Five Years Later…
“Mommy please wake up! Daddy is here na…”
Napangiti siya ng maramdaman ang mahihinang yugyog sa kanyang balikat, ibinaon niyang muli ang mukha sa unan. “Mommy you promise na dadalhin mo kami sa isla…” ungot ng kanyang munting prinsesa. Mabilis siyang napabangon ng marinig ang sinabi nito. Pinangakuan nya nga pala ang kambal na ipapasyal niya itong muli sa isla. “Wake up sleeping beauty…” narinig niyang wika ng paparating na si Tim. “Daddy…” nagsitakbuhan ang dalawa niyang anak papunta kay Tim. Sabay namang binuhat at kinalong nito ang kanyang kambal. “come on mayumi bunangon ka na dyan at ayusin mo na ang sarili mo, naiinip na ang mga anak natin.” Napangit siya ng sabay-sabay itong nahiga sa kanyang tabi. “Okay kids, and you are mister…wait me here, maliligo lang ako saglit.” Tumayo na siya para pumunta ng banyo ng sumigaw ang kambal. “Mommy, you forgot something…” napakunot ang kanyang noo sa sinabi ni Kiel. “And what is those honey?” sagot niya sa anak “You forgot to kiss us.” Napangiti siya sa sinabi ni Yasmien. “Oh, sorry mommy is in a hurry.” Linapitan niya ang mga ito at pinugpog ng mga halik. “Ok, that’s enough kids baka mainip na ang kuya bitoy at si tata iloy sa paghihintay sa atin.” Akma na niyang tatalikuran ang dalawa ng muling magsalita ang kambal. “How about Daddy’s kiss you also forgot?” napangiti siya ng lumingon kay Tim. Nakangiti itong nagkibit nalikat sa kanya. “Hindi ko sila tinuruan mayumi kung iyan ang iniisip mo.” Linapitan niya ang lalaki at mabilis itong ginawaran ng halik sa pisngi, ngunit mabilis itong bumaling sa kanyang direksyon kaya bahagyang naglapat ang kanilang mga labi. Napangiti ito sa nangyari habang siya ay iiling-iling na pumasok sa banyo para maligo. Napasinghap siya ng dumaiti ang hubad na katawan sa maligamgam na buhos ng tubig mula sa shower. Kasabay ng pag ragasa ng mga ala-ala sa nakalipas na halos limang taon.
Narinig pa niya ng tawagin siya ng ina bago nawalan ng malay. Nagising siya sa silid na hindi pamilyar sa kanya, base sa kanyang naamoy ay siguradong nasa loob sila ng probadong hospital. “Ma.” Hinaplos ng ina ang kanyang noo. “What happened?” pinunasan muna nito ang mga luha bago nagsalita. “You’re four weeks pregnant mayumi, magkaka anak na kayo ni Tim.” Napasinghap siya sa sinabi ng ina. Buntis siya? Ngunit nagkakamali itong si Tim ang ama ng kanyang dinadala. Walang kaalam-alam ang kanyang mga magulang. Akala ng mga ito ay matagal na silang nagkakamabutihan ng gobernador, at nais niyang mag paliwanag sa mga ito. “Ma, Pa it’s not what you think…” hindi na niya naituloy ang iba pang nais sabihin ng ng makitang paparating si Tim, nakangiti ito sa kanya at tila batid na rin ang nangyari. “You need some rest mayumi, mag kaka anak na tayo.” Maang siyang napatingin sa binata. Nag mamaang-maangan ba ito? Hinalikan siya nito sa noo at masuyong pinisil ang kanyang kamay. “Huwag ka ng mag- isip ng maraming bagay mayumi, im still here for you anuman ang mangyari.” Napapikit siya ng haplusin nito ang kanyang noo, kung gayon batid nitong kay Nick ang kanyang ipinag bubuntis at handa pa rin siya nitong tanggapin sa kabila ng lahat. Napangiti ang kanyang mga magulang sa nakitang tagpo nila ni Tim. Akala ng mga ito ay labis silang nag kakaunawaan ng gobernador. “Maari ka na daw umuwi sweetheart, doon ka na lamang sa mansion magpahinga, at wag na wag mong papagurin ang sarili mo mayumi.” Inihatid sila nito sa kanilang tahanan. Nais niyang mapag-isa at maka-usap ang binata tungkol sa mga nangyari. “Tim, im sorry…” hinwakan niya ang kamay nito ng tuluyan silang mapag-isa sa veranda. “You don’t have to mayumi. Katulad ng sinabi ko buo pa rin kitang tatanggapin, at sana hayaan mo akong tumayong ama ng magiging anak mo.” Namaos ang tinig nito, hinaplos niya ang mukha ng binata at nakangiti niya itong tinanguhan. “Makakaasa ka tim.” Sukat sa kanyang sinabi ay masuyo siya nitong yinakap. “ mayumi nais ko sanang sa ating dalawa lang muna ito at ayokong may ibang makaalam na hindi sa akin ang ipinag bubuntis mo.” Nakikiusap na wika nito sa kanya. Tinanguan niya ang gobernador. naunawaan niya ang dahilan nito. Isa itong iginagalang na pulitiko sa kanilang lalawigan at hindi nga maganda na malaman ng lahat na buntis siya sa ibang lalaki at pakakasalan parin siya nito. “I promise Tim, this secret is justonly between us.” Ngunit hindi natuloy ang kasal nila ng lalaki, nais nitong pagkapanganak niya na lamang sila mag pakasal sa kadahilanang naging sakitin siya ng ipinag bubuntis niya ang kambal. Mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang paglaki ng mga bata sa kanyang sinapupunan. Malusog niyang isinilang ang dalawa. Samantalang labis siyang nagpapa salamat kay Tim, inintindi siya nito sa lahat lahat. They used to be lived in one roof at nagpapasalamat siyang rinespeto siya nito. They never do an intimate relationship, tila sila magkaibigan ng mga panahong iyon up to the present day. Mabuti na lamang at nagawan nito ng paraan para hindi ianunsyo ng mga taong nakakaalam ng kanilang dapat sana nilang pagpapakasal ng gobernador, kung hindi ay mapipilitan itong pakasalan siya sa kabila ng kanyang kalagayan noon. At ngayong apat na taon na ang kanyang mga anak ay hindi pa rin nila muling napag-uusapan ang tungkol sa kasal na lihim niyang ipinagpapasalamat. Nakita na niya sa apat na taon mahigit na responsible at mabait naman itong ama sa kanyang mga anak. Ang alam ng kanyang mga magulang at mga anak ay si Tim ang totoong ama ng kanyang mga anak at napagdesiyunan na niyang hindi na babaguhin ang paniniwalang iyon ng kanyang mga anak.
Mariin siyang napapikit ng maalala si nick, kailanman ay hindi na ito muling nagpakita sa kanya, ni hindi kahit sa isla. Sino ba naman siya para pagtuunan nito ng pansin. Mapait siyang napangiti. Pinapangako niya na hinding-hindi nito malalaman na nagbunga ang kanilang kapusukan noon. Isa lang ang ipinagpapa salamat niya sa lalaki at iyon ay ang pag dating ng dalawang anghel sa buhay niya na hindi mangyayari kung hindi dahil kay nick.
BINABASA MO ANG
The Intruder
Ficción GeneralNicholas Billientes AKA Nick was a famous painter slash photographer. He is also an active adventurer, mountain hiking and climbing anywhere, cave and island hopping everywhere. Hanggang sa mapadpad siya sa isang lugar kung saan makikilala niya ang...