Chapter 9

73 1 0
                                    

Napapitlag sa kinauupuan si Mayumi ng marinig ang sunod-sunod na pag tunog ng kanilang doorbell. Mabilis siyang tumayo para puntahan iyon nauna na pala ang kanyang ina at napag buksan na ng gate kung sino man iyon. Gayon na lamang ang gulat niya ng makita si Nick karga sa mag kabila nitong braso ang kanyang mga anak. Maging ang kanyang ina ay napasinghap sa nakita. Mabilis itong nakahuma bagama’t tila nalilito ay kinuha nito ang mga bata sa lalaki. Nanginig ang kanyang mga tuhod ng marinig na maging ang kanyang ama ay malakas din na napasinghap sa nakita. Pinag lipat-lipat nito ang tingin kina Nick at Kiel. “Anong ibig sabihin…” hindi na nito naituloy ang iba pang sasabihin ng hilahin ito ng kanyang ina papasok sa kabahayan. “Hindi mo maikakaila ang bagay na iyon Mayumi.” Napapikit siya ng mariin sa sinabi nito. Nagtataka man siya kung bakit ito naroon ay hindi na iyon mahalaga sa kanya. “Ganoon na ba ang galit mo sa akin, kaya hindi mo man lang nagawang ipagtapat sa akin kahit na nagkita na tayo sa isla?” Punong-puno ng hinakit ang tinig nito. “Pinag-isipan ko ng maraming beses…” “Damn it! Mayumi. Biktima din ako ng maling paniniwala. Hinding-hindi ko tatalikuran ang responsibilidad ko sayo. Ipinag kait mo sa akin iyon. Ipinag kait mong makilala ko at makilala ako ng anak ko.” Napahikbi siya sa sinabi nito. “Hindi ko alam Nick…hindi ko alam ang gagawin ko.” Pulang-pula ang mukha nito ng mga sandaling iyon. “Nag padala ako sa selos kaya umalis ako ng walang paalam at napag desiyunan ko na doon na lamang kita hihintayin sa isla. Ngunit hindi ka na muli pang nagpakita dahil nagkasakit pala ang yong ina. Nang sumama ako kay Tim doon ko natuklasan na mag iisang buwan na pala akong buntis at kambal ang dindala ko, at yon ay sina Keil at Yasmien.” Gumagaralgal na rin ang kanyang tinig habang nag papaliwanag rito. “At kung hindi ko pa nakita ang mga bata ay habang buhay mo na lamang iyon na ipag kakait sa akin! Iyon ba ang balak mo Mayumi?” Napapikit siya sa sinabi nito. “Ilalaban ko sa korte ang karapatan ko sa mga bata Mayumi!” Gulat siyang napatitig dito. “hindi mo na kailangang gawin iyan dahil sasabihin ko naman sa mga bata ang totoo sa tamang panahon…” “Damn it Mayumi!” Pigil nito sa iba pa niyang sasabihin. “This is the right time. Halos limang taon na!” “Hindi mo naiintindihan!” sagot niya rito. “It’s because you scared that the governor will know about this? Ganoon ba? Takot ka na malaman ng gobernador na hindi sa kanya ang ipinag bubuntis mo and you scared that he will dumped you and he will put you into shame!” Isang malakas na sampal ang pinakawalan niya sa sinabi nito. “Wala kang alam…umalis ka na!” Sigaw niya rito. “Ilalaban ko sa korte ang karapatan ko sa mga anak ko Mayumi!” ulit nito sa kanya. Napapikit siya ng tuluyan itong maka alis. Hindi niya gustong masampal si Nick. Tama ito karapatan nitong malaman at ng mga bata ang totoo. Ngunit hindi nito naiintindihan ang nais niyang mangyari. Ayaw niyang biglain ang kanyang mga anak. Limang taon halos lumaki ang mga ito na ang buong akala ay si Tim ang ama ng mga ito. Wala ba siyang karapatan na ihanda muna ang damdamin ng mga anak sa pag-sabi niya ng katotohanan. Mabilis niyang pinahid ang mga luha bago pumasok sa loob ng bahay.
Mahabang paliwanag ang ibinigay ni Mayumi sa mga magulang sa nasaksihan. Inamin niya sa mga ito kung saan una niyang nakilala ang lalaki at alam ni Tim na hindi niya tunay na mga anak ang dalawang bata. “Malaki ang magiging epekto nito sa mga bata kapag nalaman nilang hindi si Tim ang totoo nilang ama.” Malungot na wika ng kanyang ina. Tahimik lamang na nakikinig ang kanyang ama. “I knew it from the very beginning Mayumi.” Napasinghap siya sa sinabi ng ama. “Hindi kami bulag para hindi makita na wala man lamang nakuhang pagkakahawig ang dalawang bata kay Tim. And yet we still waiting for your explanation. Patawarin mo kami anak kasalanan naming ito ng mama mo.” “No Pa, walang kayong kasalanan. Totoong minahal ko si Nick kaya nag paubaya ako at kahit hindi siya nangako na tutulungan ang mga igorot I would still loved him.”
Tulog na ang mga bata ng maisipan niyang mag pahangin sa terasa ng kanilang mansion. Iniisip niya si Nick. Paanong nakita nito ang kanyang mga anak? Ang buong akala niya ay umuwi na sa syudad ang lalaki. Nabaling ang kanyang tingin ng makita ang bahay sa di kalayuan ng lumiwanag iyon. Matagal ng walang nakatira doon at ginawa na lamang na paupahan. Wala sa sariling pinag masdan niya ang ginagawa ng anino ng taong iyon. Nakita niyang umakyat ang anino ng kung sino mang taong iyon sa ikalawang palapag. At ganoon na lamang ang gulat niya ng makita si Nick ng bumulaga ang pigura nito sa katapat na terasa ng kanilang bahay. Ano ang ginagawa ng lalaki roon? Kahit nasa malayo ito ay pinangatugan siya ng mga tuhod ng makita kung paano siya nito titigan. Noon niya napag tanto na isang manipis na kulay puting nighties lamang ang kanyang suot. Nakalimutan niyang isuot ang kanyang makapal na roba. Papasok na sana siyang muli sa kwarto ng makitang may linagok ang lalaki. Nang tignan niya iyon ng mabuti ay napag tanto niyang bote ng alak ang hawak-hawak nito. Napasinghap siya ng makitang tumalikod na ito ngunit tumumba ito sa ikalawang pag hakbang. Inantay niyang tumayo ang lalaki ngunit hindi iyon nangyari. Nakatulog na ata sa sobrang kalasingan. Nayakap niya ang sarili ng biglang umihip ang malakas na hangin at bumuhos ang malakas na ulan ngunit hindi pa rin natinag sa kinahihigaan ang binata. Walang bubong ang terasa ng bahay kung nasaan ito ngayon kaya untu-unti ng nababasa ang buo nitong katawan. Napailing siya. Kinuha ang roba at ang malaking payong. Binuksan ang gate at tinakbo ang bahay kung saan naroon si Nick. Nagpasalamat siya ng mapag tantong hindi naman naka lock ang pinto nito. Mabilis niyang tinakbo ang ikalawang palapag at pinuntahan ang binata sa terasa. Naabutan niya ito roong nanginginig sa ginaw. Basang-basa ang buong katawan nito.
  Inalalayan niya ang pupungas pungas na lalaki patungo sa inuukupa nitong silid. Maging siya ay basang-basa na rin ng madikit sa basang katawan nito ang kanyang damit. Nang maihiga ang lalaki ay hinubaran niya ito ng damit at sapatos. Hindi niya napigilang pasadahan ng tingin ang makisig nitong katawan. Ang mabalahibo nitong dibdib ay mas lalong naka dagdag sa karisma nito. Naramdaman niya ang pamumula ng dumako ang mga mata sa pang-ibabang bahagi ng katawan ni Nick. Hinubad niya ang basang basa nitong pantalon. Pakiramdam niya ay napakainit ng paligid gayong napakalakas ng ulan. Napadako ang tingin niya sa natitirang saplot ng lalaki. At kahit pumikit man siya ay alam niya ang itsura at hugis ng bahaging iyon ng katawan nito. Kinumutan niya ang lalaki at nag hahanda ng umalis ng marinig niya itong nag salita. “Panaginip na naman ba ito?” liningon niya ang lalaki namumula ang mukha nito at nakatingin sa kanya. “Mayumi…bakit palagi mo akong iniiwan sa aking panaginip?” Nangangatog ang mga tuhod ng lapitan niya ito. Aaminin niyang miss na miss na niya ang lalaki. Ang totoo ay nais niyang yakapin ito ng mahigpit. Kinulong nito sa mga palad ang mukha niya. Napapikit siya ng masamyo ang mabangong hininga ng lalaki sa kabila ng ininom nitong alak. “If it’s a dream I don’t want to wake up anymore.” Napasinghap siya ng sakupin nito ang kanyang mga labi. Napakabanayad niyon na halos inilulutang siya sa ulap. Nakapag tatakang kahit limang taon halos na ang lumipas ay gustong-gusto pa rin ito ng puso niya. Hinahanap-hanap pa rin ito ng katawan niya. Napapikit siya ng bahagya siyang hilahin ni Nick dahilan para maglapat ang mga katawan nila. Naramdaman niya ang init na nagmumula sa kanilang mga katawan na tila nag susumigaw ng matinding pananabik sa isat-isa. “Ikaw lamang ang babaeng minahal ko ng ganito mula noon hanggang ngayon Mayumi…” paos ang tinig na wika nito ng bahagyang mag hiwalay ang kanilang mga labi. Kung alam lamang nito na ganoon din ang kanyang nararamdaman. Napasinghap siya ng kumilos ito at ikinulong siya nito sa mga braso. “Tell me im not dreaming Mayumi. Tell me that this is real. You are real.” Mahina niya itong tinanguhan. “Totoo ito Nick at hindi ka nananaginip…” Sa sinabi niyang iyon ay muli siya nitong siniil ng halik. All she can do was moan in pleasure when Nick do his moves. At kahit na tuluyan ng tumila ang ulan ay hindi pa rin tumila ang pananabik nila sa isa’t-isa until their body and soul become one for the second time around.
Masakit ang ulo ng magising si Nick. Napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi. Isang napakagandang panaginip. Natigilan siya.Totoo iyon at hindi siya nananaginip, totoong naroon si Mayumi ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay nasasamyo niya ang mabango nitong amoy ang malambot nitong katawan ay sariwa pa sa kanyang ala-ala ang mga labi nitong walang sawa niyang hinalikan. Patunay roon ang robang naiwan nito bago umalis. Napangiti siya. Ramdam na ramdam niya ang maiinit na tugon ni Mayumi kagabi. Mabilis siyang bumangon at sinilip mula sa terasa ang bahay nito. Napakunot ang kanyang noo ng makita ang kotse ng gobernador.
“Hindi ako makakapayag na ilayo mo sa akin ang mga bata Mayumi!” Galit na sigaw ni Tim sa kanilang pamamahay ng malaman nito na alam na ng kanyang mga magulang ang totoo. “Hindi ko sinasabing ilalayo ko sila sa iyo Tim. Karapatan nilang malaman kung sino ang totoo nilang ama. Huwag mong ipag kait iyon.” Paliwanag niya rito. Umiling-iling ito na ikinabigla niya. “Akin lang ang mga bata Mayumi!” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi nito. “May batas tayo para sa ganyang bagay Tim at alam kong alam mo iyon!” Nag sisimula na ring tumaas ang kanyang boses. Matapos ang nangyari sa kanila kagabi ni Nick ay nakapag desisyon na siya na sasabihin na ang totoo sa mga bata maintindihan man ng mga ito o hindi. Ngunit alam niyang maiintindihan iyon ng mga anak. Alam niyang matatalino itong bata. Napasinghap siya ng hawakan nito ng mariin ang kanyang mukha at iyon ang tagpong naabutan ng kanyang mga magulang. “Wala kang karapatan saktan ang anak namin!” Sigaw ng kanyang ama. Binitiwan naman nito ang pagkakahawak sa mukha niya. “Hindi ko sinasadya.” Paumanhin nito.  “Mag-uusap tayo Mayumi.” Tinanguhan niya ito. Kahit paano ay malaki ang utang na loob niya rito itinuring nitong tunay na anak ang kanyang kambal. Kahit papaano ay naging mabuti itong ama sa kanyang mga anak. Hindi pa man tuluyang nakaka alis ang gobernador ay sumulpot na lamang roon bigla si Nick. “Mapilit po sya kaya pinapasok ko na.” hinging paumanhin ni luming. Nag-igtingan ang mga ugat sa sentido ng gobernador ng makita si Nick. Galit siya nitong tinignan bago umalis. Anuman ang iniisip nito ng mga sandaling iyon ay hindi niya alam. Kitang-kita niya ang galit at pag kasuklam sa mukha nito ng lampasan nito si Nick. Maging ang binata ay nakipag sukatan rin ng tingin sa gobernador. Linapitan niya ito ng maka-alis si Tim. “Hindi ka dapat nagpakita sa kanya mas lalo mo lamang pina palala ang sitwasyon!” sambit niya sa lalaki. “Hindi ako criminal para mag tago sa kanya Mayumi. Mas may karapatan ako sa anak natin!” ganting sagot nito sa kanya. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha. “Paumanhin ho kung basta na lamang akong pumasok sa inyong pamamahay.” Hinging paumanhin nito sa kanyang mga magulang. Nginitian ito ng kanyang ama. “Alam na namin ang lahat, at kahit anumang oras ay bukas ang pintu para dalawin mo ang mga bata.” Napatingin siya sa sinabi ng ama. Tila hindi siya makapaniwala sa narinig. Ang buong akala niya ay magagalit ito sa binata ngunit hindi iyon nangyari. “Maraming salamat.” Sagot naman ni Nick sa mga ito. Maya-maya pa ay nakita nilang papalapit ang kanyang mga anak. Pupungas pungas pa ang mga ito halatang kakagising lamang. Ngunit nabuhayan at tila sumigla ng makita si Nick. “Nicholas…!” Masayang bulalas ng kanyang anak na si Yasmien. Napapikit siya ng marinig ang sinabi nito sa lalaki. Patakbo itong lumapit sa lalaki. Kinarga naman ito ni Nick. Maging ang walang kibo na si Kiel ay binuhat rin nito. “I have a good news for both of you kids.” Nakangiti nitong sambit sa kambal. “What is it?” sa kauna-unahang sandali ay narinig niyang sumagot si Kiel. “I’m going to be part of your life. Do you love that? Mabilis namang tumango si Yasmien samantalang napatingin lamang sa kanya si Kiel. “Are you a relatives?” bagaman nalungkot ay nakangiti pa ring umiling si Nick sa sinabi ni Kiel. “Then what?”  magsasalita na sana siya para mag paliwanag ng maunahan siya ni Nick “I am your real daddy.”  Tila hindi naman makapaniwalang napatakip ng bibig ang kanyang anak na si Yasmien si Kiel naman ay tuluyan pa ring nakatitig kay Nick. “Is that true mom?” Inosenting tanong sa kanya ni Kiel. Yinakap niya ang anak at tinanguhan. “That’s why my face and his face are the same?” muli niya itong tinanguhan. “I knew it! I told you kiel.” Sabat naman ni Yasmien. “But how about daddy Tim who is he?” inaasahan na niya ang maraming katanungan mula sa lalaking anak. He was so smart and observant. “Daddy Tim is our second daddy while our real Dad is on vacation Kiel.” Lihim siyang napangiti sa sinabi ni Yasmien. Hindi ito pinansin ni kiel na tila hindi sang-ayon sa sinabi ng kapatid.  “I’m sorry anak kung hindi nasabi sa inyo ni mommy ng mas maaga ang totoo. You and yasmien were still a baby and this matter is not yet the right time to tell…” “I can understand everything mom.” Pigil ni Kiel sa sinasabi niya. “We will always understand and obey you.” Nangilid ang kanyang mga luha sa sinabi nito. Napatingin siya kay Nick katulad niya ay nangingilid rin ang mga luha nito ng mga sandaling iyon. He was so proud to his little boy. She read and saw it deep inside to his eyes. “Wow I can’t believe it! I have two daddy. The real one is Daddy Nicholas and the second one is Daddy Tim!” masayang bulalas ng anak na si Yasmien. “Our Dad is only Daddy Nicholas Yasmien we should call Daddy Tim,Uncle.” Sa pag kakataong iyon ay nginitian na ng anak na si Kiel si Nick. “We are glad to finally meet you Dad!”  napansin niya ng makita ang butil ng luha na pumatak galing kay Nick mahigpit at masuyo nitong yinakap si Kiel. “I do too baby.” Aaminin niya na napakasaya niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin niya napigilang maluha sa nakikitang tagpo sa kanyang mag-aama. “Thank you Mayumi.” Hindi man malakas ay sapat para marinig iyon ni Mayumi. Nakangiti niya itong nginitian at tinanguhan.
Hinayaan niyang manatili muna si Nick sa kanilang bahay hangga’t hindi pa dinadalaw ng antok ang kanyang mga anak. Maghapon na naglaro ang tatlo at alam niyang sinusulit lamang ng lalaki ang mga oras na hindi nito nakasama ang mga anak. Hindi ito hinayaan ng kanyang mga magulang na umalis ng hindi doon nag hahapunan. Mataman nitong pinag mamasdan ang mga anak. Ito ang nagpatulog sa mga bata. Nagayon naniniwala na siya na totoo ang lukso ng dugo. Kahit minsan pa lamang nakakasama ng mga anak ang tunay nitong ama ay malapit na ang mga ito sa lalaki. “Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon na nalaman ko na may mga anak pala tayo Mayumi.” Mahinang sambit nito na nanatiling nakatingin sa mahimbing ng natutulog na mga bata. “Kung hindi sana ako nahuli disin sana tayo ang ikinasal at hindi…” “Hindi ako ikinasal kailanman kay Tim, Nick…” Pigil niya sa sinasabi nito. Dahil sa narinig ay tila hindi ito makapaniwalang napatingin sa kanya. Tinanguhan niya ito. “Kaya malaki ang utang na loob ko kay Tim. Hindi niya ako pinilit at inintindi nya ang mga gusto ko.” “May pag-asa ba akong muli sa puso mo Mayumi?” Mahinang tanong nito sa kanya. Napapikit siya alam na alam niya ang sagot at isinisigaw iyon ng kanyang puso. Ngunit paano si Tim? Nangako siya rito na kakalimutan na niya si Nick at bibigyan ito ng pag-asa. Labis-labis siya nitong inintindi sa halos limang taong lumipas. “Hindi mo maikakaila ang nararamdaman mo Mayumi. Ramdam na ramdam ko ang ipinapahiwatig ng mga yakap at halik mo nang nagdaang gabi.” Sukat sa sinabi nito ay pinamulahan siya ng mukha. “Ayoko ng pag-usapan ang nangyaring iyon…” Napasinghap siya ng lapitan ng lalaki. Masuyo nitong hinawakan ang kanyang mukha at siniil ng halik ang kanyang labi. Napapikit siya sa ginawa nito at namalayan na lamang ang sariling tinutugon ang mga halik ng lalaki. “Magsisinungaling ang bibig ngunit hindi ang mga kilos Mayumi.” Bulong nito ng bahagyang paghiwalayin ang kanilang mga labi. “Ngayong alam ko na ang lahat, hinding-hindi ko na hahayaan pang mawalay sainyo. Labag man sa loob mo Mayumi ngunit ayoko ng makita pa ang pagkakamabutihan nyo at ng mga bata sa gobernador. Siya ang dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay sa mahabang panahon.” Mahabang paliwanag nito. Umiling-iling siya. “Hindi iyon ganun kadali Nick…Malaki ang utang na loob ko kay Tim. Siya ang kinalakhang ama ng mga bata mula pa sa umpisa…” “I’ts because he manipulated everyone Mayumi!” Mahina at madiing sambit nito sa kanya. “Hayaan mo akong pag-usapan naming ni Tim ang mga bagay na ito Nick.” Tinanguhan siya nito. “I won’t leave by your side ever again Mayumi.” Napapikit siya ng muling siilin ni Nick ng halik. Bahagya niya itong naitulak ng maramdaman ang mga kamay ng lalaki sa kanyang magkabilang dibdib. “Baka magising ang mga bata.” Alam niyang pulang-pula na ang kanyang mukha ng mga sandaling iyon. Nginitian siya nito at tinanguhan. “I badly miss you Mayumi.” Pagkasabi niyon ay hinalikan nito ang kanyang noo. “Aalis muna ako saglit Mayumi. Babalik ako bukas para ipasyal at makasama ang mga bata.” Nais man niyang tumanggi at sabihing doon na ito matulog ay pinangunahan siya ng hiya. “Hihintayin ka namin ng mga bata bukas Nick.”
Hinatid niya ito hanggang sa bukana ng kanilang gate. “Hindi ako uuwi sa inuupahan ko ngayon Mayumi.” Kinabahan siya sa sinabi nito. Uuwi ba ang lalaki sa syudad. “Pero huwag kang mag-alala hindi ako uuwi ng syudad may aasikasuhin lamang ako.” Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Napapikit siya ng muling siilin ng halik ni Nick. Mas malalim at tila ayaw ng bitawan ang kanyang labi. “Mahal na mahal kita Mayumi at hindi iyon nagbago kahit lumipas pa ang maraming mga taon.” Napasinghap siya sa sinabi nito. “Ngayon lamang ako muling nagkaroon ng pagkakataon na masabi ang matagal ko ng gustong sabihin saiyo Mayumi. At sana maniwala ka na mahal kita. Mahal na mahal Mayumi.” Kitang-kita niya ang sinseridad sa tinig ni Nick. At ito na rin ang pagkakataon para sabihin sa binata ang kanyang tunay na nararamdaman. “Mahal din kita Nick noon pa man, at hinding hindi kita nakalimutan.” Nangingilid ang mga luhang yinakap siya ng binata. Muli siya nitong siniil ng malalim at mahabang halik bago tuluyang nag paalam.
Masayang-masaya ang pakiramdam ni Nick habang binabagtas ang daan gamit ang inupahang sasakyan patungo sa pantalan kung saan nakaparada ang kanyang yate. Naroon at hinihintay na siya ng anim na mga kalalakihan. Ang kanyang tauhan na si Mariano at ang limang nagpanggap na bandido na naka engkwentro niya noon sa isla habang sakay siya sa kanyang yate. Nasa tagong sulok ang kinapaparadahan ng sasakyang pandagat na gamit nila at hindi iyon doon basta-bastang mahahalata. “Hindi namin nakikita ang gobernador sa yate, halos dalawang araw na siyang hindi nagagawi roon.” Bungad sa kanya ni Mariano. “Alam na niyang narito ako Mariano. Nakita niya ako kanina sa bahay nina Mayumi kaya sigurado akong nag-iingat o may ibang pina plano ang tusong gobernador na iyon.” Naikuyom niya ng mahigpit ang mga kamay. Hinding-hindi niya hahayaang mapahamak ang kanyang mag-iina.
Magdamag silang nagman-man sa yate ng gobernador kung saan naroon ang mga laboratory ng shabu na sinasabi ni Mariano at grupo nina Arman ngunit wala naman silang kakaibang nakita. Halos ilang oras lamang siyang nakatulog. Maaga pa ay binabagtas na niya ang daan pabalik sa bahay nina Mayumi. Excited na siyang makita ang kanyang mag-iina.

The IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon