akong nagalit sa sinabi ni Mikhyla at tinignan ang lalaking sumagi sakanya.
"Ano?" tanong saakin nito at nanlilisik ang mga mata.
"Bakla ka no?" tanong ko dito.Kumuyom ang kamao nito at mas lalo ko itong gustong bwisitin. Hindi ako natatakot na baka saktan nya ako kasi wala naman akong paki kung sakali man na mangyari iyon. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang nakakanti ang kaibigan ko o kahit na sino man sa mga importanteng tao sa buhay ko.
"Duwag amputa" mahinahon at nakangisi kong sabi dito.
Sa gigil nito ay marahas nitong hinablot ang braso ko. Ramdam ko ang higpit at mas lalong humihigpit hanggang ang mga kuko nito ay bumaon na halos sa balat ko.
Umakma itong susuntukin ako gamit ang kabilang kamay nya pero nahawakan ang magkabilang braso nito ng mga kaklase kong lalaki.Nang mabawi ko ang braso ko ay kita ang marka sa gigil ng hawak nya dito. May hindi kalakihang mga sugat din ang nakuha ko dahil sa mahabang kuko nito pero hindi ko ininda iyon.
"Tara na Jes. Baka masama ka pa sa mapapatawag dito." kalabit saakin ng kaklase ko.
Humigpit ang kapit saakin ni Mikhyla kaya naman tinanggal ko na ang tingin ko sa lalaking karumaldumal ang ugali.
"T*ngina mo ha. Kayang kaya kita suntukin sa mukha mo alam mo ba yon? Paduduguin ko yang mukha mo tapos titirahin kita, yun ba gusto mo tirahin kita? Kaya mo ko tinatawag na bakla? Sige halika, ngayon na. Dito titirah---"
Nabigla nalang ako ng hablutin nitong muli ang braso ko at pilit akong inilalapit sakanya. Sa panahong iyon ay ramdam ko na ang sakit ng pag kakahawak nito sa aking braso na parang hindi na ito dinadaluyan ng dugo ng biglang tumalsik nalang ang gunggong na iyon at nakahiga na sa lapag. Sa gulat ko ay muntik ko na lapitan ito at tanungin kung okay lang sya. Tinignan ko kung kanino galing iyon at nakita kong nag liliyab sa galit ang mga mata ni Clarence. Pulang pula ang tengga nito at kitang kita ang panga nito sa galit. Maging ang mga ugat nito sa braso hanggang sa kamao ay kitang kita.
Nang papatayo na ang lalaki ay saktong asa tabi na nya ang mga teachers at ang guidance counselor namin kaya naman wala na syang nagawa.
"Mikhy. Okay ka lang?" Binalik ko ang pansin ko kay Mikhyla nang makita kong hawak na ng mga teachers ang lalaking sumagi sakanya. Umiiyak ito at panay ang hikbi. Niyakap ko ito at hinagod ang likod. Huli na ng makita ko na nahawaan na ng dugo sa braso ko ang uniform nito. Buti nalang at hindi naman gaanon karami ang dugo at hindi ito pansinin.
"Jes.. napahamak nanaman kita" bawat salita nya ay may naka gitnang hikbi at panay ang tanong kung okay lang ako.
Humiwalay ito sa yakap nang lumapit saamin si Clarence. Galit parin ang aura nito pero halatang pinipilit na huminahon sa harap namin.
"Okay ka lang?" Kita sa mata nito ang pag aalala ng sobra at ang pag shi-shift nito mula sa galit ay naging soft ito.
Ayokong isipin pero yung mga mata nya na iyon ay halos maloko ako na nakatingin ito mismo sa mga mata ko. Muntik na akong sumagot nang..
"Oo okay lang ako." sagot sakanya ni Mikhyla.
Ngumiti ako kay Mikhyla at iniwan silang magusap. Akala ko ay para saakin ang tanong ni Clarence. Nawala sa isip ko na iba na nga pala ngayon. Parang kailan lang, maski pag baba ng jacket ko ay kinagagalit nito. Natawa na lamang ako sa pag iisip ko na iyon.
Ang mga estudyante ay pinabalik na sa kani-kanilang mga kwarto. Habang naiwan kaming mga nakasaksi at nadamay sa nangyare.
Napalingon nalang ako sa di kalayuan at nakita kong nakatingin saakin si Dusk. Iniwas ko ang tingin ko at ibinaba ang tingin sa sapatos ko. Gusto kong umiyak na nakita nila ako sa ganong sitwasyon. Hindi ko nakokontrol ang sarili ko kapag may hindi magandang nangyayare sa mga tao na importante saakin. Lalo na kay Mikhyla. Pero hindi ko hinayaan na bumuhos ito dahil sa ipinangako ko mula kagabi ay hindi na ako muling iiyak pa.
Ayokong ipakita pero sa totoo lang ay sobra talaga akong natakot. Pero saamin ni Mikhyla sya ang prinsesa at ako ang knight in shining armor nya. Kaya naman kahit takot ay hinarap ko ito. Not because I need to do that for my princess but because I want to do that for my only princess.