Numero uno

1K 101 30
                                    

Mandy's POV

"Mommy asan na po si Daddy?"

Napabaling siya kay Clyde na malungkot na naka upo sa huling baitang ng hagdan.

"Diko ma contact si Daddy baby eh, don't worry pag sinagot na niya ang tawag ko eh pauuwiin ko siya agad ha?" Sabi niya bago ito tinabihan at hinaplos ang ulo. "Gusto mong mag play muna sa kwarto mo? Tatawagin kita pag andito na si Daddy."

Tumango ito at pilit na ngumiti. "Ok po." Sabi nito bago tumayo at aakyat na sana sa second floor nang bumalik ito at niyakap siya. "Love you mommy."

Napakagat labi siya bago hinalikan ang noo nito. "Mahal din kita baby." Bulong niya dito bago ito binitiwan.

Nang mapag isa sa sala ay muli niyang tinawagan si Clinton para lang mainis dahil puro ring lang ang cellphone nito.

Sa loob nang apat na buwan nilang mag asawa ay ang daming adjustment ang ginawa nila. Totoo ngang hindi madali ang magkaroon nang pamilya.

Pero anong magagawa niya kung pagmamahal ang dahilan kung bat sila andito sa sitwasyon ngayon.

Did she regret marrying him? No.

Mahal niya si Clinton at ramdam niya din ang pagmamahal nito sa kanya. Isa lang naman ang pinagsisihan niya, yun ay ang tumigil siya sa pagtuturo dahil nakunan siya.

Yes she had a miscarriage, and since that day ay nagbago na ang asawa niya. Lagpas isang buwan na itong malamig sa kanya. Alam niyang nasaktan ito sa nangyari pero nasaktan din siya at hanggang ngayon ay nasasaktan parin.

Huminga siya nang malalim nang sumakit na naman ang puso niya sa naisip. Ayaw niyang makita siya ni Clyde na umiiyak ulit.

"Hey."

Napakurap siya at napatingin sa nagsalita. It was Clinton na kakapasok lang sa pinto.

"Bat ngayon ka lang? Kanina pa kita tinatawagan." Sabi niya.

"Let's talk later, pagod ako." Sabi nito bago siya nilampasan.

Agad nangunot ang noo niya nang may maamoy siya dito.

"Sandali." She said bago hinila ang kwelyo nito at inamoy ang leeg nito at dibdib.

"The fck, what are you doing?"sabi nito na halos itulak siya.

"Tapatin mo nga ako." She said bago ito tiningnan sa mga mata. "May babae ka ba?" Tanong niya.

"Nababaliw ka naba?" Sagot nito bago ito tumalikod. "Tantanan mo ako mandy ha, wala ako sa mood."

Sumunod siya dito at nang makapasok sila sa kwarto nilang dalawa ay inis na hinampas niya ang likod nito na ikinalingon nito nang masama sa kanya.

"Umamin ka Clinton, may babae ka ba?" Halos singhal niyang tanong.

"Wala." Sabi nito. "For godsake pagod ako sa trabaho. Pag paghingahin mo ako."

"Eh bat amoy babae ka?"

Napakunot noo ito bago tila may naalala. "Goodness that's my aunt's perfume. They visited me in the office and she hug me when we bid goodbye. Check the cctv so you will know na nagsasabi ako nang totoo. Hindi ako umalis sa opisina at lalong wala akong babae." Singhal nito sa kanya bago siya talikuran.

"I've been calling you pero dika sumasagot." Sabi niya .

Bumuntong hininga ito. "Busy ako Mandy, the company is expanding and I don't have time to answer anything mula pa kanina."

Di siya nagsalita at tinitigan lang ito.

"Please wag ngayon, pagod ako." Sabi nito at tuluyan siyang tinalikuran.

Papasok na sana ito sa banyo sa kwarto nila nang magsalita siya.

"Pagod ka? Eh ako ba tinanong mo kung pagod na? Ayaw ko na nang ganito Clinton, sawang sawa na ako. Maghiwalay na tayo." Mahinang sabi niya na alam niyang dinig nito.

Hindi niya alam kung bat yun ang lumabas sa bibig niya pero kinakain nang lungkot at sakit ang puso niya.

"Kung galit ka dahil nakunan ako, pwes ipakita mo. Magwala ka sa harap ko. Saktan mo ako ng pisikal kung yan ang makakapagluwag diyan sa loob mo. Pero wag ganito." She said.

Kita niya ang pagkuyom nang kamao nito.

"Di lang ikaw ang nawalan. Mas lamang ang sakit sa loob ko dahil hindi lang anak ang nawala sakin. Pati narin ikaw. Since that day You've change. You are not the same anymore. I-im hurting too Clinton pero nakikita mo ba? May paki ka paba?"

"Mandy please."

"Sa bawat araw na nakikita kita, mas lalong kinakain nang sakit ang puso ko. At ayaw ko nang ganito. Hindi ito ang pinangarap ko.." she said bago napahikbi at tinitigan ito sa mata.

His eyes is tired and teary.

"Sorry, pero pagod na ako. Ayaw ko na. Maghiwalay na tayo."

----------####---------
Gabriel143

String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon