Chapter Seven

87 9 2
                                        

ALAS NUWEBE pa lang ay tulog na dapat si Dawn pero alas onse na ng gabi ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata, hindi dahil namamahay siya kundi dahil sa natuklasan niya sa cellphone ni Yuu. Marami siyang gustong itanong dito pero hindi pa pwede dahil tulog ito at may sakit. Kahit naman gustuhin niyang matulog ay hindi niya alam kung saan matutulog dahil walang ibang higaan doon. Alangan namang tumabi siya kay Yuu.

“Why not?” bulong niya saka muntik ng sapakin ang sarili sa naisip. Kay sa umagahin siya sa kakaisip ng mga sagot sa tanong niya ay naghanap siya ng mababasa at nakita niya ang high school yearbook ni Yuu. Mayroong kopya ang ate niya ng year book na ‘yon since magkaklase ang mga ito sa high school pero matagal na noong huli niya iyong mabasa kaya kinuha niya ang yearbook at hinanap ang picture ni Yuu.

“Gwapo nga talaga siya kahit pa noong high school,” aniya nang makita ang picture ni Yuu. Nang basahin niya ang nakalagay na ‘dream’ nito, hindi na siya nagtaka nang mabasa ang ‘I want to become a teacher’. May nakalagay din na personal quote at ang nakalagay sa ibaba ng picture ni Yuu ay ‘I am fearfully and wonderfully made’. Kung hindi niya alam na bahagi iyon ng isang Bible verse ay iisipin niyang nagyayabang ito. Katunayan, noong kakahiwalay pa lang niya sa ex niya at naghanap siya ng quotes na pwedeng mag-comfort sa kanya at nagpaalala sa kanyang self-worth ay nakita niya ang verse na iyon.

What made a high school student wrote a Bible verse as a personal quote in his yearbook? Dawn wondered even more.

Natigilan si Dawn nang kumilos si Yuu at unti-unting nagising. Few minutes ago ay kinunan niya ito ng temperature at natuwa siya dahil bumaba na ang lagnat nito.

“Anong oras na?” tanong nito.

“Alas onse.”

“Dapat ay nagpapahinga ka na,” bumangon ito.

“Magpapahinga ako mamaya kaya matulog ka riyan,” pigil niya rito.

“May kumot sa closet,” sabi nito saka bumaba ng kama at may hinila na kung ano sa ilalim ng kama. Doon pa lang napansin ni Dawn na may retractable extension pala ang kama nito. “Minsan natutulog dito si Hugo kaya ganitong kama ang binili ko,” paliwanag ni Yuu. Kumuha siya ng kumot sa ibabang bahagi ng closet samantalang ibinigay nito sa kanya ang extra nitong unan. “Hindi ka dapat nagpagabi rito kasi baka may masabi ang mga tao sa’yo.”

“Ano naman ang sasabihin nila?”

“Ayokong masabihan ka ng masama,” anito saka bumalik sa paghiga.

“Sino si Hugo?” tanong niya.

“Bunso kong kapatid,” sagot nito.

“’Yon pala ang totoong niyang pangalan? Screen name lang pala ang gamit niya,” aniya saka may napansin sa pangalan ng magkakapatid. “Yuri, Eugene, Hugo. Puro ‘Yu’,” puna niya.

“My brothers were named after famous people. Yuri as in Yuri Gagarin, the first person to travel in space. Hugo as in Victor Hugo, French novelist known for his masterpiece Les Miserables,” kwento nito habang nakahiga.

“Eh ikaw?” tanong niya.

“May kilala ka bang sikat na Eugene?” balik-tanong nito.

“Si Eugene sa Ghost Fighter!” agad niyang sagot nang maalala ang anime na pinapanood noong bata pa siya. Mahinang natawa si Yuu at nagulat si Dawn dahil iyon ang unang beses na narinig niya itong tumawa kahit mahina lang. Akala nga niya ay hindi ito marunong tumawa gaya ng mga ordinaryong tao.

“Alam mo bang pinanood ko rin ‘yan noon dahil nga ‘Eugene’ ang pangalan ng bida? Later on nalaman ko na sa Filipino version lang ang pangalan na ‘yon dahil ang pangalan sa totoong version ay Yusuke,” sabi nito. Napa-oh siya dahil ngayon lang din niya iyon nalaman. “Maliban sa anime character, wala ka ng ibang maiisip na kilalang tao kapag naririnig ang pangalang ‘Eugene’.”

“Eugene Dominggo.”

Ngumiti ito saka napailing. “Ikaw, ipinangalan ka ba kay Dawn Zulueta?”

“Maraming nagsasabi na ganoon nga pero sabi ng parents ko ay hindi. Ipinangalan nila ako sa literal na ‘dawn’, bukang-liwayway. ‘Yon kasi ang oras na una silang nagkita sa isang beach. Pareho silang namamasyal noon at nagmumuni-muni,” nakangiti niyang kwento habang inaayos ang hihigaan.

“Eh si Danica?”

“It’s a combination of my parents’ name, Danilo and Veronica.”

“At si Knight?”

Ngumisi siya. “Dahil siya ang unang lalaki sa pamilya, kailangan astig ang pangalan niya. Pareho naming naisip ni Ate ang pangalan na ‘yon dahil gusto naming lumaki si Knight na matapang at may paninindigan, gaya ng mga knight noong unang panahon.”

“I guess Knight is living up to his name.”

“Tingin mo rin?” tanong niya at tumango ito. “Hey, maayos na ba ang pakiramdam mo?”

“Maayos na ako kesa kanina.”

Hinaplos niya ang noo nito at nadamang hindi na nga ito mainit. “Doktor ang kapatid mo pero heto ka, mag-isang nagpapagaling sa lagnat.”

“Marami na siyang inaalala lalo pa at naaksidente si Hugo,” mahina nitong sagot.

“Pero sabi sa balita ay okay na siya at nagpapagaling.”

“Alam ko.”

“Malapit ka siguro kay Hugo dahil natutulog siya rito.”

Tipid na ngumiti si Yuu. “My brothers are nice and I love them. Understanding at responsible si Kuya Yuri samantalang bibo at masayahin si Hugo. Pareho silang achiever sa kanya-kanya nilang mga larangan and I’m proud of them.”

“Achiever ka rin naman ah.”

“Saan banda?”

“Doctor of Education ka ‘di ba?”

Nagulat ito. “Paano mo nalaman?”

“Sa thesis mo,” sabi niya sabay turo sa book shelf. Buti na lang at nakaisip siya ng ibang dahilan dahil ayaw niyang malaman nito na napag-usapan nila minsan ang tungkol sa buhay nito. Baka isipin nitong mga tsismosa sila.

“Binasa mo?”

“’Yong cover lang. Wala naman kasi akong alam sa mga teaching principle at iba pang may kinalaman sa pagtuturo. Forte mo ‘yon, Dr. Rosales,” nakangisi niyang sagot.

“Doctor… it sounds good to the ears,” tipid itong ngumiti saka pumikit. “Matulog ka na dahil kailangan mong umuwi nang maaga. I also need rest because I will visit my brother tomorrow,” sabi nito.

“Sama ako!”

“Bakit naman kita isasama?”

“Dahil hindi ka pa gaanong magaling. Baka bigla kang bumagsak doon.”

“Hindi naman ako ganoon kahina. Isa pa, kung lumala man ang sakit ko, nasa ospital ako kaya madali akong makakahanap ng doktor o ‘di kaya’y magpa-admit.”

“Sige na, isama mo na ako!” pagpupumilit niya.

“Bakit nga?”

“Hindi pa ako nakakakita ng artista sa personal at chance na ‘to para makakita ako ng isa at makakapagpa-autograph pa!” excited niyang sabi at napansin niyang kumunot ang noo nito saka bigla siyang tinalikuran. “Oy, ‘wag ka namang ganyan. Friends tayo ‘di ba?” aniya at hindi na ito nagsalita pa kaya naisip niyang napagod ito o ‘di kaya ay ayaw talaga siya nitong isama.

Dahil wala na siyang makausap ay nahiga na lamang siya at naghihimutok na natulog. Dahil sa excitement na makakita ng artista ay nakalimutan na niyang itanong dito ang tungkol picture niya na nasa wallpaper nito.


NAGISING si Dawn dahil sa mahinang yugyog sa kanya ni Yuu. Alas-siyete na iyon ng umaga at nakatanggap siya ng text  mula sa ate niya na huwag siyang mag-alala kay Knight at samahan niya raw muna si Yuu. Ang lalaki ay mukhang okay na at siya pang nagluto ng agahan. Nakaligo na rin ito at mukhang nasa mood dahil sinabi nitong isasama siya nito sa ospital kung nasaan ang kapatid nitong si Hugo, na ikinatuwa niya siyempre. Sinabihan siya nitong kumain na dahil sasamahan siya nito pabalik ng bahay niya upang makapagbihis saka sila didiretso sa ospital.

Hindi siya mahilig mag-idolize ng mga artista pero bihira lang ang mga pagkakataong makakakita siya ng artista sa personal kaya grab the chance na!

“Fan ka ba ng kapatid ko?” tanong ni Yuu habang papunta sila sa ospital matapos dumaan sa bahay niya. Hindi ito nag-drive ng kotse bagkus ay nag-taxi sila.

“Hindi pero curious ako sa itsura niya sa personal.”

Hindi na ito kumibo pa hanggang sa makarating sila sa ospital. Iyon din ang ospital kung saan nila dinala si Knight noon at kung saan nagtatrabaho ang  kuya ni Yuu na si Yuri. Sinabi niya rito kanina na dumaan sila sa supermarket para bumili ng pagkaing dadalhin pero ang sabi nito ay hindi na kailangan dahil marami na raw pagkain sa ospital.

“Hindi ba nakakahiya kung wala man lang tayong dala na kahit na ano?” pangungulit niya kay Yuu habang naglalakad sila patungo sa private ward.

“Hindi ba sabi ko na hindi na kailangan?”

“Kahit for formalities lang naman eh.”

“Formalities?”

“Alam mo na ang ibig kong sabihin!”

“Actually hindi. Magdadagdag ka lang ng maraming bagay sa kwarto niya at hindi lahat makakain ni Hugo.”

“Sandali, bakit wala akong nakikitang press?” tanong niya habang palingon-lingon sa paligid. ‘Yon pa naman ang inaasahan niya.

“Hindi sila pinayagang makapasok at hindi nila alam kung saang kwarto naroroon si Hugo. Ayaw din ng ama namin ng gulo rito sa ospital.”

“Sa inyo ba ‘tong ospital?” gulat niyang tanong nang maalala na doktor rin ang ama nito gaya ni Yuri.

“Shareholder.”

“Wow!” she’s amazed by the fact but she wondered why a rich kid like Yuu is living in a small apartment alone. Gustuhin man niya magtanong ay hindi na niya nagawa dahil nakarating na sila sa private ward. Kakatok na sana si Yuu nang pigilan niya. “Sandali, maayos na ba ang itsura ko?” tanong niya rito pero tinitigan lang siya ni Yuu. “May dumi ba sa mukha ko?” bigla
tuloy siyang nag-alala.

“Nothing is wrong with you. You’re as perfect as you are,” he told her and she was stunned. Wala na rin siyang panahon para usisain ito sa mga sinabi dahil kumatok na ito pagkatapos ay binuksan ang pinto. Tatlong tao ang naabutan nila sa loob ng ward; si Dr. Yuri, ang pasyente na si Hugo at isang magandang babae na nasa fifties na sa tingin ni Dawn ay ang ina ng magkakapatid. At tama nga si Yuu, ‘di na nila kailangang magdala ng pagkain dahil napakarami na ng pagkain doon isali pa ang mga bulaklak at balloons na siguro ay galing sa mga tagahanga ng sikat na artista.

“Kuya!” bulalas ni Hugo na kita sa mukha ang tuwa nang makita ang kapatid. Biglang na-excite si Dawn nang makita ang celebrity na kapatid ni Yuu na kahit naka-cast ang isang binti at may mga galos sa braso at mukha ay mukhang okay na naman ito at nakangiti pa.

Lumapit si Yuu sa pamilya nito at tumingin sa ina. “Good morning, Mama,” bati ng lalaki sa ina na sa pagtataka ni Dawn ay tumango at hindi man lang gumanti ng bati. “Hello, Kuya, Hugo,” bati nito sa mga kapatid.

“Buti at napadalaw ka, Kuya. Sabi ni Kuya ay pwede na akong lumabas bukas at sa bahay na lang magpapagaling,” pagbabalita ni Hugo saka tumingin sa kanya na nagtataka. “Hello. Girlfriend ka ba ni Kuya Yuu?” excited na tanong ng artista na ikinagulat ni Dawn.

“Ay naku, hindi!” agad niyang tanggi pero sinungaling siya kung ‘di niya aaminin sa sarili na natuwa siya na napagkamalan siyang girlfriend ni Yuu. In fact, hindi masamang ideya na maging boyfriend niya ang isang kagalang-galang na lalaking gaya nito. Bigla niya tuloy naalala ang picture niya na screensaver ng phone ng lalaki.

“She’s Dawn. She’s a friend,” pakilala ni Yuu sa kanya. “Dawn, siya si Hugo, kapatid ko at siya ang mama namin. Kilala mo na naman si Kuya Yuri.”

“Hello po,’ bati niya sa mga ito. Nginitian siya ng mga kapatid ni Yuu pero seryoso ang mukha ng ina ng mga ito. “Hindi ko akalain na may kapatid na artista si Yuu.”

“Hindi naman ako gano’n kasikat,” nakangising sabi ni Hugo.

“Humble as always,” sabad ng ina ng mga ito. Iyon ang unang beses na nagsalita ito mula ng dumating sila ni Yuu at napansin agad ni Dawn ang pagiging proud nito sa bunsong anak.

“I was careless that’s why this happened to me. Sorry kung pinag-alala ko kayo,” sabi ni Hugo na sa mga kuya nito nakatingin. “But I think it’s blessing in disguise kasi kung ‘di ako naaksidente, hindi kita makikilala, Ate Dawn,” ngumisi ulit ito na para bang may tinutukso pero hindi sigurado si Dawn kung siya ba o si Yuu ang tinutukso ng lalaki.

“Sa sobrang busy ng schedule mo, wala ka ng panahon para sa mga walang kwentang bagay at huwag mong gagawing biro ang nangyari sa’yo dahil muntik ka ng mamatay,” kastigo ng mama ng tatlo sa bunsong anak. Kahit alam ni Dawn na nag-aalala ang ginang sa anak, hindi pa rin niya nagustuhan ang una nitong naging pahayag.

“Knowing the people important to Kuya Yuu is always important to me dahil bihira ang mga taong ipinapakilala niya sa atin. May it be a girlfriend or a friend, it doesn’t matter dahil alam kong hindi madali kay Kuya Yuu ang lumikha ng relasyon sa ibang tao.”

“She’s actually the sister of one of Eugene’s classmates in high school,” Yuri said.

“Oh! So siya pala ‘yong kwinento sa akin ni Kuya –”

“Hugo,” saway ni Yuu sa bunsong kapatid.

“Oops, information overload,” tinakpan ni Hugo ang bibig saka tumawa.

“Dapat yata lagyan ko ng plaster ang bibig mo dahil sa sobrang daldal,” sabi ni Yuri.

“Yuri!” saway ng ina nito.

“Lalabas na muna ako at kukunin ko pa ang ibang results ng lab tests ni Hugo para makauwi na nga siya bukas,” paalam ni Yuri pero bago pa ito makalabas ay may pumasok na may-edad na lalaki nakasuot din ng doctor’s coat at may malaking pagkakahawig kay Yuri kaya naisip ni Dawn na iyon ang ama ng tatlo.

“Pa, good morning,” bati ni Yuu sa ama at gaya ng ina nito, tinanguan lang ng doktor si Yuu at hindi man lang tinapunan ng tingin. Lumapit ang bagong dating kay Hugo at nagtanong ng ilang mga bagay tungkol sa nararamdaman nito, tipikal na gawain ng isang doktor. Pormal at istriktong tingnan ang ama ng tatlo pero napansin ni Dawn na malumanay itong makipag-usap kay Yuri at parang ama na naaasar sa kalokohan ng bunsong anak. Nag-usap din ang mag-asawa at mukhang maayos naman ang relasyon ng mga ito pero ramdam ni Dawn na may kakaiba.

Binalingan niya si Yuu na tahimik na nakatayo malapit sa kanya at nakatingin sa pamilya nito saka natigilan sa napuna. Nang tingnan niya ang pamilya ni Yuu, doon niya napansin na parang hindi ito kasali sa sarili nitong pamilya at ang nakikita niyang inggit sa mga mata nito ay ang parehong inggit na nararamdaman niya sa tuwing titingnan niya si Gian kasama sina Geri at Celestine. Yuu’s eyes were sad and painful that she even felt it pero hindi man lang iyon pansin ng sarili nitong pamilya. Ni hindi tinanong ng mga magulang nito kung kumusta na ito gayong kagagaling lang nito sa sakit.

“Gusto mo umuwi na tayo?” bulong niya sa katabi dahil hindi niya na matiis ang sitwasyon. Pakiramdam kasi niya ay wala sila roon at kung naramdaman niyang na-out of place siya, ano pa kaya si Yuu?

“Hindi ka ba magpapa-autograph?” tanong nito na sinikap pang magbiro.

“Nah. Hindi naman ‘yon gano’n kahalaga,” sagot niya. Ang mas mahalaga sa kanya ay maalis niya roon si Yuu dahil mukhang hindi nito kayang umalis. Binalingan niya ang pamilya ni Yuu partikular na sina Yuri at Hugo. “Aalis na po kami,” paalam niya.

“Ha? Pero kararating niyo lang,” sabi ni Hugo.

“May pupuntahan pa kasi kami.”

“Mas mahalaga ba ‘yon kesa kay Hugo?” tanong ng ina ng mga ito pero mas patungkol ang tanong kay Yuu kesa sa kanya. Yuu wasn’t able to answer.

“Kaya nga po kami naunang nagtungo rito dahil mas importante si Hugo kesa sa ibang appointment. Isa pa, sa tingin ko hindi na kailangang magtagal ni Yuu rito kasi nandito na naman kayo para mag-alaga sa kanya,” sagot niya.

“Are you his spokesperson?” kunot-noong tanong ng ama nina Yuu.

“Pa,” pahinahong awat ni Yuri sa ama.

“She’s a friend. An important friend,” Yuu answered. “And she’s right, mali-late na ako sa appointment ko and you’re all here for Hugo so there’s no need for me to stay. I might as well be useful in other place than here,” Yuu added and looked at Hugo then smiled. “Dadalawin kita ulit, don’t worry, Hugo.”

“Okay. Thank you sa pagbisita, Kuya Yuu, Ate Dawn,” malungkot na ngumiti si Hugo na para bang ayaw paalisin ang kuya nito. “Nice meeting you again, Ate Dawn.”

“Nice meeting you, too, Hugo.”

“See you again, Eugene,” paalam naman ni Yuri sa kapatid.

Ni hindi sila pinigilan ng mga magulang nito at hindi rin nagpaalam ang mga ito sa anak. Nasa labas na sila ng ospital nang marinig niyang bumuntong-hininga si Yuu.

“Gusto mo bang pag-usapan natin ang dahilan ng pagbuntong-hininga mo?” tanong niya sa lalaki. Ilang segundo itong tumitig sa kanya bago marahang tumango.

Fall For YuuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon