Matatapos na ang palugit na ibinigay ni Tim ay wala pa ring Nick na nagpapakita sa kanila sa isla. Kinalimutan na ba ng binata ang ipinangako nito sa kanila? Mariin siyang napapikit. Umaasa siyang babalik si Nick ngunit wala pa rin ito hanggang ngayon. “Huwag kang mag-alala mayumi baka bukas narito na siya.” Nabuhayan siya ng loob sa sinabi ni bitoy. Sana nga ay tama ang hinala nito. Magdamag siyang hindi nakatulog ng gabing iyon. Patuloy siyang umaasa na babalik si Nick, hindi man para sa kanya, sana sa ipinangako man lang nito sa mga igorot.
Tuluyan ng binalot ng buong liwanag ang isla ay wala pa rin ang inaantay niya. Sa mga sandaling iyon ay tuluyan na siyang napahikbi sa harapan ng mga igorot. Ilang oras na lang ay darating na ang gobernador. “Huwag mo kaming alalahanin mayumi…maaari naman kaming manirahan sa mga bundok. Huwag ka ng umiyak, nasasaktan kami sa iyong kalagayan.” Lumakas ang kanyang pag-hikbi sa sinabi ni tata iloy. Napamahal na ang mga ito sa kanya. Sa islang ito ramdam niya ang kasiyahan at kapanatagan ng mga igorot, hindi niya kayang ipag-kait iyon sa mga ito. “Hindi tata iloy, mananatili kayo sa islang ito…mahirap ang mamuhay sa bundok dito na ang nakagisnan ninyo, batid kong narito ang kaligayahan niyong lahat.” “Ayos lang kami yumi, kesa nakikita ka naming nahihirapan. Si nick ang may kasalanan nito, pinaasa nya tayong tutulungan ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ni anino nya.” Ramdam niya ang galit at tampo sa tinig nito. “Huwag kayong magalit sa kanya tata iloy…bitoy, walang kasalanan si Nick.” Sa kabila ng lahat ay nagawa pa rin niyang ipagtanggol ang lalaki sa mga ito. Napasinghap silang lahat ng marinig ang paparating na sasakyang pandagat. Nadismaya sila n gang gobernador ang makita at ang mga tauhan nito.
“Asan na ang lakas loob mong ipinangako mayumi?” nakangisi ito sa kanya. “Wala pa kaming sapat na pera…” “Asan ang lalaking kasama mong nangako? Iniwan ka sa ere?” tinitigan niya ito ng masama. “Ayoko ng pag-usapan pa siya.” Ito naman ang natigilan sa kanyang sinabi. “I knew it! Think about my offer mayumi, be my wife and I let them stay here, ibibigay ko sa kanila ang papeles na magpapatunay na pag-aari nila ang islang ito.” Napapikit siya sa sinabi ng gobernador, at sa katulad niyang gipit ng mga sandaling iyon ay tila hindi na nagdalawang isip pa. Nais lamang niyang matulungan ang mga igorot, maging kapalit man niyon ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan. Pikit mata siyang tumango sa sinabi nito. “Pumapayag na ako, tinatanggap ko na ang inaalok mo.” Napapikit siya ng mariin ng hawakan ng gobernador ang kanyang kamay. “Tinitiyak ko mayumi, magiging maligaya ka sa piling ko.” Nginitian siya nito at hinaplos ang kanyang mukha, nais niyang kumawala ngunit mas nanaig ang isiping kapakanan ng mga igorot ang nakasalalay. “Mayumi, hindi mo kailangang gawin iyan!” umiiyak si bitoy habang pilit siyang hinihila palayo sa gobernador. Hinarap niya ito at masuyong nginitian. “Buo na ang desisyon ko bitoy, hindi lang ito para sa inyo…napagtanto kong gusto ko pala siya.” Nakagat niya ang mga labi para hindi kumawala ang kanyang mga hikbi, nagawa niyang magsinungaling dito. Umiling iling ito sa kanyang sinabi. “Hindi totoo yan mayumi…akala ko si nick ang gusto mo?” “Tigilan niyo na si mayumi, ibibigay ko na sa inyo ang islang ito at simula ngayon ayoko ng margining na banggitin niyo man lang ang pangalan ng lalaking iyon!”
Tuluyan na siya nitong hinila papalayo sa mga igorot, tuluyan siyang napaiyak ng isakay soya nito sa yate, sigurado siyang hindi na muling makakatapk sa islang iyon. Hilam sa luha ang kanyang mga mata ng lapitan siya ng gobernador. “Hindi ako masama mayumi, buong buhay ko isa lang ang nais kong mangyari at iyon ay ang maging asawa ka, sana matutunan mo rin akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sayo.” Nagsusumamo ang mga mata nito. Napapikit siya ng pahirin nito ang kanyang mga luha. Wala ng pag-asang makita pa niya si nick. Bibigyan niya ng pagkakataon ang gobernador na ito, susubukan niyang bigyan ito ng pag-asa at hayaang makapasok sa kanyang buhay. Magkababata sila ng gobernador at minsan na rin niyang hinangaan ang kakisigan nito, kung hindi lang siya pinagtangkaan nito noon ay tiyak na magugustuhan niya ito. Nagbago lamang ito ng tanghalin bilang bago at pinakabatang gobernador ng kanilang lalawigan.
Inihatid siya nito sa kanilang bahay sa mahaba-habang taon ay muli niyang makakaharap ang mga magulang, nakaabang na ang kanyang mama at papa sa labas ng kanilang malawak na tarangkahan, tila alam ng mga ito na darating siya. Napaiyak siya ng sugurin siya ng yakap ng kanyang ina at ama, napagtanto niyang sa kabila ng lahat ay nangulila siya sa mga ito. “Mayumi, I’m really sorry nagawa ka naming tiisin ng papa mo.” Lumuluha ang kanyang ina habang yakap siya ng mahigpit. “Maraming salamat gov, at ibinalik niyo sya saamin.” “ang totoo ho niyan ay tinatanggap nan i mayumi ang iniaalok kong kasal.” Napasinghap ang kanyang mga magulang sa sinabi ng binata. “Totoo ba mayumi?” wala siyang nagawa kundi ang tumango. Maya –maya pa ay nag paalam na ang lalaki na labis niyang ipinagpasalamat ng lihim. Pagkapaalam sa mga magulang ay mabilis niyang tinungo ang kanyang silid, napakalinis pa rin niyon tila araw arawna pinalilinis ng ina sa kanilang mayordoma. Linock niya ang kwarto at doon ay lumuha ng tahimik. Naalala niya si nick, batid niya sa sarili na iniibig na niya iyo, ngunit wala ng pakialam sa kanya ang lalaki. Kumirot ang kanyang ulo sa walang tigil na pag-iyak, sisimulan nan yang kalimutan ang lalaki, natitiyak niyang maging ang binata ay kinalimutan na rin siya patunay roon ang hindi nito pagbalik sa isla.
Malakas kong naikuyumos ang mga papel na hawak ko. Ang mga papeles sa kanyang mesa ay tumilapong lahat dahil sa ginawa niyang pagtabing roon. Galit at tampo, iyon ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Matapos na marinig ko sa tauhang inutusan ko na hindi tinanggap ni mayumi ang pera na para sa mga igorot, ni hindi rin daw nito pinagkaabalahang basahin ang liham na kanyang ginawa ayon sa tauhang kanyang inutusan tuluyan na raw na sumama si mayumi sa gobernador, at pinaghahandaan na ng mga ito ang nalalapit na kasal. Marahas niyang naihilamos ang mga palad sa mukha, kung gayon nagkamali siya ng akala na gusto siya ni mayumi. Mali ang iniisip niyang may pagtingin din ang dalaga sa kanya. Nang gabing inagkin niya ito ay nakita niya at naramdaman niya na may pagtingin sa kanya sa mayumi. Marahil nagbago ang isip nito at napagtanto nitong mas gusto nito ang gobernador na iyon. Pinigilan niya ang sariling sumigaw sa loob ng kanyang sariling opisina kakasimula pa lamang niya sa trabaho para pagbigyan ang kahilingan ng ama at ayaw niyang mag eskandalo. “Makakaalis ka na, maraming salamat sa impormasyong ibinigay mo,” tumango lamang ang kanyang inutusan at tuluyan na itong umalis ni hindi ito makatingin ng deretso sa kanyang mga mata, marahil natakot ito sa ginawa niyang pagwala sa loob ng opisina. Mabilis kong tinawag ang sekretaryang ibinigay ni alfonso, bakas sa mukha nito ang gulat at pagtataka ng makita ang mga nagkalat na papel sa lapag. “Sir what happened?” “Clean it Marie, and cancel all my appointment for today is that clear?” dumagundong ang kanyang tinig sa apat na sulok ng silid. Mabilis at natatranta itong tumango sa kanya. “I heard it clearly sir.” Mabilis siyang umalis at tinungo ang condo kung saan una niyang inangkin si mayumi. Pabalya niyang binuksan ang pintu at unang tinungo ang kanyang mini bar, kumuha ng alak at hindi na nag abalang isalin pa iyon sa baso. Every part of him was broken into pieces, ang bilis siyang kinalimutan ni mayumi. “Damn!” malakas niyang ibinalibag ang bote ng alak ng maubos ang laman niyon. Nagkandapira-piraso iyon katulad ng kung paanong nagkapira-piraso ang kanyang pakiramdam. Nais niyang bumalik sa isla ngunit para saan pa? si mayumi na mismo ang pumili at nagdesisyon. Ikakasal na ito at wala siyang karapatang guluhin ang kaligayahan nito. Mapait siyang napangiti.It’s already one month mula ng umalis siya sa isla. Pinaghahandaan na rin ang nalalapit nilang kasal ni Tim. Sa mga nagdaang araw ay lihim pa rin siyang umaasa na mag papakita si Nick ngunit hindi nangyari iyon. Pagod na ang puso niyang umasa. Kailangan na niyang turuan ang puso na pagtuunan ng pansin at mahalin si Tim. Mariin siyang napapikit ng makaramdam ng hilo, naroon sila ng mga sandaling iyon sa opisina ng sikat na fashion designer sa kanilang lalawigan sa bicol, para sukatan siya nito ng magiging gown. Mabilis siyang inalalayan ng binata ng makitang namumutla siya. Sa mga nakalipas na araw ay nakikita naman niya ang magagandang pag-uugali nito sa katanuyan ay pinahintulutan siya nitong magpabalik-balik sa isla para madalaw ang mga igorot na lubos niyang ikinatuwa. “Mayumi…are you okay?” inalalayan siya nito at binigyan ng bottled mineral water na hindi nito nakakaligtaang dalhin kahit saan magpunta. “Okay lang ako medyo nahilo lang ng konti.” “ okay, then after this iuuwi muna kita para makapag pahinga, you need to take some rest medyo namumutla ka.” She feel the sincerity towards his voice.
Mabilis siyang pumasok sa kwarto ng maihatid siya ni Tim, mabilis din itong umalis kaagad ng maihatid siya. Tila palagi itong nagmamadali at batid niya ang dahilan. Gobernador ito at marami itong tungkulin na dapat gampanan sa kanilang lalawigan. Marami itong events at places na pinupuntahan at lihim siyang nagpapasalamat dahil hindi sila nagkakasama ng matagal. Nanghihina siyang pumasok sa banyo at hindi napigilang maduwal, nanginginig siya at pinagpapawisan ng malamig hindi niya alam kung bakit. Mabilis niyang inayos ang sarili ng marinig ang sunod-sunod na katok ng ina. “Mayumi, may dinaramdam ka ba?” nag-aalalang tanong ng kanyang ina. Tinanguhan niya ito para hindi mag-alala. “Okay lang ako ma…” napakapit siya sa kamay nito ng muling makaramdam ng hilo. “Mayumi!” naulinigan pa niya ang sigaw ng ina bago siya nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...