Chapter 1 - Ang Puno ng Balete

19 4 0
                                    

Hindi lingid sa kaalaman nating mga Noypi na may dakilang kasaysayan ang puno ng balete. Bukod sa isa ito sa mga matatandang puno sa Pilipinas, pinamamahayan daw ito ng mga diwata, aswang, kapre, o mga espirito. Hindi tayo nagkakamali dahil totoo talaga, nakikita ko sila kasi may ikatlo akong mata sa ilong, este, noo pala. Ang puno na ito na nasa bakuran namin ay kakaiba talaga.

Bakit ko ba ibinabahagi ang tungkol sa punong ito? Kasi, kaibigan ko na ito. Hindi pa ako isinisilang sa mundong ito ay narito na ito't hinihintay ako. Habang lumalaki ako, lagi ko itong kausap at alam nito ang marami kong sekreto tulad ng malaki kong nunal sa puwet na may tatlo pang baby hairs. Hekhek. Secret pa rin iyon. Na-share ko na rin na may crush akong espirito kasi super gwapo nito kahit napakaputla ng balat nito. Naibahagi ko na rin sa punong balete ang ilan sa mga favorites ko. Minsan naman, inaawitan ko ang balete.

Minsan naman, bukod sa balete ay nakikita't nakakausap ko ang iba-ibang uri ng mga nilalang na hindi ko kauri. May iba sa kanilang inaasar ako, may iba namang kinakaibigan ako. Keribels naman basta huwag lang nila akong saktan.

Love ko talaga ang baleteng ito kasi I feel safe and happy kapag nasa lilim ako nito just like today. Nakadantay lang naman ang likod ko sa puno at nagmumuni-muni. Lumilipad ang isipan ko sa iba-ibang klase ng mga kwento na isusulat ko at ipa-publish sa Wattpad.

Yep. You're right. I'm an aspiring Wattpad writer and writing is my passion. Nangangarap akong katulad ng baleteng ito, magiging tanyag akong manunulat at hahangaan ng karamihan. Hakhak! Dogdog! Mataas bang pangarap ko? Syempre! Kasi nga, katulad ng baleteng ito ang pangarap ko. Sabi nila, hindi masamang mangarap basta panindigan mo at gawin mong makatotohanan.

"Ate! Ate!" maya-maya'y tawag ng aking kapatid na si Akil. To be honest, may sekreto siya.

"Bakit?" tanong ko nang makalapit na siya. Mayroon siyang dalang laptop.

"Bakit mo pinalitan ang password nito?" tanong niya na inilapit pa sa mukha ko ang laptop.

Umiwas ako. "Balak mo bang ipalunok sa akin ang bulok na laptop na 'yan? Sabagay, kung kakainin ko 'yan ay paniguradong bibili ng bago sina Mama."

"Oo ate, para mamatay ka pagkatapos. Ano ba kasing password nito?"

Umirap ako. "Matalino ka, diba? Edi, hulaan mo. Try and try until you die," at tumawa pa ako. "In that way, masosolo ko na ang laptop at makakafocus na ako sa pag-a-upload ng mga story ko."

"Stories mong wala namang reads?" pang-aasar niya.

Tumayo ako't sasapakin sana siya pero nakaiwas ang loko. "Hoy! Baguhan pa lang naman ako, no! Last week pa lang naman since nag-join ako sa Wattpad kaya wala pa akong maraming reads pero may followers na ako!"

"Asa ka pa, ate. Maganda ka lang pero hindi magaling sa paggawa ng kwento. Ano bang mapapala mo riyan? Mas mabuti pang maghanap ka na lang ng extrang trabaho kung saan may sweldo ka para naman may pandagdag sa alkansya natin."

"Ayoko nga! Tyaka, busy ako dahil graduating ako at balak akong kunin na member ng isang Association ng school namin kaya gora ako."

Sinubukan na niyang tumalikod. "Bahala ka, ate. Basta doon ka sa may income ka. Babalik ako mamaya para ipalamon na talaga sa'yo itong laptop."

"Tseehhh!!!" Sinubukan ko siyang habulin pero mabilis na siyang nakapasok sa loob ng bahay namin.

Naupo akong muli sa mga ugat ng balete. "Hay naku, kakainis talaga ang batang iyon. Sarap tirisin!" nanggigigil kong pagmamaktol.

"Oy....huwag naman...." maya-maya'y sagot ng isang garalgal na boses.

Napatayo akong muli dahil sa gulat. "Sino ka?!" tanong ko at hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. Ang nakita ko'y isang white lady na nakatirintas ang mahabang buhok. "White lady???"

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon