Clinton's POV
Gigil na hinalikan niya ang leeg nang dalaga na nakaupo sa harap niya habang siya naman ay nakayakap mula sa likuran nito.
Nasa sahig sila at nakatingin sa payapang karagatan. They have blanket covering them dahil nilalamig si Mandy.
"Clinton." Mahina nitong sabi kaya napatigil siya sa paghalik sa leeg nito at ipinatong ang baba sa balikat nito bago mas hinapit ang katawan nito sa kanya.
"Yes baby?"
"Sorry." Mahina nitong sabi.
"For what?"
Nilingon siya nito at halos magbanggaan ang ilong nila sa lapit ng mukha nila sa isat isa.
"For not answering your I love you's" bumuntong hininga ito bago nag iwas ng tingin sa kanya at tumingin sa karagatan. "Natatakot pa ako."
"Mahal kita." Bulong niya kaya napalingon ito ulit. "And Because of that, I will understand you."
Napanguso ito bago namula at nag iwas nang tingin. So adorable.
"Paano kung magsawa ka? Paano kong mapagod ka?"
"Hmmm." He said before planting a kiss on her neck again.
"Paano kung di mo naman pala ako mahal?"
"That will never happen." He said bago niyakap ito nang mahigpit mula sa likuran na kulang nalang ay kandungin ito. "I will never get tired of you. Mahal kita at sigurado ako dun. I will wait no matter how long it takes for you to love me. Dahil alam ko ang pakiramdam na matakot na sumubok. Alam ko ang sakit na pinagdaanan mo dahil napagdaanan ko din yan. I still fear of loving again but then I fell for you unexpectedly. And with that, I fear to not show you my true feelings dahil baka mawala ka sakin."
"C-clinton."
"Pero mas nakakatakot ang diko maparamdam sayo na mahal kita. Life is too short to live in fear baby. I've learned my lesson with that. Kahit dimo ako mahal ok lang. Basta mahal kita at napaparamdam ko ang pagmamahal ko sayo ay sapat na yun sakin."
Napangiti siya nang may luhang tumulo sa gilid nang mata nito. He kissed those tears away bago malambing na hinalikan ang mga mata nito at pisngi, he then kissed her forehead for quite awhile bago siya huminga nang malalim at niyakap ito nang mahigpit.
He understand Mandy, he truly does. And all those words he said is true. Hindi madaling sumubok na magmahal ulit lalo na at napaka sakit ng huling pag ibig mo. He experienced it, but then he accepted it.
No. Let say Mandy make him accept it. Hindi nito alam pero sa araw araw na kasama niya ito, na nakikita niya ang saya sa mga mata nito habang kasama ang anak niya ay nahulog siya.
At first he was scared. Hindi niya matanggap na tumibok ulit ang puso niya na akala niya ay para lang sa asawa niya. That's why he takes his time. And now he's more than ready.
So he will let Mandy have her time to this process. Alam niyang may nararamdaman din sa kanya ang dalaga dahil di naman ito magpapayakap at magpapahalik kung wala diba.
Isa pa ayaw niya ng pag ibig na pilit. Gusto niya pag sinabi na ni mandy na mahal siya nito ay buo na ito. At gaya niya ay sigurado na ito sa kanya. Dahil sa oras na dumating ang araw na yun. Simbahan talaga ang bagsak nila.
Plus masaya na siya dito. Lalandiin nalang niya ang dalaga total yun naman ang expertise niya.
"Baby."
"Hmmm?" Sagot nito bago mas humilig sa dibdib niya.
"I wanna kiss you." Bulong niya bago hinalikan ang tenga at leeg nito. "Again."
"Then kiss me."
And with that he smile before capturing her lips again. Now this is heaven.
----------####---------
Gabriel143