Mandy's POV
"Sorry I'm late." Napaangat siya ng tingin sa nagsalita sa gilid niya.
"Ok lang..kakaupo ko lang din naman." Sabi niya bago ito inayang maupo sa harap niya.
Clyde's father invite her for a coffee dahil may sasabihin daw ito sa kanya. After Clyde said those words two days ago ay natahimik nalang sila sa sasakyan.
When Clyde hug her and cry on her chest ay nakita niya ang pagkuyom ng kamao nang tatay nito bago ito nag iwas nang tingin. At first she wanna judge him but when she saw the pain on his eyes while staring at Clyde ay tumahimik na lang siya.
"Did you order already?" Tanong nito kaya umiling siya.
"Let's eat first if that's ok?"
"Ok lang." she said at pilit na ngumiti para maitago ang kaba na nararamdaman.
They ordered and when the food arrive ay kumain na muna sila. Tahimik lang sila pareho at parehong nana nantya sa isat isa.
"Miss."
"Mandy ang pangalan ko." She said na nagpatango dito.
"Mandy, I just wanna say thank you again for helping my son." Sensiro nitong sabi.
"Ok lang. Tungkulin ko yun bilang guro niya. Isa pa kahit sino naman tutulungan ang anak mo."
Huminga ito nang malalim bago tumingin sa labas ng bintana kung saan sila nakapwesto.
"I lost my wife six years ago dahil sa panganganak kay Clyde." Biglang sabi nito kaya napaayos siya ng upo. "She was the love of my life. She got heart problem at makakasama sa kanya ang magbuntis. But she tricked me that she's taking some pills yun pala hindi. Then Clyde happen, and my wife fought to continue her pregnancy. It was ok, we tried hard to make sure she's ok and no complications habang buntis siya dahil ayaw ko siyang mawala sa akin."
Kitang kita niya ang sakit sa mga mata nito kaya napakagat labi siya para mapigil ang sarili na magsalita.
"But then five minutes after Clyde got out of this world, she got a major attack that caused her life." Napakuyom ito nang kamao bago napapikit. And when he open his eyes ay namumula na iyon. "Mahal ko ang anak ko Mandy, pero.."
"Pero siya ang sinisisi mo sa pagkamatay ng asawa mo?" Di niya mapigilang sabihin.
Napatingin ito sa kanya bago tila pinagbagsakan ng langit na tumingin sa kanya tsaka ito tumango.
"Ang hirap, alam kong mali pero habang nakikita ko si Clyde diko maiwasan na ganun ang isipin--."
"And do you think your wife is happy now?" Putol niya sa sasabihin nito.
Natigilan ito.
Ngumiti siya ng mapait. "Do you think masaya siyang nakatingin sa langit habang pinapanood kang sinisisi ang anak ninyo na inilaban niya hanggang sa kanyang huling hininga?" Huminga siya ng malalim. "I bet she's crying everyday."
"Clyde didn't just lost his mom, he also lost you."sabi niya. Agad siyang napaiwas ng tingin dito nang malaglag ang luha nito sa mata. "You should treasure the only person your wife left you. Buhay niya ang binigay niya para lang makita ni Clyde ang mundo. Sana wag mong hayaan na pagsisihan niya yun."
"Wag mong hayaan o hintayin na mawala din sayo ang anak mo, bago ka magbago."
----------####---------
Gabriel143