Chapter 16 - Pagbabagong-ugali

7 3 0
                                    

Nang magising ako ay Sabado na. It's my fifth weekend na at siyam na lang ang followers ko. Ano pa nga bang dapat kong asahan? Eh, for sure, kaunti pa lang ang reads ng story.

Sinubukan kong abutin ang cellphone to check the time. Hala! Alas nuwebe na pala! Nakita ko rin ang message ni madam Bhebhe na may shooting daw kami ngayon.

Si Joshic?!

Napabalikwas ako ng bangon at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ni Joshic. Naalala ko kasi ang lalaking espirito na gwapo at baka may ginawa siyang masama kay Joshic!

Hindi ko na kasi maalala ang nangyari matapos kong pumasok sa kwarto ni Joshic. Basta, ang mahalaga ay ligtas siya.

Pagkababa ko ay nadatnan si Papa na lumabas galing sa kwarto ni Joshic. "Pa, kumusta na si Joshic? Nando'n lang ba siya sa kwarto niya?"

Tumango si Papa. "At sa susunod, huwag ka nang papasok sa kwarto niya para lang mahimatay doon. Hindi mo ba alam na sobra mong bigat?"

Kinati ko ang kilay. "Fine, pero sure bang hindi mamamatay si Joshic?"

Binato ako ni Papa ng tinidor. "Huwag mong sasabihin iyan! Malakas si Joshic at nagpapahinga lamang siya! Pakakasalan mo pa siya!"

Pinulot ko ang tinidor at nilagay 'yon sa banggera. "Pa, chillax po. Atat po kayo masyado. Asan nalang po ang breakfast ko? Nasa'n pala sina Mama at Akil?"

Pinaghain ako ni Papa ng makakain. "Ang Mama mo ay bumili ng gamot para kay Joshic. Si Akil naman ay pinuntahan ang crush niya."

Nagsimula na akong kumain. "Okay. Pero Pa... Ano pong nangyari sa sugat ni Joshic? Natanggal niya ba ang bala?"

Umiling si Papa. "Hindi ko pa naitatanong sa kanya, nak. Dapat alagaan mo siya.." at iniwan na ako ni Papa.

Napapaisip naman ako sa ginawa ni Joshic para tulungan kami laban sa holdaper. Kita talaga ng dalawa kong mata ang nangyari na kahit may tama siya ng baril ay napakalakas niya pa rin. Paano niya rin kaya nagamot ang sugat?

After kong mag-almusal, tumuloy na ako sa filming location namin sa bahay pa rin ni President.

Nadatnan ko silang abala sa pagse-set-up. Kaagad akong nilapitan ni Blair. "Megs, how's Joshic?"

Tiningnan ko siya at naalala ang gusto ni Fairy Queen Sesia at Joshic na maging mabait na ako. "A-Ayos na siya..."

"Makakarating kaya siya ngayong araw?"

Umiling ako. "Hindi ko sigurado, eh."

Malungkot na tumalikod si Blair at si Vesty naman ang kumausap sa'kin. "Oy, Megs, friends na kayo?"

"Ewan, pero ayoko na ng away."

Pumalakpak siya. "Wow...nakakapanibago ka ngayon, Ms. Meaghan Darhaucia."

"Maganda talaga ako."

Bigla namang sumigaw si madam Bhebhe. "Let's continue kahit wala pa si Mr. Diamante! Let's capture scenes nalang for Blair alone!" Pumalakpak pa siya as a sign na dapat bilisan ang kilos namin. "This will be our second to the last shooting. Mabuti sana kung makakahabol si Mr. Diamante."

Sumingit ako. "Nagpapahinga pa po siya, madam Bhebhe."

"Well, I'm here."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita and it's Joshic! Paanong mukha na siyang okay matapos ang natamo niyang bala ng baril sa dibdib?

Mabilis na tumakbo si Blair at nilapitan si Joshic. "My goodness, mabuti at okay ka na. Alam mo bang----"

Pero hindi pinansin ni Joshic ang pa-concern-thingy ni Blair. Nilagpasan niya lang si Blair at ako ang nilapitan. "Hindi ako komportable kapag lumalabas ka ng bahay na hindi mo ako kasama."

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon