Chapter Nine

104 9 10
                                        

TUWANG-TUWA si Gian nang ikwento niya rito ang pagnanais ni Yuu na ligawan siya. Sabay silang nag-lunch at nakisabay din sa kanila si Geri at gaya ng boyfriend nito, tuwang-tuwa ito sa balita at kinikilig pa.

"Nanalo ako sa pustahan natin," sabi pa ni Gian. "Sabi ko na nga ba eh!"

"Ano ang sinabi mo sa kanya?" usisa ni Geri.

"Wala nga akong halos nasabi eh. Hindi naman niya ako pinilit na magsalita. Naghiwalay kami kahapon na okay naman," sagot niya.

"Sigurado ka? Baka dahil hindi ka nagsalita ay iba na naman ang isipin niya," ani Gian.

"Ano na naman ang iisipin niya? Gano'n ba talaga kayong mga lalaki?" naaasar niyang tanong na ikinatawa ni Gian.

"Baka kasi isipin niya na wala siyang pag-asa agad dahil hindi ka nagsalita."

"Hindi ba pwedeng isipin niya na nag-iisip pa ako?"

"Dapat 'yon ang sinabi mo."

"Na-speechless nga ako eh! Bigla ba namang naiba ang topic ng usapan namin," aniya na naalala na naman ang sinabi ni Yuu saka bumuntong-hininga.

"Ano ba ang nararamdaman mo sa kanya?" tanong ni Geri. "May naramdaman ka ba nang magtapat siya sa'yo?" dagdag nito and it took her few seconds to nod.

"Dalaga na ang kaibigan ko," proud na sabi ni Gian na halatang nagloloko.

"Sapakin kita riyan eh."

"Hindi ka namin ipi-pressure na sagutin siya agad. Take your time, Dawn. Bigyan mo siya ng chance na manligaw dahil sa ganoong paraan mo malalaman kung ano ba talaga ang

dapat mong gawin," payo ni Geri.

"Ay ewan!" naiinis niyang sabi pero nang maalala niya ang mukha ni Yuu ay bigla siyang inatake ng kilig. "Napaka-unpredictable talaga ng taong iyon."

"Kinikilig ka naman," tukso ni Gian at nasapak na niya ito sa balikat.

Nang sabihin niya rin ang bagay na 'yon sa Ate Danica niya ay wala siyang narinig na pagtutol bagkus ay parang tuwang-tuwa pa ito na nagtapat si Yuu sa kanya. Si Knight ang parang hindi sang-ayon sa kanya para sa teacher nito.

"NA-DISMAYA ka ba dahil ako ang sumundo kay Knight at hindi ang kapatid ko?" nakangising tanong ni Danica kay Yuu nang dumating ang babae upang sunduin ang anak.

"Konti."

Tumawa ang babae. "Hanggang ngayon talaga Eugenio ay brutal 'yang bibig mo."

"Kanina ka pa hinihintay ni Knight."

"Talaga ba? Mukhang busy pa naman siya," sabi ni Danica patungkol sa anak na abala sa pagliligpit ng mga laruang iniwan ng mga kaklase na nagkalat sa sahig. "Sabi ni Knight, hindi raw bagay sa'yo ang Auntie Dawn niya."

"Bakit daw?"

"Dahil alam ng anak ko na shunga ang auntie niya at under qualified na maging girlfriend ng kanyang favorite teacher," sagot ni Danica saka tumawa na naman.

"'Yon din ba ang tingin mo?"

Umiling ang babae. "My sister is the sweetest lady I've known at kung maging kayo nga, humanda kang makulitan sa pagiging clingy niya. 'Yon ang ginawang dahilan ng walang hiya niyang ex upang hiwalayan siya pero alam ko na kung totoong mahal ng lalaki ang kapatid ko, imbis na mainis ay matutuwa siya sa pagiging sweet ni Dawn."

"I don't mind her being clingy. I find it endearing instead."

"Mukhang gusto mo nga siya. Kailan mo siya unang nagustuhan, Eugene?" usisa ni Danica. Ilang segundong natigilan ang binata nang maalala ang unang beses na nakita niya si Dawn. "Was it during our graduation?"

Fall For YuuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon