Chapter 4 - Meet Joshic

9 3 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas simula no'ng nawala si balete. Medyo nakakamove-on na ako kasi itinuon ko na lang ang sarili ko sa pagsusulat pero hindi ko pa ina-upload sa Wattpad dahil hindi pa naman tapos.

Ini-open ko ang Wattpad account ko with my username na 'MeaghanDaAko' at may thirteen followers pa lamang. Well, I don't care kung kaunti pang followers ko as long as honest ako sa sarili ko. Time will come naman na dadami rin ang followers at reads ko. Still, tatlo pa lang ang published stories ko sa Wattpad na may kaunti pang reads pero umaasang madadagdagan iyon.

Tumunog ang cellphone ko at nag-text si madam Bhebhe. "Come over. We will meet our director."

Binura ko sa inbox ang mensahe niya at nag-ayos na ako. Medyo busy ang campus namin ngayon dahil may National Tournament ng basketball at ang makakalaban ng school namin ay tatlong prestigious Universities but I'm sure na hindi magpapatalo ang mga pambato namin. To be honest, maraming gwapong varsity players sa amin pero hindi ko sila bet. Ewan ko kung bakit. Pero sana, magkaroon na ako ng crush. Iyon sanang katulad kong manunulat din.

Nang makarating ako sa office namin, ako at si madam Bhebhe na lang pala ang kulang.

Hinarap ako ni Blair. "Feeling VIP, useless namang nilalang."

"Paanong useless, eh, ako nga ang tagalinis ng office. Baka gusto mong gawin kong mop iyang fes mo. Hah? Ano?"

Inirapan niya ako. "May araw ka rin sa'kin!" at bumalik na sa pwesto niya.

Pumunta na ako sa pwesto ko pero hindi na ako malapit sa may C.R. Nasa gitnang bahagi na ako at sa likuran ko si Vesty.

"Vest, nasa'n si madam?"

Tumigil siya sa pagsusulat at tiningnan ako. "Sinalubong niya ang magiging director natin."

Napangiwi ako. "Director? Kelangan pa ba?"

"May balak yata si madam na pagpilian ang mga story natin at gawing short film."

Inayos ko ang mga papel ko. "Sus....dagdag gastos lang."

"Sponsored na raw ng school natin at dinig ko pang mayaman daw itong magiging director natin. Kumbaga, isa siyang young millionaire."

"Milyonaryo na? Tapos gusto lang  maging director ng Association natin?" napapa-iling na lang ako.

"Ano ka ba, Megs? May ibang mayayamang down to Earth at pagod na sa yaman nila kaya gusto na lang nilang magpalipas-oras."

"Unbelievable," sagot ko. "Kabaliwan ang iniisip niya."

Maya-maya'y pumasok na si madam Bhebhe at kasunod niya ang lalaking magiging director na yata namin.

"Ew..." mahina kong bulong nang makita ang mukha ng lalaki at ang suot nitong parang pambata.

Napansin kong napanganga ang mga kasamahan ko sa BANWA. Tila ba nakakita sila ng isang mala-adonis na lalaki gayong sa aki'y wala naman.

"Vest.... Ang pangit...." pabulong kong wika kay Vest pero nakanganga lang siya at parang nahihipnotismo sa nakikita.

Nagsalita na si madam. "Ladies and gentlemen, meet Mr. Joshic Diamante. BANWA'S director. He will help us in everything."

Nagpalakpakan sila maliban sa'kin. Kaya naman pala mas pinili ng lalaking ito na maging director namin kesa magpakayaman ay dahil hindi ito bagay na maging mayaman. Mukha kasing alila ng isang mayaman.

Ang lalaki naman ang nagsalita. "Good day, everyone. You can just call me Joshic since I'm just twenty-five. Let's be friends and help each other reach our dreams."

Tumayo bigla si Vesty. "Pwedeng magtanong?"

"Yes," he answered. "What's it?"

"Ahh...diba, mayaman ka?"

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon