TAKANG-TAKA si Dawn habang nakatingin sa isang lalaki na mag-isang nakatayo ‘di kalayuan. Graduation iyon ng Ate Danica niya kaya naroon siya kasama ang mga magulang nila upang masaksihan ang pag-apak nito sa stage at ang pagtatapos nito sa high school pero habang naghihintay sila sa labas ng venue sa pagsisimula ng program ay napansin niya ang lalaking iyon na bagamat nakasuot ng toga ay wala man lang kasama.
“Ate, kaklase mo ba ‘yon? Bakit wala siyang kasama?” tanong niya. Ilang segundong tiningnan ni Danica ang nasabing lalaki at napansin niyang lumungkot ang itsura nito.
“Kaklase ko siya noong second year. Dawn, may iuutos ako sa’yo.”
Dahil masunurin siyang kapatid ay sinunod niya ang utos nito. Nilapitan niya ang nakitang lalaki at habang papalapit ay napansin niyang gwapo ito pero mukhang suplado.
“Excuse me,” pagkuha niya sa atensyon ng lalaki. Walang kibo itong tumingin sa kanya at hindi nakatakas sa kanyang paningin ang malungkot nitong mga mata. “Wala ka pa raw suot na corsage kaya heto,” aniya saka iniabot dito ang dalang corsage na bigay ng ate niya. “Sabi ng president ninyo, dapat daw lahat may suot na corsage dahil malapit ng magsimula ang program,” dagdag niya at sinunod niya lang ang sinabi ng kanyang ate. Hindi ito umimik at tumingin lang sa kanyang hawak at dahil gusto na niyang bumalik sa pamilya niya ay siya na ang nag-pin ng corsage sa kaliwang dibdib ng lalaki saka mabilis na tumakbo pabalik sa kanyang ate na nagpasalamat sa kanyang ginawa.
BUONG ARAW na inisip ni Dawn kung panaginip lang ba o talagang nangyari ang senaryong iyon noon sa graduation ng ate niya. Hindi na niya gaanong naaalala ang ibang pangyayari dahil nagising siya at hindi niya rin natanong ang kanyang ate dahil maaga ang duty nito hanggang sa nakaligtaan na niya. Naging abala na kasi siya sa trabaho at sa birthday party na dadaluhan.
Gaya ng inaasahan ni Dawn ay maraming tao sa birthday party ni Hugo at halos yata lahat ay mga taga-entertainment industry. Dahil hindi naman siya taga-entertainment industry, kahit gaano pa siya kaganda ay walang pumansin sa kanya o sa kanila ni Yuu kaya imbis na makihalo sa mga tao ay dinala siya nito sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Mula sa kinauupuan ay pinagmamasdan nila ang program sa baba na para bang nanonood sila ng pelikula. Kumuha si Yuu ng pagkain kaya hindi sila nagutom.
“Ganito ba talaga ang ginagawa mo kapag may party rito?” usisa niya sa binatang tahimik na kumakain. Napaka-gwapo nito sa suot na navy blue na long sleeves na sinapawan ng grey na coat na siyang terno ng suot nitong pants.
“Minsan oo, madalas ay nasa kwarto lang ako at nakikinig ng music. Wala namang naghahanap sa akin at madalas, pinapadalhan lang ako ng pagkain sa kwarto. Advantage iyon para sa parents ko dahil hindi sila mape-pressure na ipakilala ako sa mga bisita.”
Napansin niyang kumalat sa gilid ng bibig nito ang sauce ng kinakain na lasagne kaya kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan iyon. Nagulat ito pero hindi naman nagsalita.
“Buti na lang talaga at sumama ako sa’yo. Your world will be so lonely without me.”
“Masyado kang confident.”
“Hindi mo ako liligawan kung hindi gano’n ang tingin mo sa akin,” mayabang niyang sabi at mahina itong natawa. “Totoo naman eh.”
Tumango ito. “By the way, you’re stunning tonight.”
“Siyempre! Pinahiram pa ako ni Ate ng dress niya na sinusuot niya noon sa mga party.”
“I’m not talking about your nice, black dress. Gaya ng sabi ko, lahat ng isuot mo ay bagay at maganda sa’yo. I’m looking at the most beautiful part of you at kung nakikita lang ang puso’t kaluluwa, sa mga iyon ako tititig,” he said while staring at her.
Kahit pa siguro ang pinakamagandang artista na naroon ay hindi makakapantay sa haba ng buhok niya. The good thing about Yuu is he seldom jokes and his compliments are sincere kaya kulang ang salitang kilig sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon dahil sa mga sinabi nito. She felt really appreciated and loved.
“Hanggang dito hindi mo pinapalagpas ang panliligaw.”
“Kahit sagutin mo na ako, hindi pa rin ako titigil sa panliligaw. Gusto kitang ligawan parati hanggang sa nabubuhay pa ako.”
Kinuha niya ang kanyang cellphone. “Aba, kailangan nating mai-record ‘yan para kapag ‘di mo ako niligawan kahit naging tayo na ay masisingil kita sa pangako mo,” aniya na ikinatawa nito. “Lagyan din natin ng oras para sigurado. Ipapa-notaryo ko pa ito.”
“Ibig sabihin ba nito ay sasagutin mo talaga ako?”
“Ayaw mo?”
“’Wag ngayon. Sa Friday na lang.”
“Choosy ka pa. Ano’ng meron sa Fiday?”
“Eugene,” biglang sabad ni Dr. Yuri nang makita sila nito roon. “Bakit kayo nariyan? Dapat naroon kayo sa baba. Kanina ka pa hinahanap ni Hugo.”
“You know that I dislike this kind of crowd and since hindi naman ako importante roon, I decided to stay here with Dawn.”
“Good evening, Doc,” bati niya sa kuya ni Yuu.
“Good evening, Dawn.”
“Nauuhaw ako. Kukuha muna ako ng maiinom natin,’ aniya para mabigyan ng pagkakataong mag-usap ang magkapatid. Bumaba siya sa ikalawang palapag at nagtungo sa mesa ng mga inumin at pagkain. Mula sa kinatatayuan ay nakikita niya sina Yuu at Yuri na nag-uusap sa ikalawang palapag. Busy naman sa pakikipag-usap sa mga bisita ang mga magulang ng magkakapatid at si Hugo ay busy rin sa pakikipag-usap sa mga guest. Magaling na si Hugo at para ngang hindi ito naaksidente few weeks ago.
“Ito ang mundo ni Yuu pero hindi rin,” bulong niya nang mapagtanto kung gaanong naiiba si Yuu sa mga tao na naroroon sa party. He may be from a rich family but he achieved success in life without the moral and emotional support of his parents and he remains humble. “Bugnutin pero humble,” napangiti siya sa naisip saka napansin ang isang babaeng naka-eyeglasses na lumapit din sa mesa at kumuha ng pagkain.
“Kailan ba kami uuwi ni Kuya?” nag-aalalang tanong nito habang panay ang tikim sa mga pagkaing naroon. “May projects pa akong tatapusin eh,” maktol nito pero panay pa rin ang subo. She’s pretty and chubby kaya sa paningin ni Dawn ay napaka-cute nito lalo na sa suot na peach dress. She must be in her early twenties.
“Napilitan ka rin bang um-attend?” hindi niya napigilang tanong at tumingin sa kanya ang babae saka tumango. “Pareho kayo ng kasama ko at nahila lang din ako.”
“Hindi ako masyadong mahilig sa ganitong party eh. Ang kuya ko lang ang nagpumilit na dalhin ako kasi sabi niya dapat masanay daw ako sa mga party at hindi lang puro libro ang inaatupag,” sabi nito. “Kaibigan niya ang celebrator.”
“Oh,” aniya saka tumingin sa direksiyon ni Hugo at kasalukuyan itong may kausap na gwapong lalaki na sa tingin niya ay artista rin.
“Kapatid ko siya bago naging artista kaya ang tingin ko sa kanya ay hindi kakaiba,” sagot nito saka marahang tumawa. “Siya nga ‘yong kausap ni Hugh Rosales,” anito na binanggit ang
screen name ni Hugo. “Ikaw, Miss, sino ang sinamahan mo rito?”
Hindi sigurado si Dawn kung kailangan ba niyang sagutin ang tanong pero ‘di na niya nasagot dahil nag-announce ang host ng party na imbitahin sa stage si Hugo upang hipan ang birthday cake nito. Napansin ni Dawn na bumaba na sina Yuri at Yuu pero mukhang tumanggi si Yuu na sumama sa kuya nito papunta sa harap. Nag-excuse siya sa kausap saka nilapitan si Yuu na nakatayo sa isang sulok at pinapanood ang mga nagaganap.
“Hindi ba pwedeng samahan mo rin si Hugo roon?” tanong niya sa lalaki.
“He has birthday parties like this at wala ako sa mga iyon kaya hindi naiiba ang pagkakataong ito,” sagot ni Yuu na puno ng lungkot at pag-asam ang mga mata. Alam ni Dawn na mahal nito ang mga kapatid pero dahil sa hindi pantay na pagtrato rito ng mga magulang, naging ugali na nito ang pag-iwas upang hindi na ito parating masaktan.
Nagulat si Yuu nang hawakan niya ang kamay nito. “Let’s have a party on your birthday sa school kung saan naroon ang fans club mo,” ideya niya sabay ngiti.
“Fans club?”
“I’m talking about your students, duh! Sila lang naman ang nakakakita sa sobrang sweetness mo kaya deserve nila ang party. Well, I guess nakikita ko na rin iyon ngayon.”
“Ang alin?”
“Hulaan mo kung ano–” natigilan sila tawagin ni Hugo si Yuu gaya ng ibang miyembro ng pamilya nito. “Puntahan mo na,” sabi niya nang mapansing nagdadalawang-isip si Yuu na lumapit. Naramdaman din niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
“Samahan mo ‘ko,” sabi nito and it sounded a request so she went with him pero nanatili lang siya sa harap. Again, nakita niya kung gaano kasaya sina Hugo at Yuri kasama si Yuu pero ang mga magulang ng tatlo ay naka-focus lang sa dalawang anak. The father was beside Yuri while the mother was beside Hugo and Yuu seemed like an extra standing few feet away. Yuu felt lonely there and while looking at him, she felt like it’s some kind of déjà vu. Then out of nowhere, she remembered her dream that morning and realized that it was indeed a real memory and it coincided to Yuu’s story about his high school graduation. Gusto niyang maiyak sa napagtanto but she held herself together.
Kahit nakangiti sa harap ng press at mga tao si Hugo ay aware ito sa nangyayari sa kuya nito kaya hinawakan nito ang sleeves ng suot ni Yuu para hindi makalayo ang lalaki at para masali ito sa picture-taking.
“Sino ‘yang isang lalaki na kasama nila?”
Natigilan si Dawn nang marinig ang usapan sa bandang likuran niya. Pati ang ibang press people ay nagtaka sa presensya ni Yuu kasama ang pamilya.
“Baka siya ‘yong isa pang kapatid ni Hugh. Ang alam ko may dalawang kuya siya.”
“Ngayon ko lang siya nakita. Nasa abroad ba siya? Ano ang trabaho niya?”
The murmurs began to spread at sigurado si Dawn na kapag na-interview si Hugo ay matatanong ito tungkol kay Yuu at siguradong pati Yuu ay kakausapin. People will ask and it will be uncomfortable for the man.
“Doctor Rosales?”
Napatingin si Dawn sa bandang kanan niya at nakita ang babaeng nakausap niya kanina na ngayon ay nakatitig sa stage na parang namatanda. Katabi nito ang kapatid na artista.
“Yeah. Doctor ang isa sa mga kapatid ni Hugh,” sagot ng artistang kuya.
“Pero Kuya, doctor din ‘yong isa but doctor of education not of medicine,” sagot ng babae. The press sitting near the siblings heard the conversation and began asking the woman about her knowledge of Yuu. Nang makababa si Yuu sa stage ay agad itong lumapit sa kanya.
“Uwi na tayo,” napapagod nitong sabi, halatang hindi komportable.
“Magsabi ka muna kay Hugo.”
Papalapit si Hugo sa kanila pero nilapitan ito ng mga reporter kaya hindi ito tuluyang nakapalit. Nagulat si Dawn nang bigla silang lapitan ng ibang mga reporter at tinanong si Yuu ng tungkol sa relasyon nito kay Hugo. Nagulat si Yuu at hindi agad nakaimik.
“Ah excuse me,” biglang sabad ng mama nina Yuu at mukhang nag-alala ito sa senaryo.
“Mrs. Rosales, ang swerte mo at puro successful ang mga anak mo,” sabi ng isang press person na kanina ay nakita niyang kumausap sa babaeng nakakilala kay Yuu.
“Excuse me?” nagtaka ang ginang sa sinabi ng reporter.
“Your sons are all successful in their chosen fields. An actor, a doctor of medicine and a doctor of education! Nakakabilib ang mga anak mo, Mrs. Rosales,” sabi pa ng reporter na lalong nagpa-puzzle sa itsura ng ginang at pati ang asawa nito na katabi nito ay nagtatakang tumingin sa direksiyon ni Yuu. Bago pa niya hindi mapigil ang sarili ay hinila niya si Yuu palayo sa mga tao. Hindi naging madali iyon lalo pa at biglang naging aware ang mga tao kay Yuu at sa relasyon nito kay Hugo.
“Hi, Doc!” bati ng babaeng source ng balita nang masalubong nila ito.
“Hello. Small world,” tanging nasabi ni Yuu na mukhang nakaintindi kung paano nalaman ng iba kung sino ito.
“Thank you, Miss,” nakangiti niyang sabi sa babae.
“Sa alin?”
“Sa lahat,” sabi niya saka tumawa.
“Doc, girlfriend niyo po?” usisa nito kay Yuu na hindi agad nasagot ng lalaki.
“YES!” malakas niyang sagot na ikinagulat ng lalaki. “Sabihin mo taken na ang prof ninyo,” sagot niya na tawang-tawa but at the same time ay puno ng tuwa ang puso niya ng mga sandaling iyon dahil nasabi na niya sa wakas ang salitang alam niyang hinihintay ni Yuu na sabihin niya.
“Noted po.”
Kahit nang makalabas na sila ng malaking bahay ay tawang-tawa pa rin siya sa mga naganap sa loob. Mali man siguro pero tuwang-tuwa siya sa gulat na nakita sa mukha ng mga magulang ni Yuu nang malaman ng mga ito ang tunay na propesyon ng anak na parating isinasantabi and at the same time, she felt proud of Yuu. Lastly, she felt free after telling someone that she’s choosing him.
“Seryoso ka ba roon sa sinabi mo sa estudyante ko?” tanong ni Yuu sa kanya.
“So estudyante mo nga iyon.”
Tumango ito. “One of my students in education course. Dawn, are you serious –”
“Yes,” putol niya sa mga sasabihin pa sana nito. Hindi ito nakasagot pero napansin niyang napuno ng tuwa ang mukha nito. “Kailangan bang pahabain ko ang panliligaw mo gayong alam ko sa sarili ko na gusto rin kita? Anyway, kahit naman sagutin kita ay sinabi mong liligawan mo pa rin ako–” natigilan siya pagkuwa’y napangiti nang yakapin siya nito nang mahigpit. “Hindi ko kayang makipag-kompetensya sa mga estudyante mo pagdating sa’yong atensyon pero sigurado naman ako na sa puso mo, ako lang ang babaeng mahal mo.”
“And that’s the truth, Dawn. I love you,” madamdamin nitong sabi.
“Must be hard waiting for me since the day I’ve given you a corsage on your graduation,” bulong niya nang maalala ang bahaging iyon ng nakaraan nila.
“So you remembered it. Hindi ko rin naman akalain na ang dalagitang nagbigay sa akin ng corsage ay makikita ko ulit na sinusundo ang pamangkin niya sa school. I wasn’t also expecting to fall for you.”
“And I fall for you too kahit bugnutin ka at suplado,” aniya saka tumawa pero natigil siya sa pagtawa nang mainit siyang nitong hinalikan sa labi. It was quick but enough to melt her heart. Naluha pa siya sa sobrang saya na nararamdaman.
“Thank you for choosing me.”
“Your parents might not choose you but I will always choose you from this day on. Hindi mo kailangang patunayan sa akin ang kakayahan mo dahil alam ko kung anong klase kang tao at ano ang laman ng puso mo.” Ngumiti ito at muli siyang niyakap. “And, clingy ako.”
“I gladly accepted you for that. Be clingy and sweet, Dawn.”
Naluha siya lalo sa sinabi nito at lalo niya itong minahal.
“By the way, ‘wag mo muna akong sagutin ngayon. Sa Friday na lang.”
Lumayo siya rito na nagtataka. “Ano ba talaga ang meron sa Friday?”
Yuu smiled and later on, she found out the real reason. On that same week, Friday, she was surprised when Yuu threw a party in his kindergarten class. He also declared his love for her again in front of his class, co-teacher and the parents and guardians. Naging kakuntsaba pa nito ang ate niya pati na sina Gian at Geri.
And once again, she said ‘yes’ and they became official on Yuu’s birthday.
![](https://img.wattpad.com/cover/240946905-288-k330073.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall For Yuu
RomanceAsar na asar si Dawn sa teacher ng kanyang pamangkin kaya hanggang maaari ay iniiwasan niya ang bugnuting lalaki kapag sinusundo niya ang bata mula sa school. Para sa kanya ay may attitude ang guro dahil maliban sa mga estudyante ay wala na itong ib...