Chapter Eight

104 7 5
                                        

KAY SA umuwi ay nagdesisyon silang dalawa na mamasyal at magtungo sa isang beach. Dahil matagal ng hindi nakakapasyal sa beach ay tuwang-tuwa si Dawn nang makapagtampisaw ang mga paa niya sa dagat. Si Yuu naman ay kuntento ng naupo at nakatingin lang sa kanya.

Gusto niya itong magkwento at kahit pumayag ito kanina, mukhang hindi pa rin ito handa na magsalita kaya hindi niya ito pinilit. Ang paalala sa kanya ng ate niya kapag may taong gustong mag-open up at nagkataong siya ang kausap, bigyan niya raw ng panahon ang taong iyon dahil siguradong hindi madali ang magkwento lalo na kung masama o masakit para rito ang ikukwento. “Mababait ang mga kapatid mo,” aniya habang nakatingin sa dagat. Nakaupo silang pareho sa buhangin.

“Yeah, they are.”

“At napansin ko na sweet si Hugo samantalang considerate si Doc Yuri. Nagtataka tuloy ako kung saan sila nagmana gayong parang hindi naman sweet o considerate ang mga magulang ninyo,” naalala niya.

“Kina Kuya at Hugo lang sila ganoon.”

“‘Wag mong sabihing hindi ka nila totoong anak.”

“Mukha bang nasa telenobela tayo?”

“Malay ko ba.”

“Sorry to burst your bubble pero tunay nila akong anak. Kung ampon nila ako, mas maiintindihan ko kung bakit iba ang trato nila sa akin pero dahil tunay nila akong anak, masakit na isipin na hindi nila ako magawang mahalin gaya ng pagmamahal nila kina Kuya Yuri at Hugo,” sabi nito na malungkot ang mga mata. Nakumpirma ni Dawn na meron ngang problema sa pamilya nito at mukhang noon pa iyon nangyayari.

“My Kuya is academically achiever and my younger brother Hugo has been a total entertainer since he’s a kid. Kapag ipinagtabi mo kaming tatlo, madaling malalaman ng mga tao na matalino si Kuya at masayahin si Hugo. People learn from Kuya Yuri and they smile because of Hugo while they seldom notice me. I have nothing to share and say that will entice their interest kaya naman noong mga bata pa kami at maging hanggang ngayon, dalawa lang ang madalas na maalala ng mga tao na anak ng mga magulang namin.

Doktor ang papa namin kaya ini-expect niya na merong susunod sa mga yapak niya. Si Kuya Yuri ang katuparan ng pangarap na iyon nang mapansin ng lahat na kahit bata pa si Kuya ay madali itong matuto so when I was born, our parents expected me to be like my brother but I wasn’t. I was sickly and it affected my growth. Dahil sa pagiging sakitin, hindi ako lumaking bubbly at madalas na hindi ako nakikipagsalamuha sa mga tao. Naka-focus si Papa kay Kuya at noong ipinagbubuntis ni Mama si Hugo, I was left in the hands of nannies. Nang ipanganak si Hugo, my mother saw herself in him, a star material, kaya itinuon niya ang atensyon sa nakababata kong kapatid. While my parents were focused on their miracle children, I was left alone by myself. Noong una ay inisip ko na kaya ‘di nila ako gusto ay dahil napagod na sila sa pagiging sakitin ko. Parati akong nagdarasal na hindi na ako magkasakit at umiwas ako sa mga bagay, pagkain at gawaing pwedeng makasakit sa akin. I was desperate for attention.

Nang magsimula akong mag-aral sa kindergarten, naisip ko na kapag ginalingan ko ay mapapansin na nila ako but sad to say, hindi talaga ako matalino. Gustuhin ko mang matuto ay hindi talaga pumapasok sa utak ko ang karamihan sa mga itinuturo. Hirap akong magbasa at magsulat. I am always at the end of the rank and it’s frustrating. Habang ang mga kaklase ko ay puro laro ang nasa isip, ako naman ay gustong manguna pero ‘di kaya ng mahina kong utak. I also tried playing and joining games but I easily fall and got hurt. At the end of the day, nakikita ko ang sarili ko na talunan at bobo. Habang ang mga kapatid ko ay pinupuri nina Papa at Mama sa pagiging matalino at masigla, wala akong narinig na papuri mula sa kanila. When Hugo started schooling and found out to be a good student, I was totally forgotten in the picture.
While our Papa supports Kuya and Mama supports Hugo, nobody is there for me. Despite the feeling of abandonment, there’s something inside me that’s still willing to learn kahit hindi ko halos maintindihan ang mga tinuturo sa akin. Dahil sa academic performance ko, bihira ang teacher na nakakapansin sa akin at kung mapansin man ako, iyon ay dahil sa mababa kong grades. Pareho kami ng school ni Kuya Yuri kaya hanggang maaari ay hindi ko sinasabi ang kaugnayan namin dahil ayokong mapahiya si Kuya kapag nalaman ng iba na may kapatid siyang gaya ko. Hindi rin ako lumalapit sa kanya. Nang magsimulang mag-aral si Hugo sa parehong paaralan ay lalo kong naramdaman ang laki ng agwat ko sa kanila. Gano’n pa man, kahit nanliliit ako sa sarili ko ay nagsisikap pa rin akong mag-aral. Sa isip ko, ang tangi ko na lang magagawa ay hindi bumagsak para hindi sila lalong mapahiya. Kapag card day, si Papa ang pumupunta para kay Kuya while si Mama kay Hugo. Ayaw nilang kunin ang school card ko dahil nadidismaya sila. While my brothers always received rewards for their good grades, I didn’t receive any. Para sa parents ko, hindi lang mahina ang utak ko. Para sa kanila ay hindi ako nag-e-effort. Hindi lang nila alam na sumasakit na ang ulo ko sa kakaaral at kakamemorya at umiiyak ako sa sama ng loob dahil hindi ko maintindihan kung bakit hirap akong makaintindi at kung bakit hindi ako natututo kahit ano pa ang gawin ko. Naisip ko rin na wala namang nakaka-appreciate sa effort na walang results.”

Fall For YuuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon