Pinag-tulungan naming lahat ang pag-aayos sa gagamiting Bangka, malapit na iyong matapos at aalis na kami ni Nick anuman oras. Sampung araw lamang ang ibinigay na palugit ng gobernador at kailangan nilang magmadali. “Nick, umaasa kami na matutulungan mo kami, pasensya ka na kung naging cargo mo pa kami, wala kaming ibang malapitan bukod kay mayumi.” Bakas sa hapis na mukha ni tata iloy ang pag-asang matutulungan sila ng binate. “Huwag nyomh isipin ang bagay na iyan tata iloy, masaya akong tulungan kayo at si mayumi ang may malaking ambag rito, siya ang dapat nating pasalamatan.”
Nangingilid ang mga luha ni Mayumi habang kumakaway sa mga igorot, palayo na palayo ang kanilang bangkang sinasakyan. “Babalik kami, antayin nyo kami tata iloy, bitoy…” Malakas niyang sigaw sa kabila ng luhang nag uumalpas sa kanyang mga mata. Hanggang sa mawala sa paningin niya ang grupo ng mga igorot na kumakaway sa dalampasigan dahil malayo na sila sa pantalan. “Napamahal ka na sa kanila ng sobra mayumi, hindi kita masisisi ang mga taong katulad nila ay purong pagmamahal ang ibinibigay, mahirap kalimutan ang kanilang katapatan.” Pinunasan niya ang mga luha saka nakangiting tumango sa binate. Tama ang lahat ng sinabi nito. Inabot sila ng dalawang araw sa laot, nang sumadsad sa dalampasigan ang kanilang Bangka ay ginagap ng binate ang kanyang kamay.
Halos siyam na oras ang itinagal nila sa byahe umupa ng taxi ang binata at ng makarating sa bahay ay saka nito binmayaran ang driver. “Magpahinga ka muna mayumi.” Iginiya siya ng binate sa isang kwarto, maganda at maluwang ang condominium unit ng lalaki unang pasok mo pa lang ay iisipin mong lalali ang nakatira doon, malawak ang loob na halos pwede ng bumuo ng malaking pamilya. Napangiti siya sa naisip. “kakatukin na lang kita kapag dumating na ang inorder kong pagkain.” “salamat.” Ngiting tugon niya sa binata.
Nahiga siya sa kama at napapikit ng dumaiti ang likod sa malambot na higaan. Ilang taon rin niyang hindi naranasan ang mahiga sa malambot na kama. Sa iniaalok na tulong ni Nick ay tiyak niyang mamumuhay na ng payapa ang mga tao sa isla. Handa siyang magpaguhit sa binata makabawi man lamang sa hangad nitong makatulong sa kanila, sa naisip ay mahimbing siyang nakatulog.
Naalimpungatan siya ng makarinig ng mahihinang katok, bumangon siya at pinagbuksan ng pintu si Nick. May iniabot iyong paper bag sa kanya at nahihinuha niyang mga damit ang mga iyon. “Change your clothes Mayumi, para komportable ka at pag katapos mong magbihis kakain na tayo.” Nginitian siya ng binata bago tumalikod namula naman siya sa ginawa nito at napayuko. “Nick, salamat sa mga damit.” Liningon ng binata ang dalaga at natigilan iyo ng makitang lalong naging kaakit-akit si mayumi matapos na makapag bihis ng matinong damit. Sigurado siyang pag-aagawan ang kanyang obra oras na maipinta niya ang dalaga. “wala iyon, haloka kumain muna tayo.” Pinaghila siya nito ng mauupuan. Kaya pala gayon na lamang ang pagnanais ng gobernador na maangkin nito si mayumi, ito ang tipo ng babaeng hindi mo pag sasawaang titigan ang mukha. She’s also educated and elegant, bukod sa may mabuti pa itong kalooban, patunay ang pagnanais nitong maisaayos ang kalagayan ng mga igorot. “Kailan mo nais na ipinta ako nick?” tanong nito bago nagsimulang kumain. “kung hand aka na mayumi, ngunit sigurado ka na ba? Nude painting ang iguguhit ko.” Mabilis na tumango ang dalaga. Nakikita niya ang propesyonalismo sa mukha nito. “I’ll accept it.” Lihim siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi nito. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ang propesyon ang kanyang iniisip,kundi ang pananabik na makita ang kahubdan ng dalaga. “damn how pervert I am!” mahina niyang mura sa sarili.
Nude painting? Hindi niya napigilang kabahan sa sinabi ni nick, kung gayon makikita nito ang kanyang kahubdan, ngunit desidido na siya. Nais silang tulungan ng binata at nais din niyang suklian ang pagmamalasakit nito, wala namang mawawala sa kanya kung iguguhit siya nito ng hubad. Makita man siya ng mga tao ay doon lamang sa obra nito. Nakapag desisyon na siya, mamamalagi siya sa isla kapag maayos na ang lahat. Kahit batid niya sa kanyang sarili na mamimiss niya ang presensya ng lalaking tuluyan ng naging mahalaga sa kanya.
