“MAGKAKILALA ba talaga kayo?”
Doon lang parang nagising si Dawn sa kasalukuyan.
“Oo. Yuu ang palayaw ko. Y-U-U. Eugene kasi ang totoo kong pangalan,” paliwanag ng lalaking biglang sumulpot doon at nakaakbay pa sa kanya. “Bumili ako ng popcorn habang pinapapili ko siya ng panonoorin namin pero mukhang hindi pa siya nakakapili,” dagdag pa ng lalaki. “Sino ka? Bakit mo kilala si Dawn?”
“Naging kami ni Dawn five years ago,” sagot ng walanghiya niyang ex na ikinagulat niya dahil hindi niya akalaing sasabihin talaga nito iyon.
“Talaga?” reaksiyon ni Yuu na hindi niya mabasa ang iniisip.
“You’re in relationships?”
“I guess that’s quite obvious.”
“I see. About sa amin ni Dawn, matagal na ‘yon, Pare. Pero sigurado ako na napansin mo na sobrang clingy siya at controlling minsan,” sabi ng kanyang ex. Kung kanina ay masama ang loob niya, ngayon ay parang gusto niyang kalbuhin ito lalo pa at patay-malisya itong tumawa. “Hindi ko alam kung gaano na kayo katagal pero siguro natuto na si Dawn sa mga nangyari noon at nabawasan na ang pagiging sobrang controlling niya.”
“Hoy –” magsasalita pa sana niyang magsalita si Yuu.
“Totoo na clingy siya at medyo controlling but I don’t really find it bad,” Yuu said. “In fact , I find it as a sign of her affection towards me and her way of spoiling me. I find it sweet na clingy siya at clingy lang siya sa mga taong alam niyang mahal siya. Sa pagiging controlling, hindi iyon maiiwasan dahil gano’n din ako minsan. There’s the feeling that we want to hold the person as tight as possible, not because we lack trust but because we are afraid to lose each other. Alam naman namin ang limitasyon pagdating sa bagay na ‘yon and I assure her that I only look at her and no one else,” sagot ni Yuu na nakapagpatahimik sa ex niya maging sa kanya.
Tumingin si Yuu sa mahabang linya. “I change my mind. ‘Wag na tayong manood ng sine. Bumili na lang tayo ng bagong DVD at panoorin natin sa bahay.”
“Pero ang popcorn mo,” aniya.
“I can eat this on our way. Bumili na rin tayo ng ibang chichirya,” sagot nito saka tumingin sa ex niya. “Thank you for the conversation. Mauuna na kami.”
Walang nagawa si Dawn kundi ang sumama kay Yuu palayo sa ex niya. Ilang minuto na silang naglalakad at malayo na sila sa sinehan nang alisin nito ang kamay sa pagkakaakbay sa kanya saka huminto kaya napahinto rin siya.
“Ayos ka lang ba?” tanong nito at mukhang nag-alala nga ito sa kanya.
“Oo. Salamat sa ginawa mo. Malaking tulong ‘yon para makaalis ako nang walang problema,” sagot niya saka tipid na ngumiti. “Naabala pa tuloy kita at hindi mo na naituloy ang panonood ng sine.”
“Wala naman akong balak na manood ng sine. Gusto ko lang talagang bumili ng popcorn,” sabi nito na ikinagulat niya. “Nagkataon na nakita kita at napansin kong para kang na-corner saka narinig ko rin ang mga sinabi ng ex mo. Masakit sa tainga.”
Bahagya siyang natawa sa sinabi ng lalaki. “Proud kasi siya na siya ang nakipaghiwalay.”
“Hindi ka dapat maghinayang sa ganoong klaseng lalaki. Kung hindi ka na naa-appreciate ng taong mahal mo, walang dahilan para manatili ka. Siya ang nawalan at hindi ikaw,” sabi nito at kahit medyo poker ang itsura ay naramdaman niya sa boses nito ang sinseridad sa mga sinabi.
“Pareho kayo ng sinabi ni Ate.”
