Chapter 11 - Hamakera Queens

9 2 0
                                    

Pinakiramdaman ko ang paa ko. Hmmmm....okay na..... magaling na...

Maaga ako ngayong pumasok sa school. Naabutan ko pa nga ang mga dyanitor na nagwawalis.

Binati ko sila ng good morning at nag-response naman sila.

May lumapit sa aking lalaki na medyo matanda na. "Ineng, ang aga mo yata."

Ngumiti ako. "May marami po kasi akong gagawin." Ang balak ko rin sana ay guluhin ang mga gamit ni Blair sa opisina namin. Tutal naman ay may kanya-kanya kaming susi ng opisina.

"Ineng, diyan ka ba nakatira sa bahay na 'yan?" Itinuro niya pa ang bahay namin.

"Opo," sagot ko. "Bakit po?"

"May kasama kayo sa bahay na hindi ninyo kauri. Mag-iingat kayo..." Iyon lang ang sinabi niya at tinalikuran na ako.

Medyo kinilabutan ako sa sinabi niya. Nagsitayuan na rin ang mga balahibo ko sa katawan. Pati yata ang mga baby hair ko sa nunal sa puwet ay nasindak rin.

Sino bang tinutukoy ni manong? Eh, ang kasama lang naming bago sa bahay ay si Joshic. Pero....hindi naman siya takot sa asin.

Ahah! Susubukan kong tumuwad mamaya sa pagitan ng mga hita ko kapag kasama ko si Joshic para malaman kung siya ba ang tinutukoy ni manong.

Dumiretso ako sa office namin at ginulo ko ang mga gamit ni Blair. Kinuha ko rin ang pentel pen niya at ini-draw do'n ang bibig na nakabelat. Akala niya ba ay palalampasin ko ang mga ginagawa niya sa akin? No way!!

Pasalamat nga siya at hindi ko na pinilit kay madam Bhebhe na palitan ang story niyang yagit, tapos, aaway-awayin pa 'ko!

Pagkatapos kong gawin iyon ay umuwi na ako sa bahay namin para tumuwad sa harapan ni Joshic.

Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong niyayakap ni Akil si Joshic at masayang nagpapalakpakan sina Mama at Papa.

This is it, Joshic. Ngayon ko na malalaman kung sigben ka nga ba talaga. Bwahahaha.

"Megs, saan ka galing?" tanong ni Mama. "Tingnan mo, may bagong laptop na si Akil! Binilhan siya ni Joshic. Ang bait talaga ng future boyfriend mo....."

Pero nakatingin lang ako kay Joshic. Napasulyap siya sa'kin at nginitian ako.

Nang maging abala siya sa pag-usap kay Akil, doon na ako tumuwad at tiningnan siya.

Ewww.... Ang pangit.. Lalong pumangit.... Pero hinintay ko na baka mag-ibang anyo siya pero wala, eh. Si Joshic pa rin, pangit pa rin.

"Anak? Napa'no ka ba?" tanong ni Papa nang mapansin ako.

Bigla kong inayos ang sarili ko. "Ah..
Wala po, Pa... In-exercise ko lang po ang hips ko dahil medyo masakit na."

"Halika... Tingnan mo ang laptop ni Akil." aya ni Papa sa akin.

Lumapit na ako sa kanila. "Mabuti."

"Oo nga, ate. Binilhan ako ni kuya Joshic para daw hindi na tayo mag-away at hindi ka na madisturbo sa pagwa-wattpad mo."

"Edi, sana all..." bigkas ko.

Sinapak ako ni Mama. "Anong sana all? Magpasalamat ka kay Joshic."

Napakunot-noo ako. "Ba't ako? Ba't hindi si Akil?"

Kinurot ako ni Mama.

"Aray... Oo na... Sa-Salamat, Joshic."

Ngumiti lang si Joshic at hindi nag-response.

Ngayon ay magkasabay na kaming pumunta ni Joshic sa paaralan. As usual, may marami siyang fans na nakasunod sa kanya.

"Saan ka galing kanina?" tanong niya.

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon