ILANG araw ng sumasakit ang ulo ni Dawn sa ikinikilos ni Yuu. Akala niya ay magkaibigan na sila pero napansin niya na sa pagdaan ng mga araw ay parang bumalik sila sa dati at parang lumala pa nga dahil obvious na obvious ang pag-iwas nito sa kanya. Feeling nga niya ay lalo itong naging bugnutin.
“Kaasar ang bugnutin na ‘to. Ano ba ang kasalanan ko?” bulong niya habang hinihintay na matapos ang klase ni Knight.
“Sino ba ang dahilan ng paghihimutok mo riyan?” tanong ni Gian sa kanya na siyang susundo kay Celestine ng araw na ‘yon dahil nag-overtime si Geri at ang ate naman niya ay may inasikasong urgent case sa pinatatrabahuan nito kaya silang dalawa ang natokang sumundo sa mga bata. “Ilang araw ka ng ganyan.”
Nagdalawang-isip siya kung sasabihin ba niya kay Gian ang dahilan nang mahagip ng mga mata niya si Yuu na papasok ng classroom at tumingin sa direksiyon nila. Bahagyang kumunot ang noo nito saka bumalik sa pagiging poker face at tumuloy sa classroom. Ano na naman kaya ang iniisip nito tungkol sa kanya lalo pa at kausap niya si Gian? Alangan namang hindi niya pansinin si Gian eh katrabaho niya ito at kaibigan pa.
“May gusto ka ba kay Teacher Yuu?” biglang tanong ni Gian.
“Ano’ng sinasabi mo?” parang naeeskandalo niyang bulalas at sigurado siyang namula ang mukha niya dahil nag-init iyon. Ngumisi naman si Gian saka tumawa kaya sinapak niya ito sa balikat. “Wag kang hihirit ng mga ganoong linya. Nakakatakot.”
“Matagal makakauwi si Geri mamaya kaya kakain kami ni Tin-tin sa labas. Sumama na kayo ni Knight sa amin,” yaya nito na pinaunlakan naman niya dahil matagal ding makakauwi
ang ate niya. Nang malaman ng dalawang bata ang plano ay natuwa ang mga ito.
“Teacher, kakain kami sa labas kasama si Tita Dawn at Nat,” masayang kwento ni Tin-tin sa guro bago lumapit kay Gian at yumakap.
“Bye, Teacher Yuu,” paalam ni Knight sabay kaway.
“Bye,” nakangiting sabi ni Yuu sa mga estudyante bago tumingin sa kanya at sumeryoso ang mukha. “Have fun,” sabi nito saka tumalikod na. Pakiramdam talaga ni Dawn ay malaki ang kasalanan niya pero ‘di rin siya sigurado kung ano ba talaga ang nagawa niya upang maging ganoon na naman ang ugali ni Yuu sa kanya.
Dahil kasama nila ni Gian ang dalawang bata ay ang mga ito ang namili ng kakainan. As usual, sa kainang may sikat na bubuyog at chicken ang pinili ng dalawang bata kaya wala silang nagawa. Habang busy ang mga bata sa paglantak ng manok, sila ni Gian ay nag-usap at ikwenento na nga niya rito ang nangyari once upon a Sunday at ang naging usapan nila sa classroom few days after.
“So, saan ako namali ng sinabi?” tanong niya sa kaibigan pagkatapos magkwento.
“Binabawi ko na ang sinabi ko kanina.”
“Alin doon?”
“Na may gusto ka kay Teacher. Mukha kasing siya ang may gusto sa’yo,” at ngumisi na naman si Gian at napatanga naman siya.
“Sira ka ba? Paano magkakagusto ‘yon sa akin?”
“Alam mo, Dawn, kaming mga lalaki ay may dalawang strategy kapag may gusto kaming babae. Una, sa pamamagitan ng pangungulit o pagpapatawa sa inyo. Obviously, I used that strategy to woo my Geri. Ikalawa, sa pamamagitan ng pagsusungit at pande-dedma and by doing it, siyempre maku-curious kayo at magtatanong. From there, everything will flow smoothly.”
“Sa tingin mo ganoong klaseng lalaki si Yuu?”
“I don’t know pero lalaki pa rin siya. Unlike what people say about him, hindi naman siya talaga masungit. Mas tamang sabihin na mahiyain siya at idinadaan sa pagsusungit ang feelings bilang defense mechanism. Hindi ba siya na rin ang nagsabi na socially awkward siya?”
“Pero brutally honest din siya. Kung may gusto siya sa akin –”
“Hindi lahat ng honest ay honest lalo na kapag tungkol sa feelings nila. I can be honest to everyone but it took me months before I could be honest to Geri about my feelings. Mahirap ‘yon dahil matatakot ka siyempre sa rejection,” kwento ni Gian. Alam niya ang love story ng dalawa dahil saksi siya roon. Dati ay nasasaktan siya kapag naiisip iyon pero ngayong nagkwento na naman si Gian ay wala siyang maramdamang sakit. Naisip niya tuloy na baka dahil sa naka-move on na siya. “Ano ang tingin mo kay Teacher Yuu?”
“Bugnutin.”
Tumawa ito. “Maliban doon. Gwapo naman siguro siya sa standards mo dahil sa standards ni Geri ay gwapo ang taong iyon. Siyempre mas gwapo ako.”
“Aanhin ko ang gwapo kung siraulo?”
“Alam mo Dawn, gaya ninyo ay may topak din kami pero hindi gaya ninyo, mas madali kaming intindihin basta ba tanungin niyo lang kami. Kung may gusto ‘yon sa’yo, malamang na maasar ‘yon kapag nakita kang may kasamang ibang lalaki kahit kaibigan mo pa. Baka nga sa akin ‘yon naaasar eh,” sabi ni Gian saka tumawa habang napaisip siya nang maalala ang huli nilang pag-uusap ni Yuu na nasali nga si Gian sa usapan. Hindi na lamang niya iyon binanggit sa kausap pero dahil doon ay nagkahinala siya na iyon nga ang dahilan. Mas lalo siyang nainis sa sitwasyon pero may parte rin ng isip niya ang medyo kinilig sa ideya na nagseselos ang lalaki.
“Naku, kung saang lupalop na yata nakarating ang imagination mo,” ngumisi si Gian.
“Sinusubukan kong isipin kung ano ang iniisip ng taong iyon.”
“Tanungin mo na lang agad para matahimik ka na pati na rin siya. ‘Wag niya kamo akong pagselosan tapos ligawan ka niya nang pormal para pareho kayong tumino.”
“Hindi nga tayo sigurado kung tama ang hinala natin eh.”
“Pustahan tayo, tama ang hinala ko.”
“Bad ang pustahan, Daddy,” sabi ni Celestine sa ama.
“Hindi naman totoong pustahan ang pinag-uusapan namin, Baby Girl.”
“Si Teacher Yuu ang pinag-uusapan nila,” sabi naman ni Knight.
“Knight, Celestine, ‘wag niyong sasabihin sa iba ang pinag-usapan namin ha?” aniya sa dalawang bata. “Secret lang ‘yon kasi ‘di pa sure.”
“Na may gusto si Teacher Yuu sa’yo?” paniniyak ng pamangkin. “Hindi kayo bagay,” dagdag ni Knight na ikinatawa ni Gian kaya nasipa niya sa paa ang kaibigan.
“May crush ka po kay Teacher Yuu, Tita Dawn?” tanong ni Celestine.
“Wala!” deny niya.
“Defensive,” tukso ni Gian. “Mga bata, hanggang hindi pa tayo sigurado kung may crush ba ang teacher niyo kay Tita Dawn, hindi natin pwedeng sabihin ang pinag-usapan natin dito kahit kanino kasi mapapahiya si Tita Dawn. Secret na muna natin ‘to. Okay?”
“Okay,” panabay na sagot ng dalawang bata.
SIYA MISMO ang nagpresenta na sumundo kay Knight sa araw na iyon dahil hindi siya pinatulog ng pag-iisip tungkol sa ugali ni Yuu. Akala kasi talaga niya ay magiging magkaibigan na sila pero daig pa ng lalaki ang babaeng may period dahil sa pagiging moody. Assuming na siguro siyang masyado dahil sa hinala siya pero mas gusto niyang maliwanagan kesa ang manghula sa totoong rason kung bakit ganoon ang ikinilos ng guro. Nadismaya nga lang siya nang malaman na nag-absent ito at ang teacher sa umaga ang siyang nag-substitute sa guro. Sabi ng teacher ay may emergency raw na pinuntahan si Yuu kaya hindi nakapasok.
Nang gabing iyon habang nanonood ng balita sa TV ay saka niya nalaman kung ano ang emergency na pinuntahan ni Yuu dahil naging headlines ang aksidenteng kinasangkutan ng nakababata nitong kapatid na ngayon ay nasa ospital pa. Gusto niya sanang mangumusta rito since may number naman ang ate niya ng teacher pero nagdalawang-isip siya dahil baka imbis na makatulong ay makasagabal siya rito lalo pa’t siguradong ang kapatid nito ang inaalala. Sa huli ay nagdesisyon siyang kumustahin na lamang ito kapag nagkita sila sa school.
Pero hindi nangyari ang plano niya dahil dumaan pa ang dalawang araw ay hindi pumasok ang guro. Pati si Knight ay malungkot na dahil tatlong araw na nitong hindi nakikita ang teacher. Nang tanungin niya ang co-teacher nito ay saka niya nalaman na nag-sick leave ito kaya nag-alala na siya. Nang makauwi ang ate niya ay hiningi niya rito ang number ni Yuu at agad na tinawagan ang lalaki. Naka-ilang ring muna ang phone bago may sumagot.
“Hello? Sino ‘to?” isang groggy na boses ang sumagot.
“Ikaw ba ‘yan, Yuu?”
“Sino ‘to?” mahina nitong tanong.
“Si Dawn ito. Okay ka lang?” tanong niya.
“Yeah,” sagot nito pero halatang hindi ito okay.
Dahil inatake siya ng pag-aalala sa kalagayan nito ay nagdesisyon siya agad. “Saan ka ba nakatira?” tanong niya saka tumingin sa ate niyang nagluluto ng hapunan nila. Nakatingin din si Danica sa kanya at tumango. “You don’t sound okay to me.”
“Ayokong abalahin ka.”
“Hindi mo ako naaabala.”
“Auntie, si Teacher po ba ‘yan?” tanong ni Knight habang palapit sa kanya.
“Nag-aalala sa’yo ang mga estudyante mo dahil tatlong araw ka na nilang hindi nakikita,” aniya saka ibinigay kay Knight ang phone.
“Teacher, kumusta ka na po?” tanong ng bata. “Teacher, pagaling ka po para makita ka namin ulit. Nami-miss ka na namin ni Tin-tin,” sabi ng pamangkin niya. Ilang saglit pa ay ibinigay ni Knight sa kanya ang cellphone.
“Saan ka nakatira?” tanong niya sa guro na agad nagsabi ng address. Good thing malapit iyon sa subdivision nila kaya ilang sandali pa ay lumabas na siya ng bahay. Dala ang pagkaing ipinadala ng ate niya ay sumakay siya sa kanyang bisekleta at pinuntahan ang apartment building kung saan nakatira ang guro. Wala pang twenty minutes ay nasa harap na siya ng tirahan nito.
Nakatatlong katok na siya nang may bumukas ng pinto. Natigilan si Dawn nang makita si Yuu na halatang nanghihina at nanlalalim ang mga mata. Walang salita siya nitong pinagbuksan ng pinto at pinapasok. Ibinaba niya sa mesa ang dalang pagkain saka lumapit sa lalaki at dinama ang noo at leeg nito. Mainit pa ito.
“Nakainom ka na ba ng gamot?” tanong niya at umiling ito. “Kumain ka muna,” sabi niya. Sanay siya na nakikipag-agrumento rito kaya nanibago siya habang tinitingnan ito na nanghihina. Pinaupo niya ito at hinainan ng pagkaing dala. Tahimik itong kumain at kahit iyon ang unang beses na nakapunta siya sa bahay nito, kinapalan na niya ang mukha at nagkusang pumasok sa kwarto nito at kinuha ang gamot. Hindi naman ito umangal at nagpatuloy na kumain.
Konti lang ang kinain ni Yuu at pinainom na niya ito ng gamot saka inalalayan pabalik sa kwarto nito. Tinulungan niya rin itong magbihis ng t-shirt na basang-basa ng pawis. She took his temperature and took note of it.
“Kapag hindi pa rin bumaba ang lagnat mo hanggang bukas, pupunta na tayo ng ospital,” sabi niya kay Yuu pero umiling ito.
“I’m a little better than yesterday. Kailangan ko lang ng pahinga,” sagot ni Yuu saka pumikit. “Pasensya ka na at naabala kita. Nag-alala ka pa tuloy pati na sina Danica at Knight.”
“Nami-miss ka na ng mga bata.”
Tipid itong ngumiti. “Nami-miss ko na rin sila,” mahina nitong sagot at ilang saglit pa ay hindi na ito nagsalita. Narinig niya ang mahina nitong paghilik tanda na nakatulog na ito. Inayos niya ang kumot nag-text sa ate niya tungkol sa kalagayan ni Yuu. Nang mag-desisyon siyang manatili muna roon upang i-monitor ang lalaki ay hindi siya nito pinigilan. Sinabihan din siya nitong mag-update sa lagay ng guro.
Bumalik siya sa kusina para iligpit ang pinagkainan ni Yuu. Matapos iyon ay saka niya napagtuunan ng pansin ang bahay ng guro. Wala itong ibang kasama sa bahay pero in fairness, maayos at malinis ang sala at kusina, halatang parating nililinis. Naisip niyang merong binabayaran na tagalinis si Yuu pero posible ring wala at talagang organize itong tao. Simple lang din ang ayos ng bahay at simple ang mga gamit. May TV sa sala, may DVD player at tiningnan niya ang mga choice of movies nito kaya napantanto niyang mahilig ito sa historical at war movies. May mga magazine sa ilalim ng center table at mga fitness magazines iyon. Wala siyang nakitang pictures na nakasabit sa dingding. In fact, walang decoration sa mga pader.
Lahat din halos ng personal na bagay ay tig-iisa lang gaya ng isang pares ng tsinelas, isang pares ng rubber shoes at isang pares ng black shoes na siyang ginagamit nito kapag nagtuturo sa elementary school. In short, wala talaga itong kasama sa bahay.
Nang bumalik siya sa kwarto ni Yuu ay tulog pa ang lalaki kaya inabala niya ang sarili sa pagtingin sa mga gamit doon. Hindi kalakihan ang kwarto ni Yuu at gaya ng sala ay konti lang
din ang mga gamit. Meron doong malaking book shelf na ang laman ay puro academic books at may isang set pa ng encyclopedia. Nakita niya ang mga thesis na ginawa nito at pakiramdam niya ay sumakit ang ulo niya nang saglit lalo na nang makita ang thesis nito sa doctoral. Gaya ng halos lahat ng gamit na naroon, maayos na naka-arrange ang shelf.
Ang working table naman nito ay maayos din. Naroon ang mga textbook na gamit nito sa pagtuturo, laptop, cellphone at pen holder na ang laman ay tatlong klaseng ballpen; black, blue and red. Meron ding highlighter, mechanical pencil at pentel pen. Naroon din ang class record nito pati na ang iba pang forms. Sa tabi ng mesa ay may isang maliit na cabinet na ang nakalagay ay iba’t ibang school supplies na sigurado siyang ginagamit nito sa paggawa ng mga visual aid.
Napangiti si Dawn nang makita ang isang picture na naka-pin sa mini bulletin board nito. Picture iyon ng guro kasama ang kasalukuyan nitong klase sa kindergarten. Nang tingnan naman niya ang cellphone ng lalaki, ang screensaver nito ay selfie nito kasama ang ilan sa mga estudyante nito at kasama roon sina Knight at Celestine.
“Mukhang wala talaga siyang ibang buhay kundi ang pagtuturo.”
Akala niya ay may password ang cellphone kaya nagulat siya nang mabuksan niya iyon at mas nagulat siya nang makita ang wallpaper nito.
“Weh?” bulalas niya nang makitang picture niya ang naroon. It was a stolen shot taken while sipping milktea. Panakaw pala siya nitong kinunan ng litrato habang magkasama sila once upon a weekend! Tiningnan niya si Yuu na natutulog pa rin at bigla siyang kinabahan na kinilig sa ideya na tama si Gian ng hinala. Na may gusto ang bugnuting teacher sa kanya!
![](https://img.wattpad.com/cover/240946905-288-k330073.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall For Yuu
RomansaAsar na asar si Dawn sa teacher ng kanyang pamangkin kaya hanggang maaari ay iniiwasan niya ang bugnuting lalaki kapag sinusundo niya ang bata mula sa school. Para sa kanya ay may attitude ang guro dahil maliban sa mga estudyante ay wala na itong ib...