Chapter 17. Exposed

2.1K 74 0
                                    


Chapter 17. Exposed

Lianah's Pov

"Z-zander" gulat na gulat na saad ko pagkaharap ko sa kanya. Naririnig ko pa sa kabilang linya si Dani na tinatanong kung anong meron.

I cleared my throat bago ako mahinang nagpaalam kay Dani and when I cut the line, I seriously look at Zander who has this cold stare at me but I notice on his expression na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"What now? Magtititigan lang ba tayo dito o magsasalita ka?" Ang taray ko ah. Para namang ako yung boss. Nakakailang kasi yung titig niya at hindi ko maiwasang mamangha sa bawat expression na ipinapakita niya. Ngumiti man siya o hindi, gwapo parin siya. Wala na ata akong maipipintas pa sa lalaking nasa harap ko ngayon at ito namang si heart, ang bilis na naman ng tibok na animo'y nakikipag-karera. Kahit ano atang pigil ang gawin ko, titibok at titibok parin ito para sa isang lalaking ito.

"I have something important to tell you."

My heart beats went fast when he suddenly uttered those words. Ito ba yung pinag-uusapan nila kanina. Ang naalala ko ay nakita niya ako kanina na nakikinig sa kanila. Pinag-uusapan nila ako. Anong meron sa'kin at bakit ako kinakabahan ng ganito. Bakit nagpapawis at nanlalamig ang mga kamay ko.

I gulped when he reach for my hands and caressed it gently pero wala roon ang atensyon ko kundi sa kagustuhan kong malaman kung bakit nila ako pinag-uusapan.

"A-ano bang sasabihin mo?" Naro'n parin sa boses ko ang kaba but I made sure he would not notice it pero malabong hindi niya mapansin. He's holding may cold hands. It's cold yet it's sweating.

"It's all about your real family"

Agad kong binawi ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya matapos niyang sabihin iyon. No. Tell me, mali yung narinig ko diba. I frustratedly run my fingers through my hair. I don't wan't to know it but why the hell there's a part of me that is eager to know the truth.

Sinikap kong pakalmahin ang sarili dahil alam ko na kung saan mapupunta ang usapang ito sakali mang malaman ko ang totoo. I will ended up crying, I know that, but, I wan't to know that truth too even though it would hurt me. I know it would hurt.

"It's okay if you're not yet ready Lian----"

I cut him off. "I wan't to know" matapang na sabi ko kahit na nagwawala na ang sistema ko. I heared him sighed and lend his hand in front of me to take it pero umiwas lang ako ng tingin doon. Ayokong magalit hanggat maaari. Ayokong magalit sa kanya so I made myself calmed pero ang punyetang sistema ko ay hindi nakikisama.

Patuloy parin sa pagtibok ang puso ko ng malakas at alam kong matatalo lamang ako kapag ang takot ang kalaban ko.

"You're the adopted daughter of Mr. and Mrs. Adeser."

Simula pa lang ay naninikip na ang dibdib ko. Hindi ako pwede umiyak dahil kapag nasobrahan ako ay mahihirapan na naman akong huminga and I don't wan't that to happen. Hindi pa ako nakakapag-pacheck up sa doctor tungkol sa bagay na iyon kaya hanggat maari, pipigilan kong umiyak.

"Their daughter died at the age of 6 and then they found you. Kaedad mo lang ang namatay na anak nila kaya ka nila kinuha without even knowing that you're a dangerous kid that time because you're real parents is filthy rich at sila ngayon ang may kagagawan nitong lahat. They get you to replace their dead daughter but sad to say, they don't treat you the way you supposed to be treated"

Wala pa man din siyang maraming sinasabi ay may naramdaman na akong likido na tumulo mula sa mga mata ko. Mas masakit palang marinig mula sa iba na hindi nga ako trinato ng mabuti ng kinikilala kong pamilya. I smiled bitterly at that thought. Now what? Wala pa sa kalahati ang mga sasabihin na ay naiiyak na ako, pa'no pa kaya kapag nalaman kong wala din palang pakialam sa'kin yung totoo kong pamilya kasi hindi naman nila ako hinanap, at mas masakit ang bagay na iyon.

Love by the Mafia Boss✔(Zander Ace Lee)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon