Banayad na inililipad ng hangin ang mahabang buhok ni Mayumi. Naroon siya sa isla at tahimik na pinag mamasdan ang napakalawak na karagatan. Naroon siya para maka pag isip-isip. Muli sa maraming pag kakataon ay inintindi siya ni Tim. Pinagbigyan siya nito sa nais niyang gawin. Ang kanyang mga anak ay iniwan muna niyang saglit sa pangangalaga ng mga magulang. Hindi naman siya magtatagal sa isla, nais lamang niyang makitang muli ang mga tao sa tribo at pag-isipan ang lahat. “Naiisip mo pa rin ba siya?” Napalingon siya sa nag salitang si bitoy. Hanggang ngayon ay hindi nito gusto ang gobernador para sa kanya. At hindi niya ito masisisi si Tim ang naging dahilan kung bakit ito naulila sa mga magulang. Napapikit siya. Kung muli niyang iisipin ang kalupitang nagawa ni Tim noon ay mas lalong napapalayo ang loob niya sa gobernador, iyon marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngyon ay hindi niya lubusang matutunang mahalin ito. Naging malupit ito sa mga igorot, ngunit sino siya para hindi mag patawad. Tila naman pinag sisihan na nito ang mga nagawang kalupitan noon. “Naiisip ko pa rin sya bitoy.” Pag-amin niya rito. “Paano kung bumalik sya Mayumi at magpaliwanag kung bakit hindi sya nakabalik noon, pakikinggan mo ba sya?” napatingin siya rito malaki ang pag kakagusto ni bitoy kay nick bilang kaibigan. Hindi niya ito masisisi napakabait ng binata sa mga igorot. “Ayoko ng muling umasa bitoy, tama na ang minsang umasa ako noon na babalik sya at tutulungan tayo.” Muli niyang ibinalik ang tingin sa karagatan. “Nakita ko si Nick. Bumalik sya Mayumi.” Nabigla siya sa sinabi nito. “Tumigil ka na bitoy. Kung bumalik sya sana noon pa, limang taon halos pero wala ni anino nya.” Hindi niya napigilang sabihin iyon rito. Hindi rin niya napigilan ang mga luhang unti-unting nag uunahan sa pag patak. “Pero maniwala ka Mayumi…” “Gusto kong mapag isa bitoy…” Putol niya sa iba pang nais sabihin nito. Naintindihan naman siya nito at malungkot na umalis.
“Patawarin mo ako Mayumi.” Napasinghap siya ng marinig ang tinig na iyon kailan man ay hinding hindi niya makakalimutan kung sino ang nag mamay-ari niyon. Mabilis siyang humarap dito at mas lalong lumakas ang kanyang pag hikbi ng masilayan itong muli sa nakalipas na maraming taon. He was so masculine from head to toe. Nanghina ang mga tuhod niya ng abutin nito ang kanyang mga kamay. At sa hilam na mga mata ay hindi niya napigilan ang sarili. Mahigpit niya itong yinakap. Maya-maya ay kumalas siya sa pag kakayakap rito at pinag susuntok ang dibdib nito. Hinayaan lamang siya nitong gawin iyon hanggang sa mahimasmasan siya. “alam kong hindi mo obligasyon na tulungan kami…pero nangako ka at umasa kami nick…” Hindi niya napigilang isumbat iyon sa binata. Hindi pa rin matigil tigil ang pag patak ng kanyang mga luha. How she miss him so badly. “Hayaan mo akong mag paliwanag Mayumi.” Mataman siyang nakinig ng ikwento nito na hindi ito nakabalik sa oras sapagkat kailangan ito ng ina. Inutusan na lamang daw nito ang tauhan para ipaabot sa kanya ang pera at liham. Hindi siya makapaniwala ng ikwento nito ang nasaksihan ng inutusan nitong tauhan na mayroon raw mga laboratoryo ng shabu ang yate ni Tim. Napailing-iling siya. “Maniwala ka Mayumi…nanganganib kayo sa kamay ng gobernador na iyon.” “Wala kang sapat na ebidensya para siraan si Tim.” Halos limang taon itong hindi nag pakita at ng bumalik ay purong paninira pa ang dala. “Bumalik ka bang muli para guluhin ang tahimik na naming buhay. Hindi ka pa ba nakuntento!?” Nanlumo ito sa kanyang mga sinabi. “Nag sasabi ako ng totoo Mayumi, ang mga bandido alam nila ang lahat, kailangan mo silang maka-usap.” Muli nitong hinawakan ang kanyang kamay ngunit ipiniksi niya iyon. “Kailangan ko ng umalis.” Pinunasan niya ang mga luha bago ito tinalikuran. “Bakit ka umalis sa condo ng walang paalam Mayumi? Gusto kong marinig ang totoong sagot mo hindi ang liham na iniwan mo ng panahong iyon.” Napapikit siya sa sinabi nito. Para saan pa kung mag papaliwanag siya. Mag mumukha lamang siyang katawa tawa ng dahil sa nakita niyang kahalikan nito ang kasintahan nito matapos na may mangyari sa kanila ay bigla na lamang siyang umalis ng walang paalam. Wala itong kasalanan kusa siyang nag paubaya at ayaw na niyang muling pag usapan pa iyon. Naipaliwanag ko na sa liham na hindi ko kayang mag tagal sa syudad kaya umalis ako ng hindi nakaka pag paalam ng personal. Sagot niya rito habang nakatalikod. Hinding hindi niya aaminin rito na nakita niya itong kahalikan nito ang nobya na syang dahilan kung bakit linisan niya ang lugar nito. “Nakita mo ng halikan ako ni Ellaine.” Bumaling siya paharap sa sinabi nito. “Hindi ka nya hinalikan, naghalikan kayo!” Hindi niya napigilang isigaw iyon sa lalaki. “Ngunit karapatan ninyo iyon dahil magkasintahan kayo…” Napayuko siya sa sinabi. Napasinghap siya ng gagapin ni nick ang kanyang baba at igiya iyon upang mapatingala siya rito. “Nag kakamali ka ng akala Mayumi. Hindi ko kasintahan si Ellaine.” Nabigla siya sa sinabi nito. “Pero bakit kayo naghalikan?” “Hinalikan nya ako at wala akong ginawa kundi ang ilayo siya sa bahay dahil ayokong makita mo siya at mag selos ka na syang nangyari.” Ibinaling niya ang paningin sa ibang dereksyon. “Hindi ako nagseselos.” Nakita niya ng bahagyang ngumiti ang binata. “Ngunit kitang-kita ko sa mukha mo Mayumi.” Bahagya siyang lumayo sa binata. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito. “Lalo kang gumanda sa paglipas ng panahon.” Buong paghanga siya nitong hinagod ng tingin. Naramdaman niyang namula siya sa tinuran nito. “Bumalik ako hindi para guluhin ang masaya nyong pag sasama ng gobernador Mayumi, nais ko lamang na sabihin sayo ang natuklasan ng aking tauhan.” Napasinghap siya sa sinabi nito. Kailanman ay hindi niya maramdaman ang tunay na kahulugan ng kasiyahan sa piling ni Tim, ngunit ang siraan ang lalaki sa kanya ay hindi tama. “Wala kayong ebedensya sa mga paratang nyo sa kanya.” Malungkot siya nitong tinitigan. Naalala niya ang mga anak ng titigan ang gwapong mukha ng lalaki. Kamukhang kamukha ito ng kanyang anak na si Kiel. Karapatan nitong malaman ang totoo ngunit nag dadalawang isip siya. Si Tim na ang kinalakhang ama ng kanyang mga anak at sa murang edad ng mga ito ay malilito lamang ang mga ito kapag nalaman ang totoo. Ngunit karapatan din iyong malaman ni Nick. Napapikit siya sa naisip. Hindi pa iyon ang tamang pag kakataon para sabihin sa lalaki, iyon ay kung mag kikita pa silang muli.
Ipinangako ni Nick sa sarili na hinding-hindi uuwi ng syudad hangga’t wala siyang ebedensyang naipapakita kay Mayumi. Nag paalam siya sa ama na ilang araw niyang hindi maasikaso ang kumpanya. Pumayag naman ito dahil naroon na si Alfonso at tapos na ang bakasyon nito pagkatapos maikasal. Napag desisyunan niya na palihim na bantayan sina Mayumi. Sa ganoong bagay ay makabawi man lamang siya sa nagawang kasalanan dito. Ayon kay bitoy ay umasa at nag hintay si Mayumi sa kanyang pag babalik. Na hindi nangyari dahil sa mali niyang akala na kagagawan ng tusong gobernador. Naikuyom niya ang mga kamay ng mula sa malayo ay makita niyang kalalabas lamang ng gobernador sa kapitolyo. Inalalayan ito ng tauhan at ipinag bukas ng pintuan para makasakay ng kotse.
Sinundan niya ang kotseng kinalululanan nito. Ipinarada niya ang kotse sa malayo ng makitang tumigil ito sa isang luma ngunit malaking bahay. Mula sa kanyang teleskopyo ay nakita niya ng pagbuksan ito ng pintu ng isang may edad na babae. Hindi siya maaaring mag kamali nanay iyon ni Mayumi may pagkakahawig ang dalawa. Ngayon alam na niya ang bahay nina Mayumi hindi na siya mahihirapang hanapin iyon.
Nagsitakbuhan ang kanyang mga anak ng makitang paparating si Tim. Maraming bitbit na pasalubong ang lalaki para sa kanyang mga anak. “We miss you dad…” Narinig niyang sabi ni Yasmien. Bigla niyang naalala si Nick at hindi siya mapalagay. “I miss you too sweetheart.” Yinakap nito at hinalikan sa pisngi ang dalawa niyang anak. Napapikit siya sa nakitang tagpo. Paano kaya kung si Nick ang naroon, tiyak na lubos na ang kanyang kaligayahan kung ang lalaki ang naroon at tinatawag na daddy ng kanyang mga anak. “ are you ok Mayumi?” Napatingin siya rito at mabilis na tumango. “Ipaghanda kita ng maiinom.” Paalam niya rito at tinungo ang kusina.
“Dad, when are you coming back here again to play with us?” Tanong ni Yasmien ng mag paalam na ang lalaki para umalis. “I will be back soon sweetheart. May aayusin lang si daddy. Kiel take care your Princess while im gone ok?” Masuyo nitong ginulo ang buhok ni Kiel. “I will dad.” “That’s my boy.” Nginitian siya nito bago umalis at lumulan sa kotse.
Kinagabihan ay halos hindi dalawin ng antok si Mayumi. Hindi siya mapalagay. Maaaring naka alis na ng isla si Nick at ipinag kait niya rito ang katotohanang nag bunga ang minsang pinag saluhan nila noon. Halos mag uumaga ng ng makatulog siya kaya tanghali na siya nagising. Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang malakas na tinig ng kanyang ina na tila may pina pagalitan. “Ano ka ba naman luming bakit mo hinayaang makalabas ang bata ng hindi namamalayan!” Sukat sa narinig sa sinabi ng Ina ay patakbo siyang bumaba ng hagdan. “Ma anong nangyari nasaan ang mga bata?” Kinakabahang tanong niya. “Hinahanap na ng Papa mo Mayumi at ng Driver natin, hindi ko pa ipinaalam kay Tim at baka bigla iyong sumugod rito may importante iyong meeting ngayon.” Mahabang paliwanag ng kanyang ina na hindi na mapalagay. “Pasensya na po maam mayumi, hindi ko naisara ang gate noong tumapon ako ng basura hindi ko namalayan na nakalabas na pala ang mga bata.” Nakayukong paumanhin nito. Mabilis siyang lumabas at tinawag ang pangalan ng mga anak. Malayo ang agwat ng mga bahay sa kanilang subdibisyon at hindi ito pwedeng makalabas ng hindi dumadaan sa gate kung saan mahigpit na nakabantay ang mga gwardya. Imposibleng hindi nakita ng mga ito na lumabas ang mga anak niya.
“Stop crying na Nicholas…” Lalo siyang napapikit ng punasan ng maliliit na kamay nito ang kanyang mga luha. Ang batang lalaki na kamukhang kamukha niya ay mataman lamang na naka titig sa kanya. Tila nalilito rin kung bakit mag kahawig silang dalawa. “I told you Kiel you and my friend Nicholas are really look more a lot.” Inosenting sabi nito sa kapatid. Hinaplos niya ang mukha ng batang lalaki. Anak ito ni mayumi anak nila ni mayumi dahil kamukhang kamukha niya ang bata. “We need to go home.” Malamig na sabi nito sa kanya. “Ihahatid ko na kayo.” Desperado na siya umupa siya ng apartment sa loob ng subdibisyon nina Mayumi. Papunta sana siya sa bayan para bumili ng kakailanganin ng makita niya ang dalawang bata na tumatakbo. Naka damit pantulog pa ang dalawa masayang masayang nag hahabulan na tila mga ibon na nakalaya sa hawla. Natigilan siya ng makita ang batang babae. Nakilala niya ito agad. Ito ang batang nakita niya sa isla na mag-isang naglalaro na napag-alaman niyang anak ni Mayumi. Ngunit ang mas lalong nag pagimbal sa kanya ay ng makita ng malapitan ang batang lalaki na tumatakbo palapit sa batang babae na papalapit naman sa kanya.
Alalang-alala na si Mayumi. Ayon sa gwardya na napag tanungan ng papa niya ay wala naman daw dumaan na mga bata roon. Cheneck din ng mga ito ang cctv ngunit sa kasamaang palad ay hindi nahagip ng camera ang mga anak niya kung saan papunta. Mahigpit niyang sinabi sa magulang na huwag munang ipaalam kay Tim at baka nasa mga kapit-bahay lamang ang kanyang mga anak na siyang inisa-isa namang pinag tanungan ni luming.
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...