Chapter 2

45 0 0
                                    

Maingat akong ibinaba ng lalaking ito ng makarating kami sa dalampasigan. “bakit dito mo ako ibinaba malayo ito sa tubig dagat.”  “mainit sa parteng iyon, antayin mo kami dito ka lang.” Noon niya napansin na sa lilim ng mayabong na puno siya nito ibinaba. Siguraduhin mong may mahuhuli ka lalaki.” Hindi na niya magawang samaan ng tingin ang binata na pilit niyang ginagawa sa una pa lamang na magtama ang kanilang mga tingin. “Nick, nick ang pangalan ko.” Nakangiti nitong sagot at nagsimulang humakbang palapit sa dagat , napakislot siya ng bigla itong bumaling muntikan ng mahuli ang lihim niyang paghagod sa matipunong pangangatawan nito. “tandaan mo Mayumi, nick ang pangalan ko.” Pagkabigkas niyon ay tumakbo na itong sumunod kay bitoy at tuluyan ng sumisid sa ilalim ng dagat. Kumawala ang kanyang mga ngiti at pabulong na binigkas sa utak niya ang pangalan nitong tiyak na hinding hindi na niya makakalimutan.
Malakas kong ipinukol ang nakitang malaking isda gamit ang sibat ni Mayumi. Hindi ako nabigo sumargo ang dugo ng isda at kumalat iyon sa tubig ng matamaan ko ng sibat. Hinila ko iyon para iahon sa tubig, natitiyak kong masisiyahan ang dalawa sa aking nahuli. “ ayos, ang laki ng nahuli mong isda nick.” Tinulungan siya nitong buhatin ang malaking isda, napangiti siya ng tawagin siya nito sa kanyang pangalan. “sinabi na saakin ni Yumi ang pangalan mo kanina ng mauna akong umahon sa dagat, ngayong kilala na kita ako naman ang mag papakilala sayo, bitoy ang pangalan ko.” Nginitian niya ito at tinanguhan, napatingin siya sa nakangiting dalaga. Noon lamang niya ito nakitang ngumiti ng malapitan at lalong nadagdagan ang kagandahan nito. She had a set of perfect and pearly white teeth. Sino nga ba talaga ang babaeng ito? “Ang laki naman nyan, paano mo nakuha ang isdang iyan?” batid sa mukha nito ang panghanga sa nagawa niya. “Isa akong adventurous at nagawa  ko na ang mga bagay na ito ng minsang ma stranded ako sa isang isla. Nakangiting paliwanag niya sa dalaga. “ang galing mo pala.” Napangiti siya ng yumuko ito tila nahiya dahil sa pangmamaliit sa kanya kanina, kung alam lang nitong lalo siyang naaamuse sa ginawa nito.
Lihim akong ginitgit ng hiya, buong akala ko ay walang kaalam-alam si Nick sa mabibigat na trabaho, ngunit nagkamali ako. Hinusgahan ko agad siya at itinuring na pabigat mula pa sa umpisa. “ako na ang magdadala sa isdang ito nick, buhatin mo na lng uli si Yumi.” “its my pleasure bitoy.” Napapikit siya ng masamyo ang natural na amoy ng lalaki, napakabango nito kahit pa pawis na pawis na. “Paanong napad pad ka rito sa isla nick, bakit nahuli ka ng mga buang na kunwaring mga bandidong iyon? Narinig niyang napasinghap ng malakas ang binata sa sinabi ni bitoy. “What do you mean, nagkukunwaring mga bandido lamang ang mga iyon?!” “Oo, ang totoo mga bagitong magnanakaw lamang ang mga iyon.” Patuloy na pag kwekwento ni bitoy. Naramdaman niyang nag-igtingan ang mga muscles ng lalaki tanda na galit ito sa nagawang pangloloko ng mga inakalang bandido.
Mahina akong napamura sa mga ikwenento ni bitoy, naloko siya, hinda naman pala totoong mga bandido ang lima at ang mga baril ng mga iyon ay hindi totoo at mga panakot lamang. Hindi siya makapaniwalang naisahan ng mga lalaking iyon. Siya na mahilig sa pag-oobserba ng mga bagay-bagay ay naisahan ng mga kawatan. “ang mahalaga hindi ka nila itinapon sa dagat habang nakatali ka at bihag nila.” “Tama si Bitoy.” Saad naman ng dalaga.
Kita ang galak sa mukha ng mga taga tribu ng makita ang malaking isdang dala nila. Mabilis na gumawa ng apoy ang mga matatanda para ihawin ang isdang nahuli ni nick. Napangiti siya kung wala ang lalaki ay pihadong wala silang isdang kakainin ngayon kung hindi ang mga bungang kahoy at mga gulay na kanilang tanim.”napakagaling ng ating bisita akalain mong siya pa lamang ang nakahuli sa ganitong klase ng isda.” Tuwang-tuwa si tata iloy ng sabihin niyang ang lalaki ang nakahuli niyon. Tumayo ang lalaki at pinakilala ang sarili nito, naroon silang lahat nakaharap at nakapalibot sa isdang iniihaw.
Matapos maka paghapunan ay nag kanya-kanya ng pasok sa kubo ang mga igorot, pinagpagan niya ang papag na nagsisilbing higaan niya siya sa islang iyon. Ang kubo naman ni mayumi ay hiwalay, itinuturing ng maayos doon ang dalaga at sa hinuha niya sa dlaga kumukuha ng pag-asa ang mga igorot na nakatira sa islang iyon. Hindi kaya na stranded rin ang dalaga kaya napadpad rito? At ayaw na nitong umalis dahil napamahal na ito sa mga tao sa tribo? Batid niyang napakalaki ng pagmamalasakit ng dalaga sa mga igorot, at dahil doon sumidhi ang kanyang pagnanais na arukin at mapalapit sa dalagang si mayumi. Mahimbing na ang lahat at unti-unti ng nauupos ang baga ng apoy na pinag-ihawan ng isdang nahuli niya kanina ng biglang bumukas ang pintuan ng kubo ni mayumi. Maingat itong lumabas, at ng mapadaan sa gawi niya ay mabilis siyang pumikit at nagtulog-tulugan. Saan kaya pupunta ang dalaga sa katahimikan ng gabi?

The IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon