Huminto muna si Nick sa isang malaking tindahan para bumili ng mga pagkain at laruan para ibigay sa mga anak. Nginitian niya ang tindera ng mailagay na nito ang lahat ng pinamili niya sa isang malaking paper bag. Napangiti siya ng makitang pulang-pula ang mukha nito. Walang makakapantay kay Mayumi para sa kanya. Mas lalong nagiging kaakit-akit si Mayumi kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya at bigla na lamang mamumula na mala rosas ang buong mukha nito. Nagpasalamat siya sa tindera bago umalis. Ilinagay niya ang mga pinamili sa likod ng kanyang upuan saka naman tinungo ang kaisa-isang flower shop sa lalawigang iyon. Mabuti na lamang at kahit maaga pa ay bukas na ang mga tindahan roon. Umibis siya sa sasakyan at maingat na kinuha at inamoy ang pulang rosas na maayos at magandang nakabudbod sa eleganteng lalagyan. “Kukunin ko ho ito.” Nakangiting agaw niya ng atensyon sa may edad ng babaeng bantay sa tindahang iyon. “Naku iho! Napakagaling mong pumili. Tiyak na magugustuhan iyan ng asawa mo.” Napangiti siya sa sinabi nito. Pagkabayad ay pumasok na siya sa sasakyan at maingat na ipinatong ang bulaklak sa katabing upuan. Pasulyap-sulyap pa siya sa mga pinamili habang patuloy sa pag mamaneho.
Gising na ang mga bata at tila inaantay talaga ng kanyang pagdating nagsitakbuhan ang mga ito ng makita siya. Maingat niyang ilinapag sa mesa ang mga dala at masayang binuhat ang mga anak. Ginawaran niya ang mga ito ng halik sa noo at pisngi. “How is your sleep kids?” nakangiting tanong niya sa mga anak. “We sleep good dad, but I got a dream last night.” Binaba niya ang mga anak at ipinaupo ang mga ito sa mga hita niya. “What is your dream last night baby?” Tanong niya kay Yasmien. Humagikhik ito na tila tuwang-tuwa sa napanaginipan. “I saw mommy and you dad kissing together.” Napangiti siya sa sinabi ng anak. “How about you Kiel?” Kumibit balikat ito sa tanong niya. “I forgot what is my dreams last night dad.” Hinaplos niya ang buhok nito. “I brought something for both of you.” Excited niyang kinuha ang mga laruan at ibinigay ang mga iyon sa mga anak. Kahit sagana na ang mga ito sa laruan ay masayang-masaya pa rin ang mga ito ng makita ang mga iyon. “Do you want to eat kids?” Sabay na umiling ang dalawa. “Mommy just gave us milk before she leave.” Natigilan siya sa sinabi ng anak na si Kiel. Ang buong akala niya ay naroon si Mayumi at mahimbing pang natutulog. “Naku Nick, hindi mo na naabutan si Mayumi nagmamadaling umalis. Hinayaan na namin at mukhang may importante silang pag-uusapan ni Tim.” Iniabot niya sa ina ni Mayumi ang mga pagkaing pinamili. “Naku, paborito itong lahat ni Mayumi, sanadali at ipaiinit ko lamang kay luming para makapag-agahan ka muna.” “Aalis din po ako kaagad. Kayo na po muna ang bahala sa mga bata.” Mabilis siyang nag paalam sa mga anak. Ayaw man niyang iwan ang mga ito kaagad ay nag-aalala siya kung baka saan na dinala ng gobernador si Mayumi. Paranoid na kung paranoid basta masiguro lang niyang ligtas ang minamahal. “Come back soon dad, we want to play with you.” “I will be back as soon as possible kids together with mommy.” Hinalikan niya ang mga anak bago umalis.
Kung kanina ay masayang-masaya siya ngayon ay kinakabahan siya habang mabilis at maingat na minamaneho ang sasakyan. Ayon kina Arman ay ang yate lamang ang ruta ng gobernador. Iyon ang nasisiguro ng mga ito sa mahabang panahong pagmaman-man ng mga ito sa gobernador. Tinawagan niya si Mariano nakahinga siya ng malalim ng mabilis nitong sagutin ang telepono. “ Napansin nyo ba ang gobernador at si Mayumi sa isa sa mga yate sa pantalan?” Mabilis niyang tanong dito. “Wala boss, katulad kahapon ay ang mga tauhan pa rin ng gobernador ang nakita naming labas-masok sa yate.” Sagot naman nito sa kanya. “Manmanan nyo ng maigi Mariano. Kasama ng gobernador si Mayumi at baka isa sa mga malinis nitong yate dalhin si Mayumi.” Paliwanag niya rito. “Kami ang bahala boss.” Ibinaba na niya ang telepono matapos makipag-usap rito. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao ng maalalang ni hindi man lang niya nakuha ang numero ni Mayumi. Disin sana ay natawagan niya ito ng mga sandaling iyon.
Kinaumagahan ay nakatanggap si Mayumi ng mensahe galing kay Tim. Nais siya nitong makita at maka-usap. Hindi na niya inantay si Nick at pinuntahan na ang gobernador. Gusto niyang sulitin ni Nick ang mga oras nito sa mga anak na sila-sila lamang na tatlo para mas lalo pa itong makilala ng mga bata. At naisip na niya na kailangan nilang pag-usapan ni Tim ng masinsinan ang mga bagay tungkol sa kanila at sa mga bata. Hindi niya ito pagbabawalan na dalawin nito ang kanyang mga anak dahil malaki ang utang na loob niya rito. At kung hingian man siya ni Tim ng kabayaran sa nagatos nito sa isla ay hindi niya ito masisisi. Gusto lamang niyang maging maayos ang lahat sa pagitan ng kanyang mga anak at sa totoong ama ng mga ito. At aaminin niya para na rin sa kanyang sarili. Napapikit siya ng maalala ang sinabi sa kanya ni Nick kagabi. Mahal siya ng binata at ganoon din ang nararamdaman niya rito. Ngunit hindi niya maiwasang mag-alala para kay Tim, palagi na lamang niyang pinapangakuan ang lalaki at ng dumating at makitang muli si Nick ay nag-iba ang ihip ng hangin. Lulan siya ng sasakyan ni Tim ng mga sandaling iyon. Wala itong imik habang nagmamaneho at hindi rin niya alam kung paanong simulant ang nais sabihin. Napatingin siya sa binata ng mapansin ang daang tinatahak nito. Hindi siya maaaring mag kamali papunta sila sa pantalan kung saan nakadaong ang ilan nitong mga sasakyang pandagat. “What are we doing in here? Why you brought me here?” tanong niya rito ng alalayan siya nitong umibis sa sasakyan at igiya papasok sa yate. “I have a surpise for you Mayumi.” Sa halip ay tugon nito. “Look Tim…kailangan na nating pag-usapan ang dapat nating pag-usapan my babies are waiting…” nagsisimula na nitong paandarin ang yate kaya alam niyang wala itong balak bumalik kaagad sa kotse. “Damn it Mayumi!” Naikuyom niya ang mga kamay ng mahigpit ng hampasin nito ang manibela. “Stop the yatch!” Utos niya rito. Tinitigan siya nito ng masama and she felt that something wrong is gonna happened. “Bakit kailangan dito pa tayo sa yate mo mag-usap?” Bagama’t nakakaramdam ng pangamba ay hindi niya iyon pinahalata sa lalaki. “It’s peaceful no one can disturb us in here.” Bahagya siyang napaatras ng lapitan at bitawan nito ang minamaniobrang sasakyang pandagat. Bagama’t alam niyang automatic iyon ay hindi pa rin niya napigilang kabahan. Sila lamang ang tao sa sasakyan ng mga sandaling iyon. “Come on Mayumi are you scared?” Nakangising tanong nito sa kanya. “Why would i?” Matapang niyang tugon rito. Napasinghap siya when Tim Started rub her neck down to her collarbone. “Kahit kalian ay ipinag kait mo sa akin ang katawan mo Mayumi!” Malakas niya itong tinulak ng akma nitong hahalikan ang kanyang leeg. Kung gugustuhin niya ay kaya niyang mapatumba si Tim. She mastered different martial arts when she was studying law. At alam niyang kakailanganin niya iyon para ipagtanggol ang sarili. “Damn!” Malakas nitong sigaw. “We need to go home…” Natigilan siya ng makitang tutukan nito ng baril. She never notice that Tim brought a gun with him. “I know your strength and weaknesses Mayumi that’s why I brought my toy. Kumislap ang baril nito ng masinagan ng araw and she knew that it was real. “You betray me Mayumi. At hindi lingid sa kaalaman ko na nagkakamabutihan na kayo ng lalaking iyon. And it kills me softly.” Matalim ang titig nito sa kanya. “I’m sorry Tim hindi ko kayang turuan ang puso ko na kalimutan sya…” “Shut up!” malakas nitong putol sa iba pa niyang sasabihin. “At huwag kang mag-kakamali Mayumi bako ko pa gawin ang bagay na ito ay pinag-isipan ko ng mabuti. Now! Sundin mo ang gusto ko, I have my people in the igorots tribe at may mga tauhan din akong nagmamanman sa bahay ninyo na kayang saktan ang mga magulang at anak mo ng walang pag dadalawang-isip!” Napasinghap siya sa sinabi nito. She was so scared for the lives of her beloved. “Please Tim huwag mong idamay ang pamilya ko at ang mga tao sa tribo.” Pagsusumamo niya rito. Ngumisi ito sa sinabi niya “Now remove your clothes!” Tumulo ang kanyang mga luha sa mga sinabi nito. Hindi niya mapapatawad ang sarili oras na may mangyari sa mga mahal sa buhay. Nick was right Tim was evil and he manipulated everyone. Sa mga sandaling iyon ay naniniwala na siyang may mga kinalaman ito sa mga bentahan ng droga sa lugar nila. At ito rin ang dahilan kung bakit hindi niya natanggap ang pera at liham na ipinadala ni Nick sa tauhan nito para ibigay sa kanya, sapagkat hinarang nito ang tauhan at pinag bantaan. Galit na galit siya rito ng mga sandaling iyon. He will never change ang mga kabutihan nito noon sa kanila that was all an act for her to bite on his trap. But she need to cooperate kailangan pa siya ng kanyang mga anak…kailangan pa siya ni Nick at pangarap niyang bumuo ng masayang pamilya sa piling nito.
Nanginginig ang mga kamay ni Mayumi habang unti-unting kinakalas ang mga damit. This time she will do everything what he wants just to make sure he will hurt no one. Nahubad na niya ang jacket at isusunod n asana ang blusa ng bigla na lamang silang paputukan. Kapwa sila napadapa ng gobernador para ilagan ang baling iyon. Bahagya niyang nasilip na ang limang lalaki na noon ay inakala ni Nick na mga Bandido ang gumawa niyon. Muli siyang napatakip ng taenga ng muling umalingaw-ngaw ang mga putukan. Nakikipagpalit na rin ng putukan ang gobernador. Alam niyang kakampi ang mga lalaki, minsan ng nasabi iyon sa kanya ni Nick noong magkita silang muli sa isla makalipas ang halos limang taon. Gumapang siya palayo sa lalaki at isiniksik ang sarili sa mas ligtas na lugar sa loob ng yate, habang nakikipag-palitan ito ng putukan sa mga bandido. Nagpalinga-linga siya at lihim na nagpasalamat ng makita ang mga nakatambak na life vest doon. She was desperate. Tatalon siya sa dagat to escape with him. Walang ligtas na lugar sa paligid nito. How she wish n asana kasama ni Nick ang kanyang mga anak sa mga sandaling iyon to protect them. Nasa akto siya sa pagtalon ng paputukan siya ng gobernador. And he didn’t make it. Tuluyan siyang tumalon at ikinumpas ang mga kamay at paa ng walang tigil makalayo lamang sa yate na iyon. Hinang-hina na siya at gusto ng pumikit ng kanyang mga mata ng marinig ang paparating na bangkang de-motor at sa nanlalabo niyang paningin ay naramdaman na lamang niya ang paghila ng taong iyon para maiakyat siya sa Bangka. She feel safe but until when? Habol niya ang hininga ng maramdaman ang pagyakap ng taong iyon sa kanya at noon niya napagtanto na si Nick iyon. Napaiyak siya at mahigpit itong yinakap ngunit mabilis ring kumalas. “Our babies…where are they?” Nag-aalalang tanong niya rito. Hinaplos nito ang mukha niya bago nagsalita. “They were fine Mayumi, Nasa mabuti silang kalagayan ngayon pati na sina mama at papa. Thank God I’m not too late to save you!” Mahigpit siya nitong yinakap. “Kanina pa sana akong narito kung hindi ako bumalik sa bahay. Mabuti na lamang at sinunod ko ang kutob ng puso ko kaya hindi napahamak ang mga anak natin. Nasa akto sa pagpasok sa bahay ang ilang tauhan ng gobernador. I called the guard for help at ng mapabagsak namin ang tauhan ng gobernador ay tumawag ako ng pulis to captured the culprit.” Mahabang paliwanag nito sa kanaya. “Ohh Nick thank you for saving our babies.” Naluluha niya itong yinakap. “But we need to go to the island the igorots were in danger.” Bigla siyang nag panic ng maalalang may mga tauhan din doong pinadala ang gobernador sa isla. “Let’s go Mayumi, kayang-kaya na nina Arman ang hambog na gobernador na iyon. Malaki ang atraso ng gobernador na iyon kay Arman. Ikwenento sa akin ni Arman na ginahasa at pagkatapos ay pinatay ng gobernador na iyon ang kaisa-isa niyang anak na dalaga.” Napasinghap siya sa sinabi ni Nick at nakaramdam ng awa sa anak ni Arman at matinding galit sa gobernador. Siguro ay kung mahina lamang siya ng mga panahong iyon ng tangkang gahasain siya ni Tim ay malamang na natulad rin siya sa anak ni Arman. Naikuyom niya ang mga kamay. Ipinapangako niyang pagbabayaran ng lalaki ang mga kasalanan nito.
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...