vi

5 1 0
                                    

Dalawang lingo na rin simula nung nakachat ko si Dusk, hindi ko akalain na madaldal din pala sya. Marami sa kabatch nya ang nag sasabi na maloko din daw ito, gaya ni Clarence. Pero ewan ko ba bakit pag saamin ay sobrang tahimik nya. Siguro di pa sya ganon ka kumportable saamin ng team kaya naman sa dalawang lingo naming pag uusap ay nakita ko ang kulit nya at sobra kong natutuwa don.

“Puyat ka nanaman Jes jusko ka.” Puna saakin ni Mikhyla nang mahuli nanaman nya akong humihikab.

"Alam mo Jes, okay na sana si Dusk kaso pinupuyat ka gorl. Nako, baka mamaya pa-fall yan si Dusk, sayang ang puyat mo."

Sa totoo lang, antukin naman talaga akong tao. Dahil na din sa active ako sa school at sa kadahilanang maharot talaga akong tao ay pag dating ng dilim ay bagsak na agad ang katawan ko. Normally ay alas otso ay nakahiga na ako at nag hahanda na matulog. Pero simula nang makausap ko si Dusk ay para akong naging si Wonder Woman na iintayin ang madaling araw para makachat lamang sya. Gaya nung una, padalawa hanggang limang minuto bago sya nakakasagot saakin pero binalewala ko iyon at pilit na ginigising ang sarili para sa konting oras ni Dusk.

“Kamusta kayo ni Clarence?” pag iiba ko ng usapan.

Hindi na rin kami nakakapag usap ni Clarence, kaya’t nakikibalita na lang ako kay Mikhyla tungkol sakanya. Si Mikhyla naman ay parang iniiwasan na mapag usapan namin si Clarence. Nag tataka man ako ay mas pinili ko na mag tikom bibig nalang.
Huling usap naming ni Clarence ay nung umaga na tumawag sya at nakwento ko na nakausap ko si Dusk ng madaling araw. Nakinig naman sya sa kwento ko pagkatapos non ay sinabihan lang ako na wag malalate at nag paalam na. Mag mula non ay di na ko ulit tinext o tinawagan ni Clarence.
Inisip ko nalang na baka may problema sila ng girlfriend nya at hanggang ngayon ay di pa naaayos kaya ako nakikibalita kay Mikhyla pero gaya nga ng nasabi ko ay hindi ako binibigyan ng sagot nito.

“Jes, CR lang ako. Sama ka?” hindi nanaman pinansin ang tanong ko. Hindi ko na lang pinahaba pa at umoo nalang ako. Mag kukunwari nalang ako na hindi ko alam na may problema.

Pag labas namin ng room ay umuulan, papuntang CR ay madadaanan naming ang ilan sa mga classrooms, hindi gaanong kalakihan ang school namin pero masasabi ko na malaki ang magiging parte nito sa puso ko.

Nag kukwento si Mikhyla tungkol sa kapapanuod nya lang na movie habang ako ay nag pupusod ng aking buhok nang bigla nalang ako napatingin sa kung saan na pakiramdam ko ay nakatingin saakin.

Nag tama ang mga mata namin, hindi ko alam anong magic ang andon sa mga mata nya na sa tuwing tatama saakin ay napapaiwas akong agad ng tingin kahit na gusto ko pa syang titigan pa. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi na inisip ang ulan at deretso ang lakad kahit na mabasa.

Rinig kong tinawag ako ni Mikhyla para sa silong dumaan pero ayokong makasalubong si Dusk ng malapitan.

Ang hirap maging babae. Para kang nag iintay sa wala, pero ang hirap din mag hintay sa parang meron. Hindi ko na matandaan kung ilang beses ko na syang nakikitang nakatingin sakin. Bakit hindi nya ko kausapin? Ngayon lang nag sink in saakin na, babae nga pala ako. Si Jescyka Keanna nga pala ako. Hindi ko sinusuko ang tulog ko para sa lalaking hindi willing kausapin ako.

All this time, I'm making myself a fool for having feelings to someone who don't even care about me. Ang tanga ko. Imposibleng hindi nya alam na may gusto ako sakanya. Halos isigaw na ng lahat ng kaibigan ko sa mukha nya iyon. Pinili nya lang hindi marinig.

Nauna akong nakarating sa CR at agad na nag lock sa cubicle. Ayokong makita ni Mikhyla na nasasaktan ako. Kasi ano ba to? Feelings? Ew. Nakakatawa ako. Ganito ba talaga kapag high school ka? Pati crush mo, iniiyakan mo.

"Jes?"

Agad kong pinunasan ang mga luha sa matang tumama kay Dusk kanina. Huminga ng malalim at nung kalmado na ako ay lumabas na ako sa cubicle.

"Kala ko mag c-CR ka?" tanong ko kay Mikhyla at kunyaring may hinahanap sa bulsa ng paldang suot ko. Pilit tinatago ang mga mata ko.

"Ah hindi na, mag sasalamin lang talaga ko." Ramdam ko ang pag aalala ni Mikhyla kaya nag aya nalang ako na bumalik na sa room.

Bago makarating sa room namin ay saktong nakasalubong namin si Clarence na mukhang kagagaling lang ng cafeteria.

"Hi" bati sakanya ni Mikhyla.
"Oy" sagot nito.

Tinignan ko sya at nag babakasakaling makakuha ng sagot tanong kong simpleng simple pero di masagot sagot. Kung kamusta sya pero hanggang sa makalayo sya saamin ay hindi nya ako tinignan saking mga mata, o kahit sa paa o kahit lingunin.. wala..

Hindi ko na alam ano ang nangyayari kaya hanggang matapos ang klase ay lutang ang isip ko.

"Jes, kakain kami ni Clarence. Sama ka?" Nakasukbit na ang bag ko nang tanungin ako ni Mikhyla. Nginitian ko sya ng pilit. Pilit dahil hindi na kaya ng sarili kong ngumiti ng totoo sa nangyayari saakin.

"Kayo nalang.." at nag paalam na ako at dumiretso ng umuwi.

"Haaaaaaaaayyyyyyssssss"
Pagbagsak ko sa kama sa kwarto ko nang makauwi ako. Hindi ko pa nagagawang mag palit ng pambahay at napatingin nalang sa kisame..

"Clarence is avoiding me. Dusk is f*cking toying me and my bestfriend is keeping a god d*mn secret to me."

Napahilamos ako sa mukha ko. Natatawa at naiiyak na sa edad kong ito, ganitong problema ay problema na saakin at iniiyakan ko at akala mo'y magugunaw na ang mundo.

Naaawa ako sa unan at kumot ko na sumasalo sa mga luha at sigaw na pinakakawalan ko. Sa mga sumbat at bakit na tanong ko. Sa mga sakit at kirot na nararamdaman nito. Sa ilang beses kong pag kaluha kay Dusk ay kulang na kulang sa kung paanong iyak ang nagawa ko ng gabi yon. Sabay sabay at di na kinaya na kimkimin pa. Minsan naiisip ko na, nakakatulong rin pala ang pag iyak ng mag isa. Pero kung papa piliin man ako ay sana.. sana mayroon din akong kasama..

expectedly unexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon