Chapter 13 - Admirers ni Joshic

7 3 0
                                    

Pagkababa ko ay sobra akong nagulat dahil sa nakita!

What the!

Halos mapuno ng tao ang bahay namin at umabot pa hanggang bakuran namin! Naalala ko ang pwesto ni balete at baka naapakan na nila 'yon!

Dali-dali akong nakipagsiksikan at pumunta ro'n. Biglang nawala ang kaba ko dahil may nakalatag do'n na karton at may nakasulat na 'Bawal apakan. Reserved for balete only. -By Joshic'.

Natawa ako dahil sa nabasa, so, narito na nga siya dahil na rin sa dami ng taong narito. For sure, si Joshic ang pinunta nila.

Hinanap ko sina Mama at nakita ko sila sa labas na inaatupag ang mga tao at tinatanggap ang mga dala nilang pagkain, prutas, gulay, gamit, at palamuti.

"Ma... Para sa'n iyan?"

Pawisan na si Mama nang harapin ako. "Alay nila para kay Joshic. Lalo yatang gumwapo si Joshic matapos mawala ng isang araw. For sure, Megs, magagwapuhan ka na sa kanya..."

"Weh? Di nga?" pagbibiro ko.

"Oo nga. Sabado naman ngayon kaya ayos lang dahil walang lakad si Joshic. Tulungan mo na lang kami rito."

Napatingin ako sa mga tao, lahat sila ay may bitbit. Grabe naman ang Joshic na'to. Paano nagkaroon ng admirers ang pangit niyang fes? At bakit lalo raw siyang naging pogi? Totoo kaya?

Teka....... nasa'n ba siya?

Sinuyod ko ang paligid para hanapin siya. Nakita ko siya sa may kalsada na pinaliligiran ng maraming tao and this time, kausap niya si Blair.

Ang loka.....pumunta pa talaga rito? May bitbit pa siyang basket ng mga pagkain at bouquet ng flowers.

Pangiti-ngiti siyang nakikipag-usap kay Joshic.

Nilapitan ko na sila. "Saan ka galing?" tanong ko kay Joshic.

Paglingon niya sa akin ay nagulat ako sa itsura niya! Natutop ko ang bibig dahil sa hindi maintindihang dahilan! Bakit?! Anong nangyari??!!

"Megs???" Napansin yata ni Joshic ang reaksyon ko kaya nilapitan niya 'ko.

Pero mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Lalong lumakas ang pintig ng puso ko.

Nang makasalubong ko si Akil, pinigilan niya ako. "Ate! Sobrang gwapo ni kuya Joshic!"

Umiling ako. "Layuan ninyo ako! Mga baliw kayo!" At dali-dali na akong umakyat sa taas at nagkulong sa kwarto.

Bakit gano'n?? Nababaliw na ba sila o ako?! Naalala ko ang panaginip ko kanina at parang magkakatotoo yata 'yon!

Hinahabol ko ang hininga ko dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko. Paanong lagi nilang sinasabi na gwapo si Joshic ngunit pangit sa paningin ko?!

"Megs? Can we talk?" wika ni Joshic mula sa labas.

Nagkumot ako dahil ayoko siyang makita! As in! Lalo siyang pumangit! Nadagdagan ng nunal ang kanyang mukha at meron na sa mga balikat niya!

"Megs?" tawag niyang muli.

"Lubayan mo ako, please! Dahil sa'yo, hindi ko alam kung anong nangyayari sa mga tao at sa'kin!"

"Hindi ako masamang tao, Megs." sagot niya. "Na-miss kita..."

Napapailing ako kahit 'di niya ako makita. "Anong nangyari sa mukha mo? Ba't lalo kang pumangit?"

"Hindi kita maintindihan, Megs. Wala namang nangyari sa mukha ko. Ano ba sa tingin mo?"

Napilitan akong bumangon at lumapit sa may pintuan. "Ang mga nunal mo, ba't lalong dumami?"

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon