Chapter 1. Staying in one roomLianah's Pov
"Is this your room?"tanong ko kay Mr. Zander Lee habang pinagmamasdan ang nakakamanghang kwarto niya. My lips formed an 'o' while roaming my eyes around. Walang dudang mamahalin lahat ng gamit niya base na rin sa nakikita kong kinang ng mga ito na animo'y nililinasan bawat oras na matapos. Nakakamangha lang dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganito kagandang kwarto at ganito kalaking bahay.
Buong buhay ko ay sa isang simpleng bahay lang ako nakatira at hindi pa ata umabot sa kalahati ng kwartong ito ang kwarto ko. I bit my lower lip. Napakarangya ng pamumuhay nila at hindi na nila kailangang kumayod 24/7 para lang may maipakain sa mga pamilya nila. I sighed. Ako kasi ay isang waiter lang sa isang coffee shop at natanggal pa. Tapos niloko pa ako ng boyfriend at kapatid ko tapos pinalayas pa ako nina mama at papa. Bakit kaya gano'n?
Bakit kaya sa lahat ng bagay ay kailangang maghirap ka. Bakit kailangang maging miserable ang buhay mo bago ka sumaya. Hindi ba pwedeng mamuhay ng tahimik na walang iniindang sakit? Pakiramdam ko napag-iwanan na ako. Mag-isa na ako. Wala na yung taong minahal ko ng lubos dahil niloko ako. Wala na yung pamilya ko dahil pinalayas nila ako.
Minsan iniisip ko kung may lugar pa ba ako sa mundo, kasi kulang na lang ay mamatay ako para tuluyan na akong mabura sa mundong ito.
Nakaramdam ako ng likido na dumaloy sa pisngi ko. Kinapa ko ito at pinunasan. I'm crying again. Hanggang kailan kaya ako iiyak para sa mga taong nang-iwan sa'kin. Buong oras ko ay inilalaan ko sa trabaho para lang may maibigay kina mama pero ni minsan ay hindi nila ako trinatong anak nila. Mas mahal nila ang kapatid ko. Puro na lang siya. Pa'no naman ako. Nagpapakahirap ako para lang may maipakain sa kanila dahil hindi makahanap ng trabaho ang kapatid ko dahil hindi pa siya tapos mag-aral.
Funny right. Siya itong panganay pero ako ang naunang makapag-tapos ng pag-aaral. Ano ba kasing alam no'n sa pagtatrabaho. Ako nga eh nag-part time job para may panggastos sa mga pangangailangan ko sa pag-aaral plus nakuha akong scholar kaya hindi ko na kailangan pang magtrabaho ng husto pero wala parin eh, kailangan ko paring magtrabaho para daw makapagtapos naman daw si ate yun ay kung magagawa niyang tapusin ang pag-aaral dahil sa nakikita ko, puro kalandian lang ang alam no'n. Alam ko lahat ng galawan ng ate ko dahil simula pa lang nung naging kami ng ex ko ay talagang malandi na siya.
I shooked my head and wiped my tears. Ang unfair lang dahil kung sino pa yung nahihirapan ay siya pa yung hindi pinapahalagahan.
Nakarinig ako ng mahinang pagtikhim mula sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nung maalala na nandito pala ako sa kwarto ni Mr. Zander Lee. Ayan kasi. Drama pa. Kalimutan mo na nga yung mga yun. Sigaw ng utak ko. Napatango naman ako. Tama. Kakalimutan ko na sila.
"Your spacing out woman"
Napalunok ako dahil sa malamig na boses niya. It gives me a shiver down to my spine. Bahagya pa akong napaatras ng konti dahil sa takot. I blinked several times and take a deep breath after.
"P-pasensya na po. N-naalala ko lang yung pamilya ko"I sttutered. Humakbang siya papalapit sa'kin at napahakbang naman ako patalikod. Naging paulit-ulit iyon hanggang sa wala na akong maatrasan dahil pader na yung nasa likod ko. Dead end na.
Lumapit ang mukha niya sa'kin hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. I gulped. Anong gagawin niya. Iniharang niya ang dalawang braso niya sa magkabilang gilid ko nung akmang lalayo sana ako na kanya. Nanatiling gano'n ang posisyon namin hanggang sa nagsalita ulit siya.
"Don't think about your family dahil baka ma-stress ka. I will offer you a job and that is being my secretary"
"T-talaga Mr. Lee?"nabubuhayan ng loob na sabi ko.
He nodded. "And also, this will be our room. My room is your room."
Pinanlakihan ko siya ng mata. Matutulog kami sa iisang kwarto? Pwede ba yun? Bubukas na sana ang mga labi ko para magsalita pero naunahan niya ulit ako.
"50 thousand ang sahod mo every week. Now woman. I need your g*ddamn answer right now. Take it or leave it"
Natahimik ako sa sinabi niya at hindi makapaniwala. 50 thousand every week. Wala pa ata sa kalahati no'n ang sweldo ko sa coffee shop. Wow. 50 thousand. Sobra naman ata yun. Sa isang buwan pa lang ay pwede na akong magsimulang bumili ng lupa at magsimulang magpatayo ng bahay. Napangiti ako pero napaisip din. Pa'no kung may kapalit pa bukod sa pagtulog sa kwarto niya.
"Don't worry because all you have to do is to stay here in the mansion or be with me in my company"sabi niya na tila nababasa ang iniisip ko.
Bakit pakiramdam ko ay ginagawa niya ito on purpose. I sighed and just nodded to him. I don't have any choice dahil malaking pera din naman iyon. Sayang yun kung hindi ko tatanggapin. Sino ba naman ako para tumanggi diba. Ayokong magalit siya at natatakot parin ako sa kanya dahil sa ipinagtapat niya kanina. Mafia Boss siya. Sana naman hindi niya ako saktan ano. Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya bago siya lumayo sa'kin.
"Wait for me"
Tumango lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko mahanap ang mga salitang sasabihin ko. Nakakakaba ang presensya niya. Kung hindi lang siya nagpakilala sa'kin at kung hindi niya ako tinulungan kanina ay siguradong matatakot ako ng husto sa kanya. Nakita kong nagtungo siya sa isang slide glass door na sa tingin ko ay closet.
Ako naman ay nagtungo sa king size bed at naupo sa dulo nito. Muli kong inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Bale tatlong pinto ang nasa loob. Yung slide glass door ay closet tapos yung katabi niyang pinto ay banyo sa tingin ko tsaka yung panghuli ay ewan ko. Basta't ang alam ko ay isang malawak rin iyon na kwarto. Nagkibit ako ng balikat.
Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang naglalakad pabalik sa gawi ko pero may hawak na siyang damit at iba na rin ang suot niya. Napatingin ako sa sarili at biglang nanlaki ang mga mata ko. Napakamot pa ako sa ulo. Oo nga pala muntik ko na namang makalimutan na nabasa pala ako ng ulan dahil nag mala-walking in the rain ako. Basang-basa pa pala ako tapos umupo ako sa kama edi nabasa narin. Bigla tuloy akong napatayo at tinignan yung inupuan ko at kinapa ito. Medyo basa lang ang naupuan ko pero nag-aalala parin ako dahil baka magalit yung may-ari.
I bit my lower lip and look at him with my worried face.
I heared him sighed. "It's okay. Change your clothes first"sabi niya at iniabot sa'kin yung mga damit na hawak niya. Agad ko naman itong kinuha at nagtungo sa pinto na itinuro niya. Nag-bow pa ako. Kailangan pa ba yun? Bakit ko ba ginawa yun? I shooked my head and just open the bathroom door.
Inilibot ko ang paningin pagkapasok ko ng banyo. Maging itong banyo ay malawak rin at ang linis tignan. Nakalagay sa tamang lalagyan yung mga gamit. I smiled. Tunay ngang bilyonaryo ang isang yun.
Pagkatapos kong isuot ang ibinigay niyang damit ay tsaka naman ako humarap sa salamin. Ang liit kong tao kaya para tuloy naging dress yung t-shirt niya. Hanggang sa taas ng tuhod ko ito at nakasuot lang ako ng boxer short niya. Nakita ko sa salamin na namula yung mukha ko. Napahinga ako ng malalim para mapigilan ang sigaw na gustong kumawala sa bunganga ko dahil parang naiilang na at nahihiya ako. Seriously? Suot ko yung..... napapikit ako ng mariin at hindi na lang itinuloy ang sasabihin.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. Okay lang yan. Walang ibig sabihin yun okay. I sighed.
I take a deep breath again before I open the door. Nakita ko si Mr. Zander Lee sa mahabang couch at seryosong nagtitipa sa kanyang loptop. Hindi pa man din ako nakakalapit sa kanya ay tila naramdaman na niya agad ang presensya ko at sumulyap sa'kin ng seryoso. He tap the space beside him na tila inaanyayahan akong maupo roon kaya nagmadali akong naglakad palapit sa kanya para maupo sa tabi niya.
"Eat"maowtoridad na sabi niya na ikinalunok ko. Inilapag niya sa mga hita ko ang pagkain na nasa tray at nung hindi ko iyon ginalaw ay tinaasan niya ako ng kilay.
I gulped. Baka mamaya ay sigawan na lang niya ako bigla kaya kumain na lang ako ng tahimik habang seryoso parin siyang nagtitipa sa loptop niya. Hay buhay.
We're staying in one room? I shooked my head. I'll get used to it. Nagkibit ako ng balikat at itinuon ang pansin sa pagkain.
_________
Taray ah. Nakagawa na ako ng chapter one tapos yung module ko eh hindi ko pa nasagutan. Haha. I hope you enjoyed this chapter. Bukas ulit.
BINABASA MO ANG
Love by the Mafia Boss✔(Zander Ace Lee)
Action(UNEDITED) Zander Ace Lee story..... Hanggang kailan mo kakayanin ang lahat ng mga sakit na inabot mo sa kinikilala mong pamilya? Hanggang kailan mo kayang magtiwala sa taong halos mahalin mo na higit sa sarili mo kahit pakiramdam mo ay hindi pwede...