Prologue

17 3 0
                                    

May mga taong dumarating sa buhay natin na mag-iiwan ng aral at sari-saring alaala. May mga tao namang nawawala dahil hindi sila para sa atin.

Paano nga ba ipaglalaban ang isang pangarap kung may isang taong nakataya na ayaw mong mawala?

Ano nga ba ang dapat piliin, pangarap o pagmamahal?

Inaamin ko sa sarili ko na medyo sakim ako sa pag-abot ng pangarap ko. Minsan nga, wala na akong pakialam tungkol sa ibang tao basta naka-focus lang ako sa buhay ko.

Sa pagtupad ko sa aking pangarap, may makikilala akong hindi pangkaraniwang lalaki na magkakaroon ng malaking bahagi sa aking buhay.

Kasabay niyon ay ang hindi kapani-paniwalang diwatang magpapakita sa akin at ako'y bibigyan ng isang misyon na kabayaran ko raw sa aking pagiging hamakerang nilalang. Pwede ba 'yon?

Paano ko nga ba mapagtatagumpayan ang misyong imposible ko yatang matapos?

Dahil nga isa akong aspiring Wattpad writer at nanghahamak ng kapwa ko manunulat, ang aking misyon ay tungkol na rin sa aking Wattpad stories.

P.S. Huwag kayong atat na malaman ang misyon ko. Subaybayan niyo na lang ang kwento ng aking buhay na kahit hamakera ako, maganda naman. Higit sa lahat, ako ang pinakamagaling na manunulat sa buong mundo!

Joke lang po, Fairy Queen Sesia.

Ang lalaking sunod nang sunod sa akin ay nangakong siya raw ang makakatulong na matapos ko ang aking misyon.

To be honest, sobrang hirap ng misyon ko pero hindi ako papayag na hindi ko iyon ma-accomplish.

Seriously speaking, along the required time for my mission to finish, I will realize many things. Gano'n naman daw dapat.

Dahil sa pangyayaring iyon, mababago ang buhay ko.

Hindi ko naman kasi akalain na ganoon ang mangyayari. I admit I'm a badass sometimes but I'm willing to change for good. Lagi naman tayong may time para sa pagbabago kung talagang bukas tayo para dun.

May tao rin naman kasing handa tayong mahalin kahit ano pa tayo sa paningin ng iba.

Hindi ko rin lubos maintindihan kung bakit ako nabigyan ng misyon dahil lang sa ugali kong para sa'kin ay wala namang masama. Mahilig lang talaga akong magkomento ng mga gawa ng iba dahil sa tingin ko'y magaling naman akong manghusga ng mga iyon.

Masama ba kung medyo adik ako sa social media at medyo choosy ako sa mga stories na nababasa ko sa Wattpad?

Dagdag pa ang last P.S. ko na mayroon akong third eye. Anong connect?

Basta, just scroll down to more pages and you'll understand everything.

Ang third eye ko ay isa lang yatang fashion sa noo ko. It seems useless kasi.

Ano man ang maging resulta ng misyon ko, sisiguraduhin ko namang walang mawawala sa akin. Hindi ko hahayaan ang diwatang gawin ang nais niya dahil wala siyang karapatan.

Hawak ko ang buhay ko, ako lang talaga ang may hawak nito.

Infairness, ngayon lang yata ako nagseryoso, may pagka-baliw kasi ako, eh.

Pero baka full na 'kong mabaliw dahil sa misyon ko.

Pinaka-last na P.S. Funny, funny, funny. Very, very, very. K. Bye.

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon