Chapter 21 - Joshic's First POV

12 3 0
                                    

Paulit-ulit kong napapanaginipan ang pangyayaring bumago ng aking buhay. Ang buhay ko noon na tangan ng palasyong ginto at mga tauhang matitikas at magagalang. Lahat ng kayamanang angkin ko ay naglahong parang bula. Matagal akong nawalay sa mundo ko. Pilitin ko mang bumalik ay hindi ko magagawa dahil sa itim na kapangyarihang bumabalot sa akin.

Naroon pa rin ako sa masukal na kagubatan at nakaluhod para magmakaawa sa isang makapangyarihang nilalang na ako'y palayain na sana. Ngunit paulit-ulit niyang sinasabi na hindi pa ako nagtatagumpay.

Alam ko sa puso ko na nais kong bumalik sa dati pero hindi na pwede sapagkat maraming taon na ang nakalipas.

Nangyari ring ako'y umiibig ngayon, kaya susulitin ko na lang ang huli kong pagkakataon na tulungan at paligayahin siya.

"Kuya.... Kuya Joshic...."

Biglang napawi ang isiping iyon nang marinig ko ang tinig ni Akil mula sa labas.

Bumangon na ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Bakit, Akil?"

May iniabot siyang card sa akin. "Happy Writer's Day po. Iniimbitahan ko po kayo ni ate na maging representatives ko sa school namin para sumali sa mga activities."

"Pumayag ba ang ate mo?" tanong ko habang sinusuri ang card.

Tumango siya. "Nagpe-prepare na nga po siya, eh."

"Sige, salamat, Akil," nakangiti kong tugon. Masaya ako dahil makakasama ko na naman si Megs. "Maghahanda na rin ako."

"Sige po, kuya..." at umalis na siya.

Masaya na akong naghanda para sumali sa imbitasyon ng school ni Akil. Babatiin ko rin pala si Meaghan. This day will be so great.

Nang matapos na ako ay humarap pang muli sa salamin. Nakasuot na ako ng formal attire with black and white stripe necktie. Hmmmm...pogi na. Pogi naman talaga.

Mabilis na akong lumabas ng silid ko at tinabihan si Akil sa sofa para hintaying bumaba si Megs.

Kinakabahan na ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro'y excited lang ako dahil makakasama ko si Meaghan. Palaging ganito ang nadarama ko sa tuwing tungkol kay Megs ang dahilan kasi mahalaga siya sa akin.

Siya kasi ang pinakaunang babaeng pinahalagahan ako no'ng mga panahong wala akong halaga sa ibang tao.

Nang marinig ko na ang tunog ng sandal ni Meaghan ay napa-angat na ako ng tingin sa hagdanan. Sa puntong iyon, nasilayan ko na ang babaeng tangi kong mamahalin kahit pa hindi niya ako mahalin pabalik. Nais ko mang aminin ang lahat kay Megs ay hindi pwede. Hihintayin ko na lang ang pagsapit ng huli kong hininga pero siya ang huling masisilayan.

Napakaganda talaga ni Meaghan. Lalo siyang gumanda ngayon dahil sa suot na sheath dress na kulay pula. Halata sa katawan niya ang kurbadang nakakabighani at mga binti niya'y malasutla na mamula-mula dahil sa kaputian.

Nakakamangha ang kariktan niya, isang bagay na labis kong kinaiibigan sa kanya. Bukod sa nakakatuwa siyang kasama, maraming bagay na tungkol kay Megs ang nagugustuhan ko.

Kung pwede lang sanang pilitin ko siyang ibigin ako ay gagawin ko pero sapat na sa'kin ang makasama siya at masulyapan niya ako ng tingin.

"Joshic, ayos ka lang?" tanong ni Meaghan.

Napatitig ako sa mukha niyang sobrang ganda. Ang hugis ng mukha niya'y parang hinulma sa perpektong anggulo. Ang mga kilay niya'y makapal pero natural na ang linis, mga pilikmata'y mahaba't mapang-akit, mga mata'y kulay asul na parang karagatan. Ang ilong niya'y matangos at ang pisngi'y masarap kurut-kurutin. Ang labi niya....... napalunok ako. Ang labi niya'y pasok sa perfect ratio dahil hindi ito makapal o manipis. Ang labi niya'y gusto kong halikan nang paulit-ulit.

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon