NABUNUTAN ng bigat sa dibdib si Dawn nang sabihin ng doktor na sumuri kay Knight na hindi grabe ang lagay ng bata. Dinala sila ni Yuu sa pinakamalapit na ospital at nagkataong may kakilala itong doktor doon kaya agad na nalapatan ng gamot ang pamangkin niya. Nang ma-kontak niya ang kanyang ate ay agad itong nagpunta sa ospital. Sa ate niya nagsabi ang doktor sa iba pang pwede nilang gawin lalo na sa mga gamot ni Knight.
“Thank you,” sabi niya sa guro.
“He’s my learner so… wala ‘yon,” sagot ng lalaki na gaya niya ang nag-alala nang husto sa kalagayan ng estudyante nito. “Maybe naka-stress din sa kanya ang pagpapakawala sa palaka. He must like to have pet.”
Bahagya siyang natawa nang maalala ang palakang gustong gawing pet ni Knight.
“I’m glad you’ve visited me although hindi ko hinihiling na sa ganitong paraan,” sabi ng doktor na tumingin sa pamangkin niya. Ngayong medyo okay na ang pakiramdam ni Dawn, saka niya napansin na may resemblance si Yuu sa manggagamot. Nang tingnan niya ang I.D. ng doktor ay saka niya nalamang magkamag-anak ang dalawa.
“Magkamag-anak kayo?” paniniyak niya.
Ngumiti ang doktor. “I’m his older brother,” sagot ng doktor na ang pangalan ay Yuri.
“Estudyante ko ang bata,” sabi ni Yuu.
“Kaya pala. May anak na pala si Danica,” sabi ng doktor saka nilingon ang ate niya na kasalukuyang katabi ng anak nito.
“Kilala mo ang ate ko?” nagulat siya.
“I was senior and she was sophomore then. Sikat ang ate mo noong high school pa siya dahil nanalo siyang Campus Queen,” kwento ng doktor. “Anyway, I’m glad to see you, brother. I hope dumalas ang pagkikita natin,” nabahiran ng lungkot ang boses ng doktor sa huling tinuran at naramdaman ni Dawn na merong gap sa pagitan ng magkapatid.
“Thank you, Kuya,” tanging sabi ng guro. Nagpaalam na ang doktor at iniwan sila. Dahil busy ang ate niya, siya na ang umasikaso ng mga babayaran sa ospital. Sinamahan siya ni Yuu at napansin niyang alam ng guro ang pasikot-sikot sa ospital na iyon.
“May problema ba kayo ng kuya mo?” bigla niyang naitanong dahil sa curiosity.
“Akala ko ba ‘mind your own business’?” tanong nito na bagamat walang bahid ng sarkasmo ay ikinainis pa rin niya kaya sinimangutan niya ito. “Wala kaming problema ni Kuya. He actually understands me more than anyone in my family.”
“Para kasing asiwa ka sa kanya.”
“Asiwa naman ako sa lahat ng tao.”
“Ha!” pagak siyang natawa kaya nagsalubong ang kilay nito. “Para namang hindi ka naaasiwa kapag pinupuna mo ako. Feeling ko nga mas may alam ka pa sa buhay ko kesa sa akin mismo,” sarcastic niyang litanya na ikinatahimik ng kausap. “Why do you do that?”
“Ang alin?”
“’Yong pangingialam sa buhay ng iba.”
“Sinabi ko lang ang mga napansin ko sa’yo na baka hindi mo napapansin na ginagawa mo,” sagot nito at natigilan siya sa narinig. Naalala niya kasi ang sinabi sa kanya ng ate niya tungkol sa ugali ni Yuu. Posible ba na ang ginawa nito ay pagsasabi lang talaga ng mga bagay na napansin nito sa kanya at walang halong pamimintas o kahit na ano’ng malisya at siya lang ang hindi nakaunawa?
“Bakit mo sinabi na gumawa ako ng paraan na agawin si Gian mula sa girlfriend niya?”
“Hindi ko sinabi. Tinanong lang kita kung ‘yon nga ang ginawa mo,” sagot nito na nakapagpatanga sa kanya. “I even asked you kung ayos lang sa’yo ang unrequited love –”
“That was so mean, alam mo ba ‘yon?”
Tinitigan siya ng lalaki na para bang siya ang nasisiraan ng bait. “Hindi ko alam na gano’n ang magiging reaksiyon mo sa mga tanong ko. Like I said, I’m informing you and I was a little bit curious as to why you look so hurt while looking at Celestine’s mother and soon-to-be-father and I arrived in a conclusion that you like him more than a friend.”
“Do I really look… that hurt?” natitigilan niyang tanong. Gano’n ba siya ka-obvious?
Tumango ang guro. “Kapag tinitingnan mo sila na masaya, parang ang lungkot-lungkot mo at gusto mong umiyak. Hindi magandang tingnan kahit na nga ba maganda ka,” sabi nito saka hinaplos ang pingi niya. Saka pa lang niya napansin na naluha siya sa harap ng lalaki.
“Ayos ka lang, Dawn?” boses ng ate niya ang pumukaw ng kanilang atensyon. Agad niyang pinunasan ang mga luha niya saka hinarap ang kapatid na karga-karga si Knight. Walang salita na lumabas sa bibig niya sa sobrang lungkot ng nadarama niya sa mga sandaling iyon. Hindi naman nagtanong ang kapatid niya. Hanggang sa hinatid sila ni Yuu sa bahay ay hindi na sila nag-usap pa. Ang ate na niya ang nagpasalamat dito sa tulong nito.
BUMABA na ang lagnat ni Knight at alam niyang magiging maayos din ang pamangkin pero ang hindi maayos ay ang lagay ng kanyang puso. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya madalaw ng antok. Nakatunganga siya sa sala habang nakatingin sa basong wala ng lamang gatas. Marami ang mga nangyari sa araw na iyon na hanggang ngayon ay hindi niya ma-process nang tama o baka dahil ang puso niya talaga ang wala sa tama noon pa?
“Are you hungry?” paunang tanong ni Danica at alam na niya ang kasunod no’n. “Angry? Lonely?”
“Tired or Thirsty? Nope,” umiling siya. Ilang beses na siyang napag-praktisan ng kapatid niya sa counselling skills nito at sa tuwina ay hindi pa rin niya magawang makawala kapag ito na ang nang-usisa. Gano’n siguro talaga kapag may kapatid kang social worker.
“So, what happened?” naupo ito sa tabi niya. Hindi siya agad nagsalita at hinayaan siya nitong manahimik. Alam niyang hindi siya nito kukulitin kahit pa nga ba may hinala na ito na may nangyari nga. Gano’n ito kapasensyosa. After few minutes, she spoke.
“I feel… unloved. Of course alam kong mahal niyo ako ni Knight. What I mean is that I think I am so hard on myself that I forgot to love myself. I forgot my… worth,” gumaralgal ang boses niya at maya-maya pa ay umiyak na siya.
“Dahil na naman sa ex mong siraulo,” naiiling nitong sabi saka siya niyakap. “Huwag mong gawing basehan ng worth ang lalaking iyon. Iniwan ka niya hindi dahil may mali ka. Iniwan ka niya dahil hindi siya nakuntento at talagang siraulo siya. It’s his loss, not yours. Mas mabuti na ring nalaman natin ang tunay na kulay ng taong iyon bago pa humaba ang relasyon ninyo. Makakakita ka pa ng lalaking ite-treasure ka. ‘Yong hindi magrereklamo sa pagiging clingy at over-affectionate mo at hindi lilingon sa ibang maganda.”
“Nakaka-trauma ma-in love.”
“Pero hindi ibig sabihin ay hindi tayo makaka-move on. There’s always a rainbow after the rain,” puno ng pag-asang sabi nito. “Salamat nga pala sa pagiging loving auntie kay Knight.”
“Habang hindi pa niya tayo kayang alagaan, tayo na muna ang mag-alaga sa kanya,” aniya. “Sa tingin ko na-stress si Knight dahil sa palaka na pinakawalan niya. Baka gusto niya ng pet,” naisip niya ang sinabi ni Yuu kanina.
Napaisip din ang ate niya sa kanyang suggestion kaya pareho nilang inisip kung ano ang pwedeng pet sa bahay na hindi gaanong maha-hassle ang mga ganda nila at siguradong magugustuhan din ni Knight.
THE TASK for that day is to draw the favorite animal and describe it to the class. Naging interesting ang mga drawing ng mga bata pero mas interesting ang paglalarawan ng mga ito sa mga hayop na napili. When it was Knight’s turn to describe his favorite animal in front of the class, Yuu can’t help but smile.
“This is Fabio, my pet flower horn. He’s still tiny but he swims happily inside the fishbowl. His skin is bright orange and he likes to swim. I think he doesn’t sleep. My Mama and Auntie gave him to me when I asked for a frog–”
“Frog?” halos panabay na singhap ng mga kaklase ni Knight. May iba pang napa-ewww.
“Yes but Auntie said I can’t keep a frog because the mother might look for it so instead, I chose a fish. Auntie said I can adopt one lonely fish and Fabio is alone in his aquarium when I met him so I chose him. Mama said that when Fabio grows up, he will have a big forehead,” excited na kwento ng batang lalaki.
“Big forehead? Like aliens?” tanong ng isang nagtatakang kaklase.
“Auntie said that being different is not a bad thing since everyone is different from one another and even if Fabio will look really different from the other fishes, I will still love him because he is my first pet and my favorite animal in the whole world.”
The children clapped after the presentation and Yuu can’t help but admire the kid as well as the people raising him. Knight looked contented and happy with the child’s presentation and that’s all that matters for the boy’s teacher.

BINABASA MO ANG
Fall For Yuu
RomansaAsar na asar si Dawn sa teacher ng kanyang pamangkin kaya hanggang maaari ay iniiwasan niya ang bugnuting lalaki kapag sinusundo niya ang bata mula sa school. Para sa kanya ay may attitude ang guro dahil maliban sa mga estudyante ay wala na itong ib...