Mahigpit kong hawak ang roba. Sa loob ng damit na iyon ay wala akong saplot na kahit na ano. Walang tigil ang kabog ng aking dibdib. Napapitlag ako ng lapitan ni nick at bahagyang hawakan ang aking nanginginig na mga balikat. “You can say no Mayumi…” Mabilis siyang umiling “I can do it.” Nakangiti siyang tinanguhan ng binata. “Ok just relax, take a deep breath.” Sinunod niya ang sinabi nito. Napapikit siya ng tuluyan ng kalagan ng binata ang pagkakabuhol sa kanyang roba at tuluyan iyong bumagsak sa sahig. Narinig pa niya ang paghinga ng malalim ng lalaki. Bahagya niyang tinakpan ang dibdib at pinagsalikop ang mga binti ng makitang mtaman iyong pinagmamasdan ng binata. “It’s ok Mayumi, let’s work on it para matapos na.” tinanguhan niya ang binata at huminga ng malalim.
Napakaganda! Iyon ang mga katagang umuukilkil sa isipan ng binata ng mga sandaling iyon. Ang katawan ng dalaga ay tila nililok ng dalubhasang iskultor. Pigil ang hininga ng makitang nagsimula ng pwumesto ang dalaga. Bahagya itong nakatalikod sa kanya at ang maamomg mukha ay nakatingin sa kanyang direksyon. Bahagyang natatabunan ng mga braso nito ang dibdib, at ang mahahabang binti nito ay sinadyang itingkayad upang matakapan an kahubadan. Hindi malaswa ang dating ng dalaga, ngunit heto siya at parang sinisilaban sa sobrang init na nararamdaman. Napalunok siyang muli ng hagurin ng tingin si mayumi. This lady is the epitome of true beauty and innocence. Sinimulan niyang hagurin muli ng tingin ang kagandahan sa kanyang harapan, kasabay ng maingat na paghagod ng brush sa kanyang canvass na tila iyon ay ang katawan ng dalaga. Bahagya pang nanginig ang kanyang mga kamay, malaki ang epekto ni mayumi sa kanya noon pa mang una pa lang niya itong masilayan sa isla.
Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ng mukha ni Nick, habang abala ito sa pag guhit sa kanya. Ang makapal nitong mga kilay ay bahagyang nagsasalubong, batid niyang nagku concentrate sa ginagawa ang binata. Ang kaninang hiya na naramdaman niya ay tuluyan ng naglaho. Tila sanay na ang binata na makakita ng hubad na katawan dahil ito ang kanyang trabaho at tila natural na lamang iyon sa lalaki at walang espesyal na anupaman doon. Nakaramdam siya ng lungkot, naisip niyang sino ba naman siya para pagtuunan nito ng pansin. Batid niyang mas mahalaga sa lalaki ang propesyon nito, patunay roon ang pag-alok nito sa kanya ng bagay na iyon. Ngunit hindi sig alit kay Nick, kagustuhan rin niyang ipinta siya nito. Ilang oras siya sa ganoong posisyon na hindi man lang nakakaramdam ng pangangalay na syang ikinangiti niya ng lihim sapagkat habang abala ang binata sa pag guhit sa kanya ay abala rin siya na pagmasdan ang mukha nito. Iniukit niya sa isipan ang bawat detalye ng mukha nito at babaunin niya iyon sa pag-uwi sa isla at sa paghihiwalay ng kanilang mga landas pagkatapos. “Here you are.” Nakangiti siyang linapitan ng binata at tinulungang balutin ang sarili ng roba. “Tapos na ba?” muli itong ngumiti at tumango. “tapos na mayumi at napakaganda ng kinalabasan, sinisigurado ko sayo ito na nag pinakamagandang obrang nagawa ko.” Napangiti siya sa sinabi nito, pakiramdam niya ay namula ang kanyang mukha. Kung binibiro lamang siya nito ay napaniwala siya. “See it yourself, para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo at hindi kita binibiro.” Nginitian niya ang binata at tinungo ang katatapos pa lamang na obra nito. Napasinghap siya ng makita ang sarili sa canvass. Napakahusay nito, buhay na buhay tignan ang larawan, napakagaling na pintor nito kung alam lang ng binata na nagustuhan niya iyon. “You like it?” napapikit pa siya ng malanghap ang mabango at mainit na hininga ng lalaki sa kanyang likuran. Mabilis niyang tinanguan si Nick. Buong paghangang hinagod ng binata ang larawan, hindi malaswa ang dating ng larawan ni mayumi bagamat may kakaibang dating doon na hindi niya maipaliwanag.”Napakaganda mo mayumi at ang larawan na iyan ang repliksyon.” Napasinghap siya ng hawakan ng binata nag kanyang mga kamay. “Maraming salamat at pinahintulutan mo akong iguhit kita.” Ngiti lamang ang isinagot niya sa binata. Wala siyang mahagilap na sabihin sa mga sandaling iyon. Napasinghap siya ng gagapin nito ang kanyang mga mukha, tila batid na niya ang nais nitong mangyari. “Please let me kiss you mayumi.” Napapikit siya at namalayan na lamang na tumango sa sinabi ng binata. Nais rin niyang maranasan ang halik nito. Napasinghap siya ng maramdamang tuluyan ng naglapat ang kanilang mga labi. It was her first kiss, at tuluyan na siyang tinangay ng agos. Handa siya anuman ang kahinatnan nito. She admit she truly admire this man, yes indeed!
BINABASA MO ANG
The Intruder
General FictionNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...