Chapter 12 - Pagmamakaawa

5 3 0
                                    

Sobrang napagod talaga ako dahil sa shooting kanina at bangayan namin ni Blair.

Wala na akong balak na mag-dinner dahil gusto ko nalang mahiga at matulog. Dumiretso na ako sa kwarto ko kahit pa tinawag ako ni Mama.

Nang makapasok sa kwarto ko, kaagad na akong nahiga. Sinubukan kong ipikit ang mga talukap ng mata ko pero hindi ako makapag-focus.

Paulit-ulit kasing umuukilkil sa isipan ko ang sinabi ni Joshic kanina na, "Mahalaga ka kasi sa'kin."

Bigla akong napasipa sa kama, "Ew...kadiring fes naman 'yon. Napakapangit talaga, as in."

Kinuha ko na lang ang cellphone at ni-check ang watty ko. Naka-hide na ang third story ko pero ang dalawa kong story ay medyo nadagdagan ang reads.

Still, naiinis ako sa isang nag-unfollow sa'kin. Bakit niya ako in-unfollow? Feeling sikat siya? Ganern? Kaloka!

Nag-try na rin akong mag-open ng FB at nag-post sa myday ko ng picture kong flawless at may caption na, "Your day is beautiful through me."

Muli akong nag-scroll sa newsfeed at nagulat nang makita ang story kong Addicted To You na pino-promote ng Wattpadupidity page. Hindi nga lang available ang link. Ang makikita lang sa post ay title ng story ko, name ng author... aherrmm sincerely yours, at ang story description.

Nag-try akong mag-post ng comment, "Tamang promotion iyan, admin. Napakagandang story niyan. Worth it talagang basahin kasi unique ang storyline. Shocking din talaga ang mga twist. Bawat dialogue ay malinamnam. Mature content pero mahiyain sa detalye. Nakakaproud lang at all. Salute to the author of this story." Natawa pa talaga ako.

Ngunit may nabasa akong comment na tinatanong kung bakit daw hindi niya mahanap ang story. Ako na lang ang nag-reply na sa Sabado at Linggo lang available ang story.

Kaagad namang nag-reply ang may-ari ng comment, "Ba't sa Sabado at Linggo lang? Feeling sikat ba si author? Nakita ko kasing twelve lang ang followers ni author tapos 'yong dalawang stories ay hindi naman yata maganda."

Nagngitngit ang isipan ko sa kitid ng isipan niya kaya nag-reply ako, "Anong pakialam mo? Hindi mo pa alam ang rason nung author kaya shatap ka diyan.."

Nag-react siya ng haha sa comment ko at nag-reply, "Bobo ka, gurl? Shut up 'yan, hindi shatap."

Ay?! Ginagalit talaga ako?! "Hoy!!" Nanginginig na ang kamay ko sa pagta-type. Parang gusto ko nang pumasok sa cellphone at harapin ang commentator na 'yon tapos papatayin ko siya! "Gurl o girl? Mas bobita ka! Feeling perfect ka ba? 'Di ka ba dumaan sa pagiging jejemon? Jejeje, jajaja!!. Hindi naman special ang reads mo, so, back off!" at nilagyan ko pa ng emoji na may sungay.

Nag-reply pa rin siya, "Ikaw bang author ng story?"

Naalarma ako sa tanong niya pero proud na proud ako sa story ko, "Oo.." response ko.

Nag-react siya ng haha at comment uli, "Kaya pala! Good luck, girl! For sure, hindi ka sisikat!"

Galit na galit na talaga ako tapos may marami pang nag-react sa nauna kong comment na papuri sa story ko. Lahat ng reacts nila ay haha at may replies na pangit daw ang story ko, wala raw essence.

Hindi ko na natiis ang mga nababasa ko. Ini-off ko na ang cellphone at sinubsob ang mukha ko sa unan. Hindi ko akalaing masasaktan ako at iiyak dahil sa masasakit na comment nila. Pero bakit hindi ako nasasaktan kapag hinahamak ni Blair ang mga story ko? Dahil ba sanay na ako sa kanya?

Huhuhuhu......

Ayoko na sa misyong ito! Masyadong mapanakit! Fairy Queen Sesia! Galit ako sa'yo!

Her 13 WeekendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon