Part I - Accidentally inlove

354 2 0
                                    

"Ma'am Sofia, baba na po daw kayo at kakain na". Tawag ng maid kay Sofia.

"Okay, pakisabi tatapusin ko lang yung pag-aayos ko".

Ang pinaka ayoko talaga ay yung minamadali ako sa pagaayos ko sa sarili. I need so much time to make myself the most beautiful inside the campus.

Ako nga pala si Sofia Villaramos. 19 years old. 5'4 ang height, vital statistics 32 - 24 - 34. Maputi at sobrang kinis. May makapal at mahabang buhok na aabot hanggang siko. Chinita at may matangos na ilong.

Hindi ako artista pero yung talaga ang tamang pagdescribe sa sarili ko. Madami akong admirer at siyempre madami ding naiinggit kasi nga na sakin na daw ang lahat. As in lahat lahat.

"Hello mommy!" Naabutan niya ang kanyang ina na nasa hapag kainan na at hinihintay siya.

"Kanina pa kita pinapatawag anak, tara nang kumain at baka malate ka sa school mo."

"Ok po mommy. Let's eat!" Sinaluhan nya ang kanyang ina sa agahan.

Pagkatapos kumain ng agahan ni Sofia ay agad syang humalik sa ina at sumakay sa kotse na naghihintay sa kaniya sa labas.

"Lets go na po mang Tonyo!" Utos nya sa kanyang driver na agad namang pinatakbo ang kotse.

Okay lang naman na malate siya. Kasi yung prof nila na first subject nya ay malakas ang tama sa kanya. Halatang halata kasi na crush na crush siya nito. Halos 5 taon lang kasi ang tanda nito sa kanya.

"Dito na po tayo ma'am Sofia." Ginising sya ng driver dahil nakaidlip sya.

"Oops, we're here na pala. Ok pakisundo po ako ng 5pm ha? Ingat po kayo" Utos nya dito.

"Sige po ma'am. Ingat din po kayo." At umalis na ito.

Nang bumaba siya sa sasakyan ay nakatayo lamang sya sa labas ng gate ng kanilang University. At nag iinhale exhale nang 3 beses.

Hayyyss... Nandito na naman ulit ang reyna ng school na to.

Saka siya rumampa na parang modelo na naglalakad sa runway. Lahat ng nakakasalubong niya ay napapanganga sa kanya. Nakasuot siya ng black skirt na above the knee at longsleeves pero off shoulder na pang itaas. Nakashades at high heels. Nakalugay ang itim na itim niyang mahabang buhok na tila sumasayaw dahil sumasabay ito sa hangin.

"Para talaga siyang diyosa!" Sabi ng isang nakasalubong niyang lalaki na ang kinakausap ay ang katabi nito.

"Oo nga e". Sagot naman nito na tila wala sa tamang pag-iisip dahil nakatulala lamang ito sa naglalakad na si Sofia.

Hindi niya masisisi silang lahat dahil talaga namang sobrang ganda niya. Siya lang naman ang miss campus at halos laha yata ng mga lalaki sa campus ay crush na crush siya.

Nang marating na niya ang building kung saan ang unang klase niya ay biglang nagsulputan ang kanyang 3 matatalik na kaibigan.

"Hello bes!" Bati sa kanya ni Eunice.

"Wow! Ganda naman ng outfit mo ngayon!" Puri naman sa kanya ni Gracel.

"Oo nga e. Kala ko nga kung sinong artista na naglalakad. Ikaw lang pala." Dagdag naman ni Glaiza.

"Hindi na kayo nasanay sakin. E ganito naman talaga ako manamit." Sagot naman niya sa mga ito.

Silang tatlo ang tanging matalik na kaibigan ni Sofia. Mula highschool ay kaklase at kaibigan na nya ang mga ito. Magaganda din naman silang tatlo pero wala pa din silang panama sa kagandahan nya.

"Tama na ang papuri nyo sakin. Pumasok na tayo sa loob dahil baka dumating na yung nerd nating prof." Dagdag pa nya.

"Oo nga. Naku baka kapag naabutan ka dito nun sa labas e hindi na siya magklase at ayain ka na lng makipagdate. Mas gusto namin yun kesa magklase." Pagbibiro ni Eunice.

You and I collideWhere stories live. Discover now