“Danica is a woman of principle at malaki ang pagpapahalaga niya sa kanyang sarili hindi lang bilang babae kundi bilang tao. She’s a social worker after all. She defends the defenceless and she knows her rights.”
“Alam ko. Ako lang talaga ang kaawa-awang tao na pinagpilitan ang sarili sa taong hindi na siya naa-appreciate,” naalala na naman niya ang nangyari noon kaya nakaramdam siya ng pagkaawa sa sarili.
“Kaya ba kahit gusto mo ang stepfather ni Celestine ay hindi ka nagparamdam?”
Tumango siya. “Noong huling beses na pinagpilitan ko ang sarili ko sa isang tao ay napahiya lang ako at iniwan pa. Kaya nakuntento na lang ako na maging audience sa love story ng iba dahil feeling ko, hindi para sa akin ang ganoong bagay. Isa pa, masaya ang relasyon nina Gian at Geri kaya hindi ko dapat iyon sirain lalo pa at magkaibigan kami. Hindi naman ibig sabihin na naging masama ang lovelife ko ay sisirain ko na ang lovelife ng iba. Hindi naman ako gano’n kasama,” paliwanag niya. Ilang segundo itong tumitig sa kanya bago walang kibong inalok siya ng popcorn. “Para naman akong bata niyan,” natatawa niyang sabi saka kumuha ng popcorn. “Mukha yata akong kindergarten sa paningin mo.”
“Naiintindihan ko.”
“Ang alin?”
“The feeling of being unappreciated and taken for granted, I know that feeling.”
“So may hindi rin pala naka-appreciate sa’yo kahit napakagaling mong tao?”
“May mga tao lang din talaga na hindi makita ang pagsisikap ng iba,” tanging sagot nito saka naglakad kaya sumunod siya rito. “Gusto mong kumain ng totoong pagkain?”
“Peke ba ‘to?” patungkol niya sa popcorn.
“Hindi pero hindi ito makakatulong sa kalusugan mo.”
“But this is corn.”
“Not corn enough to make you healthy.”
“Still it’s corn. And it’s delicious.”
“Not all delicious are good for your health.”
“Eh bakit ka pa bumili nito?”
“Dahil gusto ko pero hindi ko sinabing ‘yan ang ipapakain ko sa’yo buong araw.”
“Buong araw? Wala kang ibang lakad?” tanong niya.
“Bakit ikaw, may iba kang lakad?”
“Wala.”
“So ayaw mong sumama sa akin kahit wala kang ibang lakad?”
“Sinabi ko ba ‘yon? Sandali, close ba tayo?”
“Ayaw mo?” tanong din nito na ikinagulat niya.
“Gusto mong makipagkaibigan sa akin?” paniniyak niya.
“Bawal ba?”
“Seryoso? Hindi ka kasi friendly eh.”
“Hindi ibig sabihin na ganito ang mukha ko ay hindi ko na gustong makipag-kaibigan. Iba ang pagiging socially awkward sa pagiging unfriendly,” sabi nito at aware pala ito sa sariling kahinaan sa pakikipag-kapwa-tao. “Sinasadya ko rin talaga na huwag mapalapit sa mga parent para makaiwas ako sa bribes at manatiling patas ang pagtrato ko sa lahat ng mga estudyante ko.”
“Oh, kaya pala. Pero auntie ako ng estudyante mo.”
“So? May plano ka bang i-bribe ako?”
“Hindi ah! Bakit ko naman ‘yon gagawin?”
“So we’re settled. Doon tayo kumain,” anito sabay turo sa isang fastfood. Hindi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari sa pagitan nila ng bugnuting guro pero hindi naman niya masasabing masama ang mga nangyari sa araw na iyon.
SIYA ANG natokang sumundo kay Knight sa araw na ‘yon pero dahil napaaga siya ng dating ay naghintay muna siya sa lobby gaya ng ibang sundo. Kasama niya si Geri ng araw na ‘yon. Mula sa kinauupuan ay nakikita niya ang mga bata sa playground kasama si Yuu. Playtime iyon ng mga bata at outdoor ang laro ng mga ito.
“Ngumingiti lang si Teacher Yuu kapag kasama ang mga estudyante niya,” narinig niyang sabi ng isa sa mga nanay na naroon.
“Maswerte ang babaeng makakapagpangiti sa kanya parati,” sabi naman ng isa.
“Baka ako na ‘yon,” sabi ng isa na yaya ng isa sa mga estudyante. Nagtawanan ang mga magulang at guardian na nasa umpukan.
Hindi iyon ang unang beses na nakarinig si Dawn ng ganoong pag-uusap pero noon lang siya naging sobrang aware na kahit maraming nakakapansin sa bugnuting ugali ni Yuu ay hindi pa rin mapigil ng mga ito ang humanga sa lalaki.
“Marami talagang nagkakagusto sa lalaking misteryoso,” sabi ni Geri.
“Hindi naman misteryoso ang awra ni Gian pero nagkagusto ka pa rin sa kanya,” tukso niya sa katabi na natawa.
“Dalawa lang naman ‘yan eh; misteryoso o palabiro at nagkataong weakness ko ‘yong mga lalaking maraming baong jokes,” natatawa pa ring sabi ni Geri na ikinatawa niya rin dahil totoong masayahing tao si Gian at masayang kasama. “So ano ang mas gusto mo, Dawn? Misteryoso o palabiro?”
“Pwede both?” biro niya at nagtawanan na naman silang dalawa.
Ilang sandali pa ay bumalik na ang mga bata sa classroom at nagsimula ng maghanda sa pag-uwi. Ang huling nakarating sa classroom ay si Yuu na karga ang isa sa mga estudyante nito na umiiyak dahil natalo sa laro. Habang nakatitig kay Yuu na pinapatahan ang umiiyak na estudyante ay hindi maiwasan ni Dawn na ma-imagine ang lalaki bilang isang ama at sa tingin niya ay magiging mabuting ama ito sa hinaharap dahil sa pagiging maalaga sa mga bata. Bigla niya ring naisip na napakaswerte ng babaeng magiging asawa nito. Sa naisip ay biglang parang may nagliparang mga paru-paru sa loob ng kanyang tiyan.
“Teacher, nakita kita sa mall noong Sunday,” biglang sabi ng isa sa mga nanay na naroon. Hindi umimik si Yuu pero napuno ng interes ang mga mata nito. “Nakita kong may kasama kang babae pero ‘di ko namukhaan, Teacher. Hindi na rin ako lumapit kasi baka makadistorbo pa ako sa date niyo.”
“‘Yon ba?” tanging reaksiyon nito at biglang kinabahan si Dawn lalo pa at hindi nito pinabulaanan na ‘date’ ang nangyari.
“May girlfriend ka na pala, Teacher?” gulat na tanong ng isa. Ang ibang nakikinig ay mukhang naghihintay rin ng sagot mula sa teacher pero sa halip na sumagot ay bigla itong ngumiti na parang may ikinakatuwa. Napatanga tuloy siya pati na ang mga naroon.
“Hindi ko ‘yon girlfriend. Bagong kaibigan lang,” sagot nito na hindi pa rin maalis ang ngiti saka nag-excuse at pumasok sa classroom. Sa halip makuntento sa sagot ay parang biglang naging topic ng conspiracy theory ang sagot ng guro. Hindi man siya nito pinangalanan at kahit kaibigan ang sinabi nitong relasyon nila, ang nakakamangha talaga ay ang pagngiti nito.
“Lalo yatang gumwapo si Teacher nang ngumiti,” komento ni Geri.
“Ano ang iniisip ng taong iyon?” nagtataka niyang tanong pero hindi pa rin maalis ang kaba sa kanyang dibdib pati na ang katanungan sa kanyang isip. Bakit ganoon ang naging sagot nito? Bakit ngumiti ito nang ganoon? At bakit bigla siyang kinilig?
HININTAY ni Dawn na magsiuwian na ang ibang mga parent at guardian nang pumasok siya sa classroom para kunin si Knight. Nauna na ring umalis si Geri kasama si Celestine.
“Knight, ‘di ka pa tapos?” tanong niya sa pamangkin na inabutang ina-arrange ang ilang laruan. Hindi sumagot ang bata pero nagmadali itong ayusin ang mga gamit nito sa loob ng bag.
“Gusto niyang nag-a-arrange ng mga laruan,” sabi ni Yuu na nag-a-arrange ng mga upuan at mesa. “Masinop din ba siya sa inyo?”
Tumango si Dawn. “Sinanay kasi siya ni Ate sa pagliligpit ng sariling mga gamit,” sagot niya saka naalala ang usapan kanina sa labas. Nilapitan niya si Yuu. “Hoy, bakit gano’n ang naging sagot mo kanina?” pabulong niyang tanong sa lalaki.
“Kanina? May mali ba sa naging sagot ko?” tanong nito na poker face na naman.
“Hindi naman tayo nag-date eh.”
“Hindi ko naman sinabi na nag-date tayo. ‘Yong nanay ang nagsabi na may ka-date ako.”
“Pero hindi mo tinama ang sinabi niya.”
“Hindi mo kailangang itama parati ang sinasabi ng iba. Unless gusto mong malaman nila na ikaw ang babaeng kasama ko noong Sunday?” paniniyak nito na ikinagulat niya.
“Ano na lang ang iisipin nila kapag nalaman nila ‘yon?”
Kumunot ang noo ni Yuu. “Ang alam ko ay hindi naman masama para sa akin na lumabas kasama mo at wala akong nakikitang mali kung malaman iyon ng iba pero wala akong sinabing pangalan dahil ayokong pangunahan ka dahil baka hindi ka komportable na malaman ng iba na ako ang kasama mo,” mahaba nitong sabi saka sumeryoso. “Nahihiya ka ba na isang
gaya ko ang kasama mo?”
“Ano’ng isang gaya mo?” napatanga si Dawn. “Hindi ‘yon ang punto ko.”
Nawaywang ito at parang naguguluhang nag-isip. “Hindi ko kabisado kung paano mag-isip ang mga babae pero ang alam ko, kahit kayo minsan ay hindi niyo naiintindihan ang mga sarili ninyo. What happened during that day is not something I should be embarrassed about and it’s not something I should hide because what happened that day was something nice for me. Pero kung hindi iyon magandang karanasan para sa’yo dahil sa nakita mo ulit ang ex mo –”
“Hindi ‘yon ang punto ko,” awat niya sa mga sasabihin pa sana nito dahil kahit siya ay hindi niya na rin maunawaan kung ano ba talaga ang ipinaglalaban niya. Napaka-honest at straight-forward naman kasi ng kausap niya. “Ang totoo niyan, ayokong makagawa ng issue rito sa school kaya okay na ‘yong hindi mo sinabi na ako ang kasama mo noon.”
“So ayaw mo nga na malaman nila na ako ang kasama mo.”
“Sort of,” sagot niya at nagulat siya nang mapuna na parang nasaktan ito.
“Dahil ayaw mong malaman ng stepfather ni Celestine?”
“Paano napasok si Gian sa usapan?” tanong niya at hindi na ito kumibo.
“Bakit mo inaaway si Teacher, Auntie Dawn?” seryosong tanong ni Knight sa kanya.
“Hindi ko siya inaaway!”
“Teacher, aalis na po kami at sorry po dahil palaaway ang auntie ko,” sabi na pamangkin niya na lalo niyang ikinagulat. Hinila na siya ni Knight palayo at naguluhan siya lalo na dahil daig pa ni Yuu ang batang nawalan ng kalaro.
Bakit ganoon ito?
BINABASA MO ANG
Fall For Yuu
RomansaAsar na asar si Dawn sa teacher ng kanyang pamangkin kaya hanggang maaari ay iniiwasan niya ang bugnuting lalaki kapag sinusundo niya ang bata mula sa school. Para sa kanya ay may attitude ang guro dahil maliban sa mga estudyante ay wala na itong ib...