Sabado ngayon at walang pasok pero nandito sila Mikhyla saamin para tumambay.
"Jes. San nakalagay yung gitara mo?"
"Dun sa sala. Makikita mo agad pag baba mo." Sagot sakanya ni Mikhyla.
"Alam na ni Mikhy ah"
"Syempre. Aba, pag andito yan. Sya anak ng nanay ko. Ako kaklase eh."Totoo. Si Mikhyla ang pinaka pinag kakatiwalaan ng nanay ko sa mga kaibigan ko. Siya raw ang pinaka matino saamin at alam daw ni Mama na hindi nya ako iimpluwensyahan ng mga kalokohan. Di alam ni Mama na maloko rin ito at ako ang nang iimpluwensya ng kalokohan.
"Mikhy. Kamusta nga pala kayo ni Clarence?"
"Oo nga. Kahapon harot harot nyo. May pa hampas hampas ka pa ha."
"Baliw hindi ha"
"Huy Mikhyla Faith alam ko yang hampas hampas mo na yan ha. Crush mo na yun no?"Namula si Mikhy at hindi na nakasagot.
"Patay na."
"Pinish nah"
"H-huy! Bat ako lang? Jes, kayo? Kamusta kayo ni Dusk?"Natigil ako sa pag nguya ko ng junkfood nang nasama ako sa usapan. Although, hindi na ko nagulat at inilipat ni Mikhy ang usapan saakin dahil nakagawian na nito iyon kapag may ayaw siyang pagusapan. Ang kinagulat ko ay ang "kayo? Kamusta kayo ni Dusk?" Like bitc*, anong kami?
"Anong kami? Tungaw kapartner ko lang yon. Tahi-tahimik hinayupak. Napanis na laway ko."
"Huuuu. Jan nag sisimula yon eh."
"Eto na ba Jes? Mag kakaboypren ka na ba?"
"Parang gag*" putol ko.
"Nag hawak na nga kayo ng kamay eh"
"Step yun tange. Kayo din naman nakahawak nyo kamay partner nyo ha. Saka wala pang 5 seconds yon. Bumitaw na ko."
"Kami bahala Jes."
"Gag* kayo. Wag nyo subukan ha"Tumawa lang ang mga ito at hindi pinansin ang pag babanta ko. Panay kwentuhan at kain lang ang ginawa namin. Bago mag dilim ay nag si uwi na rin ang mga ito.
"Bagay kayo ni Dusk, Jes."
Di ko makalimutan yung binulong sakin ni Mikhy bago sila umuwi. Sa totoo lang, una palang ay nahihiya na ako sa Dusk na yon. Maingay kasi akong tao. At ang maingay na tao ay pinaka ayaw ang tahimik na tao. Ganon ang nakikita ko kay Dusk. Hindi ko kasi kayang hindi mag salita kapag may kasama ako. I can't stand awkwardness kaya madalas kapag may mga bago kaming kakilala ay ginagawa namin lahat para maging komportable sila. Kami rin syempre.
"Stalk nga natin yang Dusk na yan"
"Hmm.. okay. May kapatid siyang bata sakanya."
"Basketball ang sports nya. Okay. Given yun, sa tangkad nya."
"Oh?"Nahinto ako sa isang tagged photo sakanya. Nakangiti ito at naka apron na pula. Kuha ito noong nutrition month namin sa school. Ngayon ko lang nakita ito nang nakangiti.
Biglang kamabog ang dibdib ko. At napabagsak ako ng screen ng laptop dahil dito. Di parin nawawala ang bilis ng kabog ng dibdib ko at di mawala sa isip ko ang pag hawak ko sa kamay nya nang wala pang limang segundo at ang litrato nitong nakangiti.
"T*nginang apron yon. Nadali ako.."
Rumolyo rolyo ako sa aking kama at tila di makakatulog sa gabi na iyon dahil sa dibdib ko. Binalot ko sa kumot ang aking sarili at pinilit na pumikit pero ang senaryo ng hawak kamay ang sumasagi sa aking utak.