It's been a week na rin at hindi ko na nireplyan si Dusk. Hindi naman mahirap umiwas kasi kahit dati pa ay di naman talaga kami nag kakabatian. Pero sa isang linggo na yon, palagi kong napapansin na nakatingin sya banda saamin. Iniiwas ko nalang na bigyan yon ng meaning. Pero hindi ko maitatago na may nararamdaman parin ako sakanya.
Sa isang linggo na rin na iyon ay hindi ko nakita si Clarence. Alam kong nag kakatext parin sila ni Mikhyla pero hindi na ako nag tanong. Minsan ay nasasagi parin sya sa isip ko pero nagagawa ko naman na isang tabi iyon. Masasanay rin siguro ako.
Ngayong araw ay may performance kami ng section namin. As usual, karamihan saamin ay naka croptop at may jacket na nakaikot sa bewang at pants. At as usual..
"Alam mo Jes, tangin*mo. Ikaw lang naiiba samin." mura saakin nito habang tinitignan ang kuha naming picture.
"Bakit? Dito ko komportable gumalaw bakit ba" naka loose longsleeves lang ako at pants. At inangat ko lamang ang sleeves nito sa braso ko.Pag katapos namin mag picture ay nag handa na rin kaming sumayaw. Hindi kami gaanong kabado dahil walang nanunuod samin kundi ang teacher namin sa subject naming ito. Kami kami lang ang nasa gym at nakatulong iyon na maging carefree kaming lahat at ineenjoy lang ang pag sasayaw.
Pop ang sinasayaw namin at genre ko ito kaya naman sobrang nag eenjoy ako. Gaya ng dati ay nalilimutan ko ang mga nasa isip ko habang sumasayaw. Kaya naman nang bigla akong napatingin sa kanan at nakita kong nanunuod si Dusk at parang saakin sya nakatingin, na medyo nag tatago pa ay dinaanan ko lang ito ng tingin at muling tinuon ang pansin ko sa pag sasayaw. Natapos namin iyon at tuwang tuwa ang teacher namin. Maging ang mga kaklase ko ay masaya sa natapos namin. Ngunit sa kasamaang palad ay walang nakapag video saamin dahil nga sa kami lang ang andito at lahat kami ay sumayaw.
"Sayang walang video ang galing pa naman natin don." Reklamo ni Mikhyla habang nag papalit kami ng uniform.
"Syempre tayo choreo." yabang na sagot ng isa saamin.
"Wala kasi nanunuod satin, kung meron sana. Sila sana pinag record natin."Sumagi sa isip ko si Dusk na nakita kong andon pero hindi ko na sinabi sa mga ito. Baka mag ccr lang yon at nakitang andon kami kaya hindi dumaan. Bago kasi makapunta ng CR ay kailangan dumaan sa gym.
Dumaan ang mga linggo na nakakasanayan ko na, na wala na si Clarence na malapit kong kaibigan. Si Dusk naman ay maging iniiwasan ko ito ay ang mga tao sa paligid ko, lalo na ang mga kaklase ko ay hindi parin tinitigilan ang pang aasar sakin dito.
Naalala ko pa nga isang beses ay tinawag nila ito ng hindi ko alam, hinarap ako at saka sinabing hi sabi ko. Asa harap ko na ito at wala akong nagawa kundi ang kumaway. Ngumiti ito at kumaway din ng bahagya. Hindi pa man din nakakalagpas si Dusk ay sinuntok ko na sa tyan ang kaklase ko na gumawa ng kalokohan na iyon at sa kasamaang palad ay narinig ito ni Dusk.
Maraming beses ko rin na napapansin na nakatingin ito sa banda namin. Pilit ko tuloy pinaaalala sa sarili ko n hindi ako ang tinitingnan nito. Hindi naging mahirap saakin na iwasan si Dusk at ang kalimutan si Clarence dahil sa mga kaibigan ko, kay Mikhyla maging nadin sa pamilya ko. Ni hindi ko na napansin na tumagal na ito ng mahigit tatlong buwan.
Sa tatlong buwan na iyon ay marami na rin akong natutunang pagkaabalahan. Bukod sa school ay sumali ako sa ROTC, sa bahay naman ay kung dati ay madalas kong kausap si Clarence, ngayon ay nakakatapos ako ng 2 season anime at minsan ay kdrama. Minsan naman ay movie marathon, natuto rin akong mag sulat ng spoken poetry at tula. Sa loob ng tatlong buwan ay wala na akong balita kay Clarence. Madalang ko itong makita o makasalubong sa school, hindi gaya ni Dusk.
"Okay so seniors, regarding to your retreat this January.. its final! TAGAYTAY IT IS!" sigaw na balita saamin ng adviser namin na halata namang kasing excited namin.
Mag kakaroon kami ng retreat dahil ngayong taon ay gagraduate na kami sa pagiging high school! Expected na halos namin ito dahil yearly naman ay may ganito sa mga graduating kaya naman dalawang linggo bago mag retreat ay nakahanda na halos ang kalahati sa mga balak naming dalhin.
"Mikhylaaa! Yung toka mo snacks ha!" Paalala ko rito habang tinitignan ang mga napag planuhan naming hatian ng toka.
"Oo, basta ikaw bahala mag puslit ng phones ah." Oo. Sa amin ay ako ang taga tago ng gadgets. Mga hindi kasi marurunong mag dahilan ang mga ito. Kaya naman pag sinabing titignan ang gamit nila ay agad isinusurreder na nila ang gadgets sa takot na mahuli. Pero ako? Hindi. Kung makita nila edi kunin nila. Pero kung hindi nila nahanap, edi ayos.Mabilis na dumaan ang dalawang linggo at nabilinan na naming ROTC ang mga private para itake charge ang school habang wala kami. 3 days and 2 nights ang retreat namin.
"Jes, dito ka sa may bintana dali" tawag saakin ni Mikhyla nang makaakyat kami sa bus. Ngayong araw ang alis namin patagaytay.
Nang makaupo ay para kaming mga bata na nag labasan ng mga baon at pambalot sa katawan. Alas kwatro pa lamang ng umaga at madilim pa ang langit. Iniintay na lamang ang mga teachers at aalis na ang bus na sinasakyan namin. Panay ingay na ang maririnig dito. Mga nang hihingi ng mga baon, ang iba ay nag sasariling kuha ng litraro at ang iba naman ay tutulog tulog pa.
"Asan na ba sila Ma'am Emy?" Tanong ni Mikhyla habang kumakain ng moniegold dahil napapatagal na ang pag hihintay namin.
Ako naman ay namimili na ng playlist na ipapatugtog ko saaking earphone, nakahanda narin ang plastic sa harap ko kung sakaling masuka ako. Naka jacket at nakabalot na rin ako sa kumot na parang nasa sariling kwarto.
Sa sinabi ni Mikhyla ay dun ko lang naisipang dumungaw sa bintana at sinubukang hanapin si Ma'am Emy pero imbis na prof ay may nakita akong lalaki na naka jacket at jogging pants. Halatang nilalamig ito at.. tinitignan ko ito at inaaninag.. nang tumingin itong deretso sa direksyon ko, na para bang kamisado nya na pag tumingin sya sa direksyong iyon ay andon ako, hindi man lang ito nagulat.
"Si Clarence ba yon?" rinig kong tanong ng nasa likod ng upuan namin ni Mikhyla at alam kong sya ang tinuturo nito.
Dumungaw agad si Mikhyla at panay ang bulalas na alas siete pa ang pasok nila at alas singko palang. Umiwas naman ako ng tingin at umaktong walang nakita. Anong ginagawa nya rito? Sino ang hinihintay nya? Wala naman syang kapatid o kamag anak sa batch namin.
"Tang* si Dusk yan. Yieh, hinatid ka Jescyka?" Rinig kong asar ng mga kaklase kong lalaki at agad na kinatok at kinuha ang atensyon ni Dusk.
Alam kong tinuturo ako ng mga kaklase ko sakanya pero hindi ko na ito pinag sisipatulan. Ilang sandali lang din ay umalis na rin ang bus na sinasakyan namin. Pero hanggang sa makaalis kami ay si Dusk, andon parin, parang iniintay na makaalis kami.