Bawat hagod ng brush sa aking canvass ay siya ring hagod ko ng tingin sa babaeng hubo’t hubad sa aking harapan. Every part of her feminine was totally insane. At ang babae ay tila nananadya sa pang-aakit sa kanya. Bahagya pa nitong kinagat ang pang ibabang labi at mas lalong pina-pungay ang mga mata. “Oh, come on babe lay there proper, kailangan na natin itong tapusin.” Tumigil siya sa ginagawa at kinindatan ang kaibigan. Ito ang napili niyang ipinta sa nude portrait auction na gaganapin sa susunod na buwan, kung saan ang tatanghaling may pinakamalaking naibenta ay tatanghaling isa sa pinakamagaling sa industriya ng pagpipinta, and he want the title so badly. Mataas ang kanyang ambisyon sa napiling larangan. Nais niyang ihanay sa mga tanyag na pintor sa buong mundo. “Mamaya na yan.” Nagsimula itong humakbang papalapit sa kanya. Wala siyang nagawa ng umupo ang babae sa kanyang kandungan. Anupa nga ba ang magagawa niya ika nga palay na ang lumalapit sa manok. Isang modelo ito at tulad niya ay wala rin sa bukabularyo ang mag seryoso kung ang pag bubuo ng sariling pamilya ang pag-uusapan. “Get dress saka ko na lang itutuloy ang portrait mo may pupuntahan pa ako.” Umismid ito sa kanyang sinabi. “Kahit na minsan di mo man lang ipinag papaliban yang hilig mo.” Hinapit niya ito sa bewang at kinitalan ng halik sa pisngi. “It was part of my job.” Bukod sa pagiging pintor ay isa rin siyang photographer, at dahil mabusisi ang ganoong Gawain ay kung saan saan siya napapadpad para mag hanap ng magandang subject na maaari pa niyang ipinta. “Where is your next location?” tanong nito. “Hindi ko pa alam, pero gusto kong sa isla maghanap ng magandang subjects.” “I swear hindi lang subjects ang mahahanap mo doon, siguradong hindi ka uuwi na walang nakakatalik sa isang lugar.” “That was isolated island, I swear walang magagandang babae roon at kung meron man I bet hindi ko iyon type.” Kinindatan niya ito saka nagbihis at umalis.
“Yumi, may mga estrangherong nang-gugulo sa pantalan natin!” napakunot ang kanyang noo sa sinabi ng humihingal na si Bitoy. “Paanong natunton nila ang tagong isla na ito?” Naikuyom niya ang mga kamao, tiyak na nakarating na sa ibang mga tao sa labas ang itinatagong ganda ng kanilang paraiso. Minsan na kasing may naligaw sa kanilang isla at ng makauwi siguro ay ipinamalita nito kung gaano kaganda ang kanilang isla. “Pupuntahan ko sila Bitoy!” “Ngunit yumi, marami-rami sila at malalaking tao.” Nag aalalang paalala ng batang igorot. “Wala akong pakialam, kailangang mapaalis natin sila bago pa nila pag interesan ang islang ito!” Malaki ang pagma malasakit niya sa mga tao sa islang iyon.
Napamura si Nick ng makitang papalapit sa sinasakyan niyang mini yatch ang mga bandidong grupo. Napakaluma na ng bangakang de-motor na sinasakyan ng mga ito. Nag nining-ning ang mga mata ng mga ito na tila nakakita ng ginto. Nais man niyang paharurutin ang sinasakyan palayo ngunit huli na, natutukan na siya ng baril ng isa sa mga bandido, iyon marahil ang pinuno. “Huwag kang mag-kakamali kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!” Itinaas niya ang mga kamay tanda ng pagsuko. Mabilis namang nagsipagtalunan ang iba pa patungo sa kanyang yate. “Ayos boss bigtime ang nadale natin ngayon.” Narinig niyang wika ng mukhang pinakabata sa grupo.”Tumahimik ka goryong! Ikaw Ditos ang magmaneho ng yate!” Bulyaw nito sa isang kasama, ngayon ay nakatali na ang kanyang mga kamay at paa ng mahigpit. Mahina siyang napamura sa dami ng lugar na napuntahan niya dito pa siya minalas. Pinagmasdan niya ang limang bandido sa tantiya niya ay ang pinakapinuno lang ng mga ito ang may matinong pag-iisip. At iyon ang dapat niyang pagtuunan ng pansin kung paano niya malalansi ang isang ito. “Naku boss hindi ko ho alam kung paano paandarin iyan, kita mo ng kahit grade one hindi ko natapos sa sobrang kabobohan ko daw sabi ng masungit kong teacher noon.” “lintik! Bakit magsusulat ka ba sa pagmamaneho?” Bulyaw ng pinunong bandido sa kasamahan. “Ikaw goryong kaya mo?” “Mukhang kaya ko naman boss, madali lang yan parang pick-up lang yan na ninakaw ko noon ki tandang Isong. Yon nga lang nabangga ako sa niyugan,hindi ko alam kung asan ang preno muntik pa kong mamatay.” Mahabang paliwanag nito. “Mga tanga kayong lahat!” Galit na sigaw nito sa mga tauhan. “Pakawalan niyo ko, akong magmamaneho kahit saan nyo pa gustong pumunta…” Tumahimik ka, hindi ako tanga para maniwala sayo, pareho-pareho kayong mayayaman mga walang isang salita!” Bulyaw nito sa kanya. “Kayong magkambal, huwag nyong sasabihing hindi kayo marunong malilintikan kayo sakin!” “ Kaya namin boss!” Tila nanginginig pang sagot ng dalawa matangkad ang mga ito ngunit mga patpatin, halatang bagito pa ang mga ito at bagong recruit lamang sa pagiging bandido. Magkasamang minaniobra ng dalawa ang kanyang yate, napakabilis niyon na halos lumipad na sila, napailing siya alam na niya ang kahahantungan nila, nag sisinungaling lamang ang dalawa at wala ring alam ang mga ito sa pag maniobra ng yate. “Boss walang preno!” Nagkagulo ang lima sa sigaw na iyon. Habang siya ay pinagmamasdan lamang ang mga ito. “Hoy! Ikaw gawan mo to ng paraan kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo!” Tila nakaramdam na rin ng takot ang pinuno ng mga bandido. “Ano pang silbi mamamatay na lang naman tayong lahat.” Susugurin sana siya nito ng biglang sumadsad ng malakas ang kanyang yate sa dalampasigan. Maging siya ay nabigla ng tumilapon ang kanyang katawan sa dalampasigan, napaubo siya ng makalanghap ng pinung butil ng buhangin bagama’t lihim na nagpapasalamat at sa buhangin siya bumagsak at hindi sa tubig. Wasak ang kanyang yate maliit lamang iyon at may kalumaan na rin. Pinilit niyang gumapang palayo sa mga bandidong nag kakagulo, ng biglang may sumigaw ng malakas.
“Mga lapastangan!” Malakas niyang sigaw para marinig ng mga ito, ang mga piraso ng yateng nawasak ay unti-unti ng hinihila ng alon pailalim. Kung ganoon nadisgrasya lamang ang mga ito kaya napadpad sa kanilang isla. Sabay sabay na napalingon ang mga ito sa kanya kabilang ang lalaking nakatali na tila bihag ng mga bandido. “Umalis na kayo sa islang ito kung ayaw nyong masaktan!” sigaw niya sa mga estranghero. “Hindi mo ba nakitang nawasak ang sinasakyan namin paano kami makakaalis?” Sagot sa kanya ng bandidong tila pinakabata sa grupo. “Kung kinakailangang lumangoy kayo paalis gawin ninyo, hindi kami tumatanggap ng estranghero at bisita rito!” malakas niyang sabi rito. “Matapang kang babae ka, Ditos ikaw ng bahala sa babaeng iyan bigyan mo ng leksyon!” Hindi siya natinag sa sinabi ng lalaki, tila nakabawi na ng lakas ang lalaking inutusan nito. Patakbo itong sumugod sa kanya gamit ang isang patpat, iwinasiwas nito iyon ngunit mabilis siyang nakailag, kasabay ng malakas na pag sipa niya sa dibdib nito, sumuka ito ng dugo at nawalan ng malay. Tila naman namangha ng palihim ang lahat. Naging alerto siya ng sabay sabay na sumugod ang tatlong bandido sa kanya, mabilis niyang sinipa ang buhangin papalapit sa dilat na mga mata ng tatlong bandido, nagsisigaw ang mga ito ng mapasukan ng buhangin ang mga mata. Mabilis niyang binigyan ng tig-iisang suntok ang tatlong sabay sabay na bumagsak sa buhanginan. “Bitoy talian mo ang mga iyan ng may pakinabang sila sa mga pating!” Huling sumugod ang tila pinuno ng mga bandido, tinutukan siya nito ng baril. Napangiti siya ng makitang nanginginig ang mga kamay nito. “Bakit hindi mo pa ipinuputok pag kakataon mo na!” Nakangising wika niya sa lalaki. Batid niyang hindi totoong baril ang hawak nito. Binitiwan nito ang baril at lumuhod na lamang, mukhang wala ng balak na makipag laban katulad ng ginawa ng mga kasama nito, nagtataka man ay iginapos pa rin niya ang mga kamay nito. “Bitoy dalhin natin sila sa loob ng isla.” Tumanago ang binatilyong igorot.
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...