Chapter 2 - Call Me Megs

9 4 0
                                    

"Welcome to Shatapque City! The place where you can imagine everything! The place where you can live like it's the end of the world! Once you're here, it's hard for you to turn around! Why? Well, come here and find out for yourself!"

Narinig kong sabi ng isang babae sa TV na ipinagmamalaki ang syudad namin. Totoo namang blessed ka 'pag dito ka nakatira sa Shatapque dahil wala ka talagang masasabi sa ganda nito. Yohoo! Swerte ko at dito ako nakatira sa Shatapque City!

"Megs!!!" tawag ni Mama mula sa baba.

Megs nga palang nickname ko. Why? Edi, short for Meaghan. Easy. Kidding aside, may fave rin kasing artista si Mama na si Meaghan Blahblah.

Pagkababa ko, masayang nakabukad ang mga bisig nilang tatlo sa may lamesa at may box doon.

"Bagong laptop?" masaya kong tanong.

Tumango silang tatlo.

Dali-dali akong tumungo sa kanila at nagyakapan kami. Maya-maya'y umiwas si Akil. "Maghilamos ka muna, te, amoy panis na laway ang buhok mo."

"Tseh!!!" at tumalon kami nina Mama at Papa. Si Akil naman ay naupo na.

"Anak....salamat talaga..." sabi ni Mama. "Salamat at sinira mo ang laptop kagabi."

Naalala kong bigla ang ganap kagabi...

Imbes na magalit sila ay masaya pang kinuha ni Mama ang hawak kong parte ng laptop, si Papa naman ay iyong parteng nasa kama ni Akil at pinaghahampas nila iyon sa sahig at inapak-apakan.

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang hawakan ni Mama ang pisngi ko. "May natuyo kang laway, oh." at nagsitawanan sila. "Pero salamat talaga, Megs. Alam mo bang matagal na rin naming hinihintay ni Papa niyo na sirain ninyo ang laptop para makabili na tayo ng bago? Actually, nakapag-reserve na kami last year pa pero hindi muna namin kinuha dahil ginagamit niyo pa iyong luma. Ngayon, welcome to new lappie na!" Pumalakpak pa silang dalawa.

Nasapo ko ang noo dahil na-realize ko kung kanino ako nagmana. Mabuti si Akil at medyo lumihis nang bahagya.

"Ma....Pa... Dapat sinabihan niyo kami para noon pa namin sinira."

"Ano ka ba, anak? Surprise nga, diba? Surprise!!" sagot ni Papa na may pa-birthday popper pa.

"Nababaliw na naman kayo. Makaligo na nga," sabad ni Akil at umakyat na sa taas.

Inalis ko ang mga pira-pirasong papel na napunta sa buhok ko. "Pa naman, nagkakalat ka lang, eh."

Pumunta si Papa sa may pintuan at kinuha ang walis-tambo at dustpan. "Magagamit pa natin ito sa ibang mga surprise," wika ni Papa.

"Megs, anak, kung balak mong magkaroon ng bagong cellphone, sirain mo lang, hah? At bibilhan ka namin ng bago," saad ni Mama na sinimulang buksan ang box.

Tinulungan ko siya. "Ma, ba't ko pa sisirain kung pwede namang itapon na lang? Utak ang gamitin, utak, Ma."

Tumingin siya sa'kin. "Wow, anak. Ang talino mo talaga."

"Pero, Ma. Hindi ko muna ito itatapon kasi may sentimental value ito. May marami kaming pictures dito ni balete."

"Ayyyy... Anak, sabi nga pala ni Kapitan kahapon na puputulin daw ang balete sa may bakuran natin dahil sagabal sa wires ng kuryente."

Natigilan ako pero sinapak ang laptop na nalabas na mula sa box. "Hindi pwede! Atin ang punong iyon! Mahal ko iyon!"

"Megs, gusto mo na naman ba ng bagong laptop?" pigil ni Mama sa kamay ko na hahampasin sanang muli ang laptop. Inilapit na lamang ni Mama ang palad ko sa pisngi ni Papa at nasampal ko siya.

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon