Chapter 19 - Sino ka, Joshic?

9 3 0
                                    

"Joshic? Anong nangyari sa'yo?!" tanong ko nang mapansin ang lalong pagdami ng mga nunal niya. Tila dumoble ito sa dami mula last week.

Malungkot niya akong tinitigan. "Ano bang nakikita mo, Megs?"

Pero ngumiti ako at mas lalong lumapit sa kanya. "Joshic, kaibigan na kita at parte ka na ng pamilya namin. Ano pa man ang itsura mo sa paningin ko, hinding-hindi kita kamumuhian."

Naluluha na siya. "Ang gusto ko lang ay maging masaya ka at matapos mo ang misyon..."

Tumango ako. "Magagawa ko iyon dahil ikaw ang kasama ko. Ang dami mo kayang fans..." Tumawa ako at sinubukang hawakan ang mga nunal niya. "Magkaiba kami ng tingin sa'yo."

Nagsimula nang umibis ang ilang butil ng luha niya. "Na-miss kita."

Nanatili akong nakatitig sa kanya. Bakit kaya parang may nararamdaman akong ala-alang nasa tuktok ng isipan ko pero hindi ko naman maalala? "Siyanga pala, sinong kausap mo kanina?"

"Wala akong kausap, Megs..."

"Pero narinig kita kanina na may kausap, hindi nga lang nagsasalita ang kausap mo."

Pinahiran niya ang luha at suminghot. "Baka nagha-hallucinate ka lang, Megs. Umiyak lang ako kanina at hindi nagsasalita."

"Gano'n ba? Narinig ko pa ngang nagmamakaawa ka, eh."

Ipinatong niya ang ulo sa kama. "Huwag mo nang pansinin ang mga hallucination mo, Megs."

Tumayo na ako. "Okay, hindi na kita pipilitin. Gusto mo bang kumain na muna?"

Umiling siya. "Gusto ko munang matulog."

"Sige, lalabas na rin ako."

Lumabas na nga ako ng silid ni Joshic pero nagmamasid pa rin ako dahil gusto kong makita kung sinong kausap niya.

Nanatili lamang ako sa may pinto ni Joshic sa labas. Baka kasi may kausapin siya ngayon. Ahah! Dapat kong kunin ang cellphone ko para e-record anumang pag-usapan nila.

Mabilis akong bumalik sa kwarto ko at hinanap ang cellphone ko. Teka, nasa'n na 'yon?

Hinanap ko sa study table ko ang cellphone pero wala. Sinilip ko sa ilalim ng kama pero wala pa rin! Hinablot ko pang mga unan at kumot pero wala pa rin talaga!

"Cellphone! Sa'n ka ba?! Kailangan kita ngayon...." usal ko at naiinis. Bakit ngayon ko pa hindi makita, kung saan kailangan ko para gamitin kay Joshic?!

Arrrggghhhh!!!!

Nanghihina akong bumalik sa baba at dumiretso sa pinto ni Joshic. Nilapit ko pa ang tenga ko sa dahon ng pinto pero katahimikan lang ang naulinigan ko. Malamang ay tulog na nga siya.

May bigla namang kumatok kaya pinagbuksan ko iyon ng pinto. Nagulat ako sa bisita ko. "Blair?"

Nagpalinga-linga siya sa paligid. "Si Joshic?"

Napataas ako ng kilay. "Ba't mo hinahanap? Close kayo?"

"Gusto ko lang mag-sorry..."

Napakunot-noo ako. "Ba't ka magso-sorry?"

Medyo nalilito naman ang expression niya. "Hindi mo ba maalala ang nangyari sa party?"

"I do. Ako iyong uminom ng wine na ibinigay mo kay Joshic. Tapos, nawalan na ako ng malay."

Natigilan siya. "Ah... Ah... S-Sige.. babalik nalang ako sa susunod." Mabilis na rin siyang naglakad paalis.

Napaano kaya 'yon? Ba't siya magso-sorry kay Joshic?

Isinara ko nang muli ang pinto at bumalik sa pwesto ko kanina pero nag-decide na akong pasukin ang kwarto ni Joshic para mahuli ko siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Mahina ang bawat hakbang ko palapit kay Joshic. Nakahiga siya nang patagilid at kita ko ang likod niyang puno ng nunal pero nakasuot pa rin ng necktie kahit walang pantaas na damit. Bakit hindi siya nagkumot?

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon