Umalingaw-ngaw ang malakas na putok ng baril ng makababa sina Mayumi at Nick sa sinasakyang bangkang de-motor. Mabilis at maingat nilang tinakbo ang kuta ng mga igorot. “Mariano was here already Mayumi, I hope the igorot will be fine.” Hawak nito ang kamay niya habang maingat at mabilis nilang binabagtas ang ibang daan para makapunta sa tribo. Napasinghap siya ng masilip ang mga igorot na sama-samang nakatali sa gitna ng bulwagan ng tribo ng mga ito. Nakadapa ang mga ito at alam niyang iniiwasan ng mga ito ang bala ng baril na ipinutok ng isa sa mga tauhan ng gobernador sa nakailag na si Mariano. Napasinghap siya ng makita si bitoy na sinibat ang isa sa tatlong mga tauhan ng gobernador. Tinamaan ang lalaki sa balikat kung kaya’t pinaputukan nito ang matapang na igorot. Napasigaw siya ng masapol niyon si bitoy. Walang pinalipas na sandal si Nick. Sunod-sunod nitong pinaulanan ng bala ang tauhang bumaril kay bitoy kahit na maubos pa ang bala ng baril nito. Sapol ang lalaki at tuluyan itong natumba. Patakbo niyang sinugod si bitoy para alalayan. Wala siyang pakialam kung pati siya ay matamaan ng bala galing sa magkabilang panig. Narinig niya ang pagtawag ni Nick ngunit hindi niya pinansin ang sigaw nitong iyon. “Bitoy…” kinalong niya ang matapang na kaibigan. Punong-puno ng luha ang kanyang mga mata. “Mayumi…” Ngumiti ito ng pilit at inabot ang mukha niya para hawakan. Napahagulhol siya ng makita ang pagbulwak ng masaganang dugo na umagos sa bibig nito. “Bitoy…huwag kang pipikit dadalhin ka naming sa hospital!” nanginginig ang kanyang tinig. “Nick tulungan mo ako dadalhin natin si bitoy sa hospital…Bitoy!” “Masaya ako na nagkita at nagka ayos na kayo ni Nick Mayumi. Masaya ako na magiging buo na ang pamilya nyo…” Yinakap niya ito. Kayanin mo bitoy, ikaw ang gusto kong umalalay sa akin kapag iniharap ako sa alatar ni Nick.” Garalgal ang kanyang tinig at basang-basa ng luha ang kanyang mga mata. “Masaya ako para sainyo Mayumi…iyakap mo na lamang ako sa makukulit at engleserong mga anak niyo ni Nick…I’m happy makakasama ko na ang buo kong pamilya sa kabilang buhay. Yon lamang ang natandaan kong English na itinuro sa akin nina Kiel at Yasmien…” Pilit itong ngumiti “Matutulog na ako mayumi…” Kasabay ng pag-tila ng mga putukan ay sya ring pag pikit ng mga mata ni bitoy. Malakas siyang napasigaw. “Gumising ka bitoy parang awa mo na!” yinugyog niya ang mga balikat nito ngunit ni hindi na gumalaw pa ang kanyang kaibigan.
Makalipas ang ilang buwan…
Sa kabila ng mapait na nangyari sa kanila dahil sa pagpanaw ni bitoy ay hindi rin napigilang matuwa ni Mayumi. Nakulong ang gobernador ng tuluyan maging ang mga natira nitong tauhan na kasama nito sa pamamalakad ng mga illegal na Gawain. Marami silang nakalap na ebedensya kaya hindi na nagawa pang magsinungaling ang gobernador at iligtas ang sarili nito sa kahihiyan. He was sentenced to death. He will rotten into jail at nagpapasalamat siya na naging maayos ang takbo ng batas at husgado sa panahon ngayon. Nagpapasalamat siya sa bago nilang pangulo.
Mayumi was beautifully and look so elegant while walking in the sand…Yes it’s their wedding, at sa isla nila napiling magpakasal. Alam niyang kung nasaan man si bitoy ay masaya ito para sa kanya. Ang kanyang kaibigan na nagbuwis ng sariling buhay mailigtas lamang ang mga kapwa nito igorot. Napakatapang nito. Hinding-hindi niya ito makakalimutan kahit na kailan. Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata. It was a tears for bitoy and a tears of joy at the same time. Napangiti siya ng makita si Nick he was so masculine standing in front of her. Nakabukas ang ilang butones ng puting polo na suot nito. He was so tall that she almost tip her toes to give him a kiss. Napangiti siya ng tumikhim ang pare tila ipinapahiwatig nito na mamaya pa ang halik hanggat hindi pa nito iniaanunsyo na ganap na silang mag-asawa. Marahang pinisil ni Nick ang kanyang mga palad. “We’ll go there wag mo masyadong ipahalata na excited kang halikan ako mayumi.” Nanunukso at mahinang bulong nito sa kanya. Nakangiti at mahina niya itong siniko. Naroon lahat ang pamilya ni Nick sa kasal nila. Ilang araw pa lamang ang nakalipas ng makilala niya ang pamilya ng asawa. Mabait at magiliw ang mama at papa ni Nick na labis ang saya ng malaman na may mga apo na pala ito. Nasermunan pa muna ng mga ito si Nick, anudaw at noon lamang nito sinabi ang tungkol sa kanila. Nagpaliwanag ang lalaki na naintindihan naman ng mga ito. Humingi rin ng tawad ang mama ni Nick sa kanya ng malaman nitong isa ito sa mga naging dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Nick ng mahabang panahon. At wala siyang sama ng loob rito. Napangiti siya ng magpalakpakan ang mga naroon ng ianunsyo na ng pari na maaari na silang maghalikan ni Nick dahil ganap na silang mag-asawa.
Napapaikit siya ng kuyumusin ni Nick ng halik sa harap ng kanilang mga pamilya. Naroon din ang mga grupo ni Arman na tumalo kay Tim at si Mariano na siyang tumalo sa naman sa mga kalaban sa isla sa tulong nina Nick at Bitoy. Napangiti siya ng tumakbo ang dalawang bata palapit sa kanila ni Nick kinarga niya si Yasmien at kinarga naman ni Nick si Kiel at sabay nilang hinalikan ang pisngi ng mga anak. Nangilid ang kanyang mga luha. Sa wakas natupad rin ang kanyang mga pangarap na maging isang masaya silang pamilya at labis siyang nagpapasalamat sa Panginoon dahil tinupad nito ang kanyang mga dalangin.Wakas
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...