Mandy's POV
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay agad siyang lumabas nang kwarto. Tila hindi siya makahinga sa sakit nang puso niya.
She didn't meant what she said, sadyang napuno lang siya. At pag mataas ang emosyon nang isang tao ay nakakapagsalita ka ng mga salitang pagsisisihan mo sa huli.
She ended up in the back of the house. May hardin doon at pavilion, at pag gusto niyang mag isip ay dito ang puntahan niya.
She sit down on the bench at ipinatong ang mga paa sa upuan para makadukdok siya don. Then she cried all the pain she's been feeling inside her.
The agony of losing her child, the pain of being ignored. And the pain of posible heartbreak.
"Baby."
Mahina lang iyon pero agad nung napatigil ang malakas na hagulgol niya. She hear some footsteps on her back pero di siya nag angat nang tingin o lumingon dito.
Then a big warm hands hug her from behind na lalong mas nagpaiyak sa kanya.
Clinton didn't say anything and just hug her tight, yakap na tila natatakot na mawala siya.
But after awhile ay di ito nakatiis at umalis sa pagkakayakap mula sa likuran niya at nagpunta sa harap niya. Pilit nitong sinisilip ang mukha niya at nang magtagumpay ito ay masuyo nitong pinahid ang luhang walang tigil sa pagbagsak sa pisngi niya.
"Hey baby stop crying now, di kana halos makahinga oh. Tahan na ok." Masuyo nitong sabi bago idinikit ang noo sa kanya. "Sorry na, sorry na asawa ko."
Napahikbi siya sa nadinig kaya niyakap siya nito nang mahigpit. She missed him, so much.
"Shhhhh tahan na baby."
"C-Clinton may pag asa paba tayong bumalik sa dati?" Mahinang tanong niya na ikinahigpit nang yakap nito.
"Yes baby." Sagot nito bago itinaas gamit ang isang kamay ang mukha niya. He then kissed her gently on the lips bago hinalikan ang noo niya. "I'm sorry. Sorry if you feel that I'm neglecting you."
"Sorry din sa nasa-."
"Ako muna baby." Putol nito sa sasabihin niya. "Gusto kong magpaliwanag sayo. Nasaktan ako sa pagkawala nang anak natin. Pero hindi dahilan yun para mambabae ako. Wala akong babae, di ko kaya ang gaguhin ka." Sabi nito bago hinaplos ang mukha niya.
"I distance myself to you dahil ayaw kong dumagdag sa pasakit mo. I realized now na mali ang aksiyon kong magpaka busy sa trabaho dahil lang sa ayaw kong nakikita ang kalungkotan mo."
"Clinton."
"Gising ako sa bawat iyak mo sa gabi, nasa labas lang ako lagi nang kwarto ni baby nakikinig sa bawat iyak mo sa loob. Hinahayaan kita dahil alam kong doble ang sakit sayo nun. Akala ko kailangan mo nang space from me. But I was wrong, nakisabay pa ang kumpanya at talagang nilamon na nun ang oras ko."
"I thought it would be better pero hindi pala. Ang laki ng pagkukulang ko sayo. I'm sorry if I make you feel unloved this passed few weeks. I love you at hindi magbabago yun."
Napakagat labi siya when a tear fell on his eyes.
"We can still fix this right? Wag mo akong iwan. Diko kakayanin."
"Paano kong magkasakitan tayo ulit?"
"Di na mangyayari yun, ibayong takot ang nararamdaman ko ngayon baby. Kahit yakap kita di nun winala ang takot sa puso ko na baka tuluyan ka na ngang makipag hiwalay sa kin. Babawi ako, just please wag mo akong iwan." Dama niya ang pakikiusap nito.
"Magalit ka lang, saktan mo ako. Sampalin mo ako. Wag lang ganun baby, don't make separation as an option." He then give her small kisses on the face.
Hindi ito tumigil hanggang sa napahagikgik siya sa mga halik nitong may halong pangingiliti.
"Tama na ano ba." NatatWa niyang sabi pero parang nabingi ito at di nakinig.
Clinton sit next to her and before she could say anything ay kinandong na siya nito bago iniyakap ang braso sa bewang niya.
"I'm sorry." Bulong nito bago isinubsob ang mukha sa leeg niya. "I'm sorry baby."
"Forgiven." Mahina man pero alam niyang nadinig nito iyon.
She hug him back bago hinaplos ang buhok nito. Sapat na ang sinsero nitong pag hingi nang tawad para mapatawad ito. Isa pa mahal niya ang asawa, at siguro kinailangan nilang umabot sa ganung punto para maging maayos ang relasyon na akala niya ay matatapos.
"I love you." Sabi nito kaya napangiti siya pero agad nawala iyon nang may maalala. She then smack his chest na ikina aray nito. "Baby bakit?"
"May kasalanan ka sa akin at sa anak mo."
"Ano na naman ang ginawa ko?" Nakanguso nitong tanong kaya sinamaan niya ito nang tingin.
"You make Clyde wait for you. You promise him that we will have today as a family day pero kinalimutan mo." Inis niyang sabi.
"Damn."
"Tsk ayan na iinis na naman ako." Sabi niya na ikinakamot nito nang ulo bago hinaplos ang braso niya.
"Wag na nainis misis, kakabati lang natin eh." He said bago siya hinalikan sa pisngi. "Come on, it's still 8pm we can still have family bonding."
"Tsk may pasok ang bata bukas." Sabu niya pero dinampian lang nito nang halik ang labi niya.
"ma'am hindi masama ang umabsent lalo na kung mapapasaya naman ang anak natin sa dahilan. Come on baby, babawi pa ako sa inyong dalawa." Sabi nito bago siya binaba.
Clinton then hold her hand and walk on the way back to their house. Kung ano ang suot nito kanina ay siya ring suot nito ngayon and with that napangiti siya.
"Babe." She said na ikinalingon nito.
Bat ngayon lang niya napansin. Halatang walang maayos na tulog ang itsura nito kung pag babasehan ang pangingitin ng ilalim nang mga mata nito. He also look like he loose some weight.
"Bakit?"
Ngumiti siya bago yumakap sa gilid nito habang naglalakad sila.
"Mahal kita."
----------####---------
Walang away ang di nadadaan sa maayos na usapan lalo na sa isang relasyon.Gabriel143