Halos mag labasan ang mga ugat sa mukha ni Nick ng hanapin ang tauhang inutusan niya noon sa isla para iabot kay Mayumi ang pera at liham na ginawa niya. Inundayan niya ito ng suntok ng makita itong abala sa paglilinis ng kanilang family van kung saan ito ang taga pag maneho. Nabigla ang lalaki sa kanyang ginawa. Galit na galit niyang hinila ang kwelyo nito. “Boss..!” nanginginig ang tinig nito, may munti na ring dugo ang umagos sa bibig nito na tinamaan niya ng suntok. “Damn you! Bakit nagawa mo akong lokohin Mariano…ang mga sinabi mo sa akin ay puro kasinungalingan! Hindi mo ibinigay ang pera at liham kay Mayumi!” hindi niya muling napigilan ang sarili sa galit at muli itong binigwasan. Muli sana niya itong susugurin ng lumuhod at mag makaawa ito sa harapan niya. “Patawarin niyo ako boss…hinarang ako ng mga tauhan ng gobernador ng papunta na ako sa islang tinutukoy niyo. Tinurture nila ako at muntikan ng lunurin ng malamang kayo ang nagsugo sa akin para pumunta doon. Natakot ako ng sabihin nilang papatayin nila ang mga igorot pati na si Mayumi kung tutuloy pa ako roon.” Napasinghap siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala nag pa dalos-dalos siya at nasaktan pa niya ito. “Bakit hindi mo sinabi kaagad Mariano hindi mo alam kung ano ang mga bagay na nangyari dahil sa paglilihim mo sa akin!” Umiling-iling ito “Tinakot nila akong pasasabugin ang isla at sabihing aksidente lamang iyon kapag bumalik pa kayo roon…ibinilin sa akin ng gobernador na oras na mang gulo tayo ay idadamay niya ang lahat maging ang mga magulang ng dalaga.” Gimbal siya sa sinabi nito. Ginawa lamang nito ang sa tingin nito ay ang siyang makabubuti sa lahat. “Isa pa…may natuklasan ako sa gobernador ng kulungin nila ako ng ilang araw sa bodega ng yate.” “Ano iyon Mariano?” “Gumagamit ang gobernador na iyon ng ipinagbabawal na gamot boss…may nakita akong mga laboratory ng shabu sa yateng pinag kulungan nila sa akin.” Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Isa lang ang ina alala niya ng mga sandaling iyon nasa panganib at maling tao si Mayumi. Nagpapanggap lamang na maamong tupa ang gobernador na iyon upang makuha ang loob ni Mayumi. Binalingan niya ang tauhan. “Paano ka nakatakas sa kanila?” napapikit ito ng mariin bago sabihin sa kanya ang nangyari. “Tumalon ako sa yate kahit nakatali ang buo kong katawan. Hinayaan nila ako sa pag-aakalang mamamatay na rin naman ako dahil mahigpit ang pag kakatali nila sa akin. Akala ko katapusan ko na rin, ngunit mayroong tumulong sa akin. Sa unang tingin ay aakalain mong mga bandido sila. Ikwenento nila sa akin na matagal na silang nag maman-man sa mapanlinlang at tusong gobernador na iyon.” Mahabang paliwanag nito. Mariin siyang napapikit sa mga rebelasyong narinig. Kaya pala gusot gusot at basang basa ang cheke at liham ng ibalik iyon sa kanya ni Mariano dahil tumalon ito sa dagat. “Nakilala mo ba ang mga iyon? Nakuha mo ba ang mga pangalan ng mga taong tumulong sayo?” Mabilis itong tumango. “Lima silang lahat. Si Arman ang pinuno at ang mga tauhan niya na sina Ditos at Goryong, may dalawa pa na batid kong mag kambal. Lahat sila ay biktima ng kalupitan ng gobernador.” Kilala niya ang limang lalaking tinutukoy nito.Mabilis na bumalik sa ala-ala niya ang limang bandidong humarang noon sa yateng sinasakyan niya. “Damn!” kailangang malaman ni Mayumi kung anong klase ng nilalang ang pinakasalan nito. Kailangan niyang mailayo sina Mayumi at ang mga bata sa baliw na gobernador na iyon.
Mabilis na nakatulog ang mga bata ng makauwi sila. Batid niyang napagod ang mga ito ng todo dahil sa mag hapong pag lalaro sa isla. Pumasok siya sa banyo para mag palit ng damit. Hindi na niya pinagka abalahang i lock iyon dahil wala naman si Tim. Nag paalam ito kaagad na may pupuntahan ng maka uwi sila. Nasa akto siya sa pag huhubad ng kanyang damit ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Napasinghap siya ng makita ang lalaki. Mabilis niyang pinag salikop ang mga kamay sa nahantad na dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya kayang mag paubaya sa lalaki. Bahagya siyang napa urong ng lumapit ito sa harapan niya. “Tim I thought…” nakangiti nitong tinakpan ng hintuturo nitong daliri ang kanyang labi upang pigilan siya sa pag sasalita. “Maagang natapos ang meeting Mayumi, that’s why I’m here.” Napasinghap siya ng makitang unti-unti itong yumuyuko para abutin ang kanyang labi, ngunit bahagya niya itong itinulak. “Tim..” masuyo nitong hinawakan ang kanyang mga kamay. “I guess this is the right time to make love with you.” Paos ang boses na bulong nito sa kanya. Napasinghap soya ng malakas sa sinabi nito. Hindi pa siya handa at parang hindi niya kayang mag paubaya rito. “I’m sorry Tim kailangan mo ng mag pahinga alam kong napagod ka ng husto kanina sa isla.” Iniwasan niya ito at tinalikuran. “I knew it! Hindi mo pa rin nakakalimutan ang lalaking iyon!” Napapikit siya at pinilit na lamang na huwag mag salita. Aaminin niyang hindi pa rin niya kayang kalimutan ang ama ng kanyang mga anak kahit sa lumipas na mga taon. Umiling-iling ang gobernador. “Ano ba ang dapat kong gawin para matutunan mo akong mahalin Mayumi?” nakita niya ng dumilim ang anyo nito. Namumula rin ang mga mata ng lalaki na noon lamang niya napag tuunan ng pansin. “Hindi ako nag tiis ng maraming taon pra mauwi lang ito sa wala Mayumi!” Napaurong siya ng muli itong lumapit at mariin siyang kuyumusin ng halik. Nahintakutan siya sa ginawa nito. Just like the old days tila bumalik ito sa pagiging agresibo na siyang hindi niya nagustuhan rito noon. “Tim please stop!” napaiyak siya ng haklitin nito ang mga saplot niya. Tila wala ito sa sarili ng mga sandaling iyon. Akala niya ay tuluyan ng nag bago ang lalaki. She was naked on top. Pilit niya itong itinutulak ng hawakan nito ang nahantad niyang dibdib. Napakalakas nito ni hindi niya magawang makatayo. “Stop it Mayumi gusto mo bang marinig tayo ng mga bata at makita ang ginagawa natin?” Mariin siyang napapikit kalian man ay hindi niya nanaising makita ng mga anak ang kahalayang ginagawa nito. Ayaw niyang umukit sa murang isipan ng mga anak ang ganoong tanawin. Tinanaw niya ang pinto ng banyo at bahagya iyong nakabukas. Nakuyom niya ng mahigpit ang mga kamay ng maramdaman ang labi ng lalaki sa kanyang dibdib. Walang espesyal siyang naramdaman sa ginagawa nito kung hindi ay purong pag kasuklam. Tinakpan niya ang bibig para hindi kumawala ang kanyang mga hikbi. Ayaw niyang marinig ng mga anak at baka magising ang mga ito at tuluyang makita ang kahalayang ginagawa ni Tim. “Please no…” Nag susumamo ang kanyang mga mata sa tila wala sa sariling lalaki. Ngunit hindi siya pinakinggan nito. Akma na nitong huhubarin ang kahuli hulian niyang saplot ng biglang bumukas ng tuluyan ang pinto ng banyo. “Mom…dad are you fighting?” Napasinghap siya ng makita ang anak na si Kiel nakatayo ito sa harapan nila at napak inosenti ng maamong mukha. Mabilis niyang tinulak si Tim at umalis sa pag kakadagan nito. Mabilis na kinuha ang tuwalya at binalot ang sarili. Mabilis niyang hinila ang anak palabas at tinitigan ng masama ang lalaki. “Mommy what happened?” Yinakap niya ang anak ng mahigpit. “Go back to sleep Kiel, you have nothing to worry about little prince. Your mom and I, were just having a conversation.” Napapikit siya sa sinabi nito nais niyang yon rin ang isipin ng anak. “Ok, good night then.” Hinalikan siya nito sa pisngi. Lumapit rin ito sa inaakalng ama at yinakap ang lalaki. Mariin siyang napapikit sa nakita. Totoo rin ba ang ipinakitang pag mamahal ni Tim sa mga anak o purong pag papanggap rin lang? “Good night dad.” “Good night son.” Tugon nito. Binuhat nito ang kanyang anak at inihiga sa tabi ng mahimbing ng natutulog na si Yasmien. “Hindi pa tayo tapos Mayumi!” Mahina at madiing wika nito sa kanya bago umalis sa kwartong iyon. Nakahinga siya ng malalim ng tuluyan itong maka alis. Nagpapasalamat siya at hindi nito naituloy ang nais gawin. Thanks to her little hero. Thanks to her little nick. Lumuluha niyang yinakap ang mga anak.
Dahil sa nangyari ay umuwi muna silang mag iina sa bahay ng kaniyang mga magulang. Tim was becoming different now. Naikuyom niya ang mga kamay ng maalala ang nangyaring insidente sa nakalipas na ilang araw. “Something wrong?” Napatingin siya sa ina ng lapitan siya nito. Ang kanyang ama ay abala sa pakikipag laro sa kanyang mga anak. “I’m fine ma.” Sinarili na lamang niya ang anumang problemang tumatakbo sa kanyang isipan. Ayaw niyang bigyan pa ng alalahanin ang mga ito. “No you’re not. I’m sorry Mayumi alam naming ng papa mo na napipilitan ka lang kay Tim. I’m sorry dahil nagawa ka naming itakwil. To think na ikaw ang kaisa-isa naming anak ay nagawa ka pa naming tikisin. Patawarin mo kami Mayumi.” Yinakap niya ang naiiyak na ina. Kailanman man ay hindi siya nag tanim ng sama ng loob sa mga magulang. “Hindi nawala ang pag galang at pag mamahal ko sa into ni papa ng dahil lang doon ma.” Pag-aalo niya sa ina. Sabay silang napalingon ng ina sa labas ng marinig ang sigaw ni Tim. “Ma, take care of the two kids may pag uusapan lang kami.” Bagaman at nagtataka sa nagyayari ay tumango na lamang ang kanyang ina. “Mommy, why don’t you let daddy get inside?” inosenting tanong ng kanyang mga anak. Nakahinga siya ng maluwag ng kunin ng kanyang ama ang atensyon ng mga ito at hindi na nagtanong pang muli. Mabilis niyang pinuntahan ang lalaki na nakapasok na sa kanilang tarangkahan. “You just left without telling me!” bungad agad sa kanya ng lalaki. “You disrespect me Tim. At mas lalo akong nagalit ng makita ni Kiel ang kahalayang ginagawa mo sa akin!” mahina at madiin niyang sagot sa lalaki. “I’m sorry, nadala lang ako ng emosyon ko mayumi. You know how much I love you and even the two kids.” “We want space Tim, dito muna kami ng mga bata.” Madiing paki-usap niya sa lalaki. “No need! Come back to my place together with Kiel and Yasmien!” matigas na utos nito. “Can we just talk about it tomorrow…?” Sa halip na pumayag ay nag sisigaw ito sa bakuran nila. “Kiel, Yasmien daddy is here let’s go home!” tawag nito sa mga anak niya. “Tim please…” Napasinghap siya ng hawakan nito ng mariin ang kanyang kamay. “I knew it! You still love that fucking man who left and abandoned you after get what he wants!” May nabanaag siyang sakit sa mga mata nito. “Forget him Mayumi and be my wife for real.” Mataman niya itong tinitigan at muling inalala ang mga kabutihang nagawa nito sa mga anak niya na hinding-hindi nagawa ni Nick. Hinawakan niya ang mga kamay nito. “Nagpapasalamat ako sa mga kabutihang nagawa mo para sa mga anak ko Tim. Itinuring mo silang mga tunay mong mga anak, ngunit hayaan mo munang makalimutan ko ang unang lalaking minahal ko para magawa kitang mahalin ng buo.” Alam niyang napakahaba na ng limang taon na nag daan para turuan niyang makalimutan si Nick ngunit sa tuwina ay lagi pa rin niya itong naaalala kahit saglit lamang niya itong nakasama. At sana ay maintindihan siya ng lalaki. “Hanggang kailan Mayumi?” “hanggang sa makalimutan ko na sya ng buo.”
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...