Chapter 8

1K 116 16
                                    

Mandy's POV

"Are you ok?" Napabaling siya kay Clinton ng huminto ang kotse nito sa labas nang isang restaurant.

"Oo naman. Bakit?" She asked.

Huminga ito nang malalim bago umiling. He then get out of the car bago siya pinagbuksan nang pinto. Nang makababa siya ay tsaka palang ito nagpunta sa backseat to open the door for Clyde.

"Ok lang ba na naka uniform ako?" Tanong niya habang nakatingin sa garbosang restaurant.

"Yeah. Come on." Sabi nito bago humawak sa likuran niya habang karga nito sa kabilang braso si Clyde.

Clinton is surely a gentleman she must say lalo na nung pinaghila siya nito nang upuan. Well lagi naman, kahit sa mga pinto ay pinagbubuksan din siya nito.

Clinton order the food for them dahil di naman niya alam kung ano ang masarap sa restaurant na to. While waiting for their food ay naaliw na nakikinig lang sila sa kwento ni Clyde. But when she look at Clinton ay ikinagulat niya na nakatitig pala ito sa kanya.

"B-bakit?"

"Why did you cry awhile ago?" Mahina nitong tanong para di madinig ng bata.

Napalunok siya bago nag iwas nang tingin. "Wala yun." All she could say.

Ipinagpasalamat niya na dumating ang pagkain nila kaya natigil ito sa kakausisa. Hindi pa siya handa.

"I had fun po." Napabaling siya kay Clyde na nasa likuran nang kotse. After dinner ay agad din naman silang umuwi dahil may pasok pa sila bukas.

Now they're on the way to her apartment dahil ihahatid siya ng mag ama.

"I'm glad baby." She said at sa gulat niya ay lumipat ang bata sa harap at kumandong sa kanya.

Clyde then hug her kaya niyakap din niya ito. Napamahal na talaga sa kanya ang bata, malambing kasi ito at napaka masunurin.

"Thank you for today teacher, I love you po." With that she can feel her heart just melted. This little boy is so sweet.

"I love you too baby." Bulong niya dito bago ito hinalikan sa noo tsaka inayos nang kandong sa kanya.

"Tulog na." Clinton suddenly said kaya napabaling siya dito.

"What?"

Ngumiti ito bago inginuso ang batang kandong niya. At napangiti nalang siya dahil tulog na nga ang bata. She was too busy watching the road na hindi niya namalayang nakatulog na ito.

"Paano yan? Magigising to pag baba ko." She said.

"Is it ok for you that we go home to my house? Tas pag nakuha na ni yaya yolly si Clyde tsaka kita ihahatid ulit?" Tanong nito kaya tumango siya.

Ayaw niyang disturbuhin ang tulog ng bata kaya pumayag na siya.

Its her first time to see Clinton's and Clydes house at di niya mapigil ang kabahan.

When the car get inside a gate at patungo ito sa malaking bahay ay napailing nalang siya. She expected a big house since kilalang negosyante si Clinton but the house surpassed her expectations. Mansion ata ang tirahan ng dalawa.

When the car stopped ay nakasunod lang ang tingin niya kay Clinton lalo na nung magpunta ito sa gilid niya. He open the door on her side and when his about to take Clyde on her lap ay napasinghap nalang siya sa subrang lapit nang mukha nito sa kanya.

"Ok ka lang?" He asked kaya naamoy niya ang mabangong hininga nito.

Namumulang tumango siya bago pilit na ngumiti dito.

Nagtataka man ay ipinagpatuloy nitong kunin sa kandungan niya ang bata. Gusto niyang matawa dahil di man lang naalimpungatan si Clyde habang karga na nang ama nito.

"You wanna go inside?"

"Pwede ba?"

"Ofcourse." He said bago ito naunang maglakad. "Come on in." He said kaya sumunod na siya dito.

"Dito nalang ako maghihintay sa sala." Sabi niya at tumango ito bago nagpatuloy sa pag akyat sa second floor.

"Teacher Mandy?"

Napalingon siya sa nagsalita at napangiti nang makita si yaya yolly.

"Hello po."

"Ay hala ma'am magandang gabi po."

"Magandang gabi din po. Ahm nasa taas na po si Clyde." She said at agad itong nagpaalam para mapuntahan ang alaga.

After five minutes ay napatingin siya sa hagdan nang makita si Clinton na pababa.

"Ready? Or do you want something to drink?"

"Im good. Hatid muna ako?"

Tumango ito bago humawak sa likod niya at inalalayan siyang maglakad palabas ng mansion nito.

Again he open the door for her at ito nadin ang naglagay ng seatbelt niya na ikinasinghap niya lalo na nung bumaling ito at gahibla nalang ang layo nang labi nito sa kanya.

"Why did you cry awhile ago?" Biglang tanong nito habang nagdadrive patungong apartment niya.

Akala niya ay tapos na sila sa usapang yun.

"Wala yun."

"If you shed tears into something, then it was not just nothing." Sabi nito kaya napalabi siya.

She look at Clinton bago napabuntong hininga.

"Naka move on kanaba sa pagkawala ng asawa mo?" She asked kaya napatingin ito sa kanya.

"Yes."

Napakurap siya. "Hindi muna siya mahal?"

"Mahal pa. Di naman yun mawawala, lalo pa at matagal din kaming nagsama at may anak kami. But I've already accepted the fact na hanggang dun lang ang story namin. Na pahiram lang siya nang diyos sa akin."

Tumango siya.

"So willing kang mag mahal ulit?" She asked at napatingin ito ulit sa kanya bago binalik ang tingin sa kalsada.

"Yes." All he said.

Natahimik sila nang ilang minuto bago siya nagsalita.

"How can you love a new one when your heart died the moment the love of your life breath his last?" Wala sa sariling tanong niya.

"Because someone will arrive in your life and be the reason for your heart to beat again."

Sabi nito at nang magkasalubong ang mga mata nila ay napakagat labi nalang siya.

Dug Dug Dug

----------####---------
Gabriel143

String